bc

Kidnapped by the Billionaire: Dexter Delavega

book_age18+
135.5K
FOLLOW
1.3M
READ
billionaire
kidnap
pregnant
dominant
submissive
single mother
drama
sweet
bxg
city
like
intro-logo
Blurb

[WARNING-MATURE CONTENT]

"Don't even try to get out of here...'cause that will never happen. You'll be imprisoned here for the rest of your life WITH ME. And there's nothing you can do about it!"

Sa mismong araw ng kasal ni Diana Marie Cardenas, ang nag-iisang taong pinagkakatiwalaan niya sa buong buhay niya ay siya pa lang magiging villian na magpapadukot sa kanya.

Ang bilyonaryong si Dexter Delavega na hindi lang kababata niya, kundi pinakamatalik pa niyang kaibigan.

Saan hahantong ang lahat?

Makakatakas pa kaya siya mula sa isang mala-palasyong kaharian ngunit isang impierno kung ituring niya.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: Kidnap
Diana Nakangiti kong pinagmasdan ang sarili ko sa harap ng full body mirror. Napakagarbo ng suot kong gown at hindi ko mapigilan ang ma-excite. Ito na talaga, wala nang atrasan ito! Ilang oras na lamang ay tuluyan na akong matatali kay Francis at dadalhin ko na rin ang lastname niyang Angeles. Ang pangarap naming buo at masayang pamilya ay matutupad na rin sa wakas, matapos ang halos isang taon naming relasyon. Hindi na ako makapaghintay pa lalo na't ako rin ang nag-ayos ng lahat, simula sa simbahan hanggang sa reception. Siniguro kong napakaganda ng pagkakaayos ng lahat at perfect para sa araw ng kasal kong ito. "Anong masasabi mo? Ang ganda ko, 'di ba?" Nakangiti akong bumaling sa kababata kong si Dexter na ngayon ay nasa pinto at tahimik na nakamasid sa akin. "Yeah?" Napasimangot naman ako sa isinagot niya. "Yeah? 'Yon lang ang kaya mong sabihin?" inis kong tanong sa kanya bago ako dumampot ng perfume at ni-spray sa leeg ko. Dapat ay mabangong-mabango ako pagdating ko ng simbahan at sa pagtabi ko sa lalaking ilang oras na lang ay magiging asawa ko na. "I'm sure he's always telling you that. Useless if it comes from me." Muli ko siyang nilingon at sinamaan ng tingin. "How can you say useless? Dati naman sinasabihan mo akong maganda, ah. Ngayon palagi mo na lang akong binabara. May problema ka ba sa akin?" "Because it's USELESS. Sige na, bilisan mo na. Bago pa mapanis ang laway nang pakakasalan mo." Walang lingon-likod na niya akong tinalikuran at lumabas ng silid ko. Ako naman ay napanganga sa sinabi niya. May time talaga na hindi maganda ang lumalabas sa bunganga niya lalo na kapag tungkol sa boyfriend ko ang pag-uusapan. Napahinga na lang ako ng malalim at muling humarap sa salamin. Kung kailan araw na ng kasal ko ay saka niya naman ako ini-imbyerna. Nakakainis siya! Di ba siya masaya para sa akin? Ni hindi nga niya ako binabati! Minabuti ko nang isuot ang sapatos ko dahil baka ma-late pa kami sa simbahan. Siya ang nakatokang maghahatid sa akin sa altar dahil hindi ko na ipina-abot pa sa pamilya ko na ikakasal na ako. Wala rin naman silang pakialam sa akin. Bukod doon ay ayaw kong makita ang step-father kong muntik nang gumahasa sa akin noon. Mabuti na lang talaga at biglang dumating ang anak nila ni Mama noon na apat na taong gulang pa lamang mula sa paglalaro sa labas kaya nagawa kong makatakas mula sa kanya. Tumakbo ako noon palabas ng bahay kahit wala akong pera at walang anumang damit na dala. Noong panahong iyon ay kinuha na si Dexter ng tunay niyang ama at hindi ko alam kung saan siya dinala. Kaya wala akong mapuntahan noong gabing iyon. Nagpalakad-lakad ako sa lansangan hanggang sa muntik na akong masagasaan ng kotseng dinadala ni Francis. At doon ko nga siya nakilala, ang lalaking pakakasalan ko na ngayon. Pag-aari nila ang Angeles Homeless Shelter, na pansamantalang kumukupkop sa mga taong walang matirhan. Sinabi ko kay Francis ang pinagdaanan ko sa step-father ko kaya't gano'n niya ako kadaling