Diana Natawa na lamang ako at napailing sa sinasabi ni Liezel. "Hindi ka pa rin ba naniniwala sa akin?" Napahinga ako ng malalim. "Liezel, eight years ko nang kilala si Francis." "Kahit sarili niyang parents, sigurado akong hindi rin siya kilala, lalong-lalo na ang father niya. Ipapaputol ko ang mga daliri ko sa mga kamay at paa ko kung mali ako. Dare me, ate Diana." Napatitig ako sa kanya at hindi makapaniwala sa nakikita kong kaseryosohan sa mukha niya habang nakatitig din siya sa akin. "Nag-s*x na ba kayo? Hinalikan ka na ba niya? 'Yong laplapan, ha at hindi 'yong parang nandidiri. 'Di ba, isang taon mo na siyang boyfriend bago ka niya niyayang magpakasal? Teka, nanganak ka, 'di ba? Sino ang ama? 'Yong fiance mo ba o 'yong dumukot sa iyo? Buntis ka na ba noong araw ng kasal mo?