tinanggap. Napakabait niyang tao at maging ang pamilya niya ay tanggap na tanggap ako. Masaya silang kasama, buo at perpekto na hindi katulad ng pamilya namin ni Dexter. Pareho lang kaming anak sa labas at walang maayos na pamilya. Pero sa tingin ko naman ay okay na siya ngayon sa pamilya niya. Wala na siyang hihilingin pa dahil isa sa mga pinakamayayamang tao dito sa bansa ang kanyang ama. Nakukuha na niya ang lahat ng gusto niya. Hindi katulad ko na nagsusumikap para lang mapakain ang sarili ko. Matapos kong maisuot ang sapatos ko ay muli kong sinipat ang sarili ko sa salamin. Dinampot ko na ang bouquet bago ko binuhat ang magarbo kong gown at naglakad palabas ng apartment ko. Simula noong magkatrabaho na ako bilang isang wedding planner ay umalis na ako sa Homeless Shelter dahil kaya ko naman nang buhayin ang sarili ko. Hindi naman ako pwedeng maging habambuhay na lang palamunin sa lugar na iyon. Though, nagpapasalamat ako ng sobra sa kanila dahil sila ang naging pangalawang tahanan ko at nagbigay ng pag-asang magpatuloy pa ako sa buhay. Paglabas ko ng apartment ay naabutan kong seryosong nakikipag-usap si Dexter sa phone niya. "Just make sure. A'right, bye." Kaagad niya rin itong pinutol nang mapalingon na siya sa akin. Sumimangot ako habang nakatitig sa kanya dahil nakakatampo na talaga siya. Napapansin kong hindi na siya masyadong vocal sa akin. Dati naman ay lagi siyang nagkukwento ng mga araw-araw na nangyayari sa buhay niya. Ngayon, sa tingin ko ay naglilihim na siya. Hindi kaya may girlfriend na rin siya na hindi niya lang sinasabi sa akin? "Ang pangit mo," aniya kasabay nang pagbukas niya sa pinto ng kotse niyang kulay itim at wala man lang kaayos-ayos! Ni hindi man lang niya pinalagyan ng kahit anong palamuti o balloons man lang! 'Yong totoo, kasal ba talaga ang pupuntahan namin ngayon o burol? Nakakainis! "Bwisit ka talaga! Hindi ka supportive na kaibigan!" Hindi ko napigilang ihampas sa kanya ang hawak kong bouquet. Nakangisi naman siyang bumaling sa akin at yumukod nang napakalapit sa mukha ko. Hindi naman ako kumilos mula sa kinatatayuan ko habang matalim ang pagkakatitig ko sa kanya. Tiwala naman ako sa kanya dahil ni minsan ay hindi pa niya ako pinagsamantalahan kahit malimit kaming nagkakasama sa apartment ko o sa condo unit niya ng kaming dalawa lang. Napaka-gentleman niya at kung minsan ay prinsesa pa niya ako kung ituring. Lately lang talaga siya nagbago nang pakikitungo sa akin, simula noong ma-engage ako kay Francis. "How to be supportive?" nakangisi niyang tanong at natigilan ako nang mapansin kong nakatitig siya sa mga labi ko. Napalunok ako at bago pa ako makapag-react ay kaagad na siyang nakalapit sa akin at tuluyan nang lumapat ang labi niya sa gilid ng labi ko. Hindi ako nakakilos habang nararamdaman ko ang marahang pagkuskos ng malambot niyang labi doon. Nang matapos ay bahagya lamang siyang lumayo mula sa akin at nakangising bumulong, "Ang kalat ng lipstick mo. Ang pangit." Saglit akong natulala sa kanya na ngayon ay dinidilaan ang labi niyang nabahiran ng munting lipstick ko. "B'wisit ka!" Muli kong inihampas sa kanya ang hawak kong bouquet. Ngunit tinawanan niya lamang ako. "Sakay na bago pa tayo mahuli." Muli ko siyang sinamaan ng tingin bago ako pumasok sa nakabukas na pinto ng unahang bahagi ng kotse niya. "Hindi ba dapat sa backseat ang bride?" "Gagawin mo talaga akong driver?" nakabusangot niya namang sagot habang ipinapasok niya dito sa loob ang naiwang laylayan ng magarbo at mahaba kong gown. Hindi na rin ako sumagot hanggang sa isara na niya ang pinto. Mabilis din siyang lumipat sa kabila at minuto lang ay binabagtas na namin ang daan patungo sa simbahan. Hindi na kami nag-usap pa sa buong biyahe namin hanggang sa marating na nga namin ang simbahan. "Stay here. Don't come out. I'll just let them know you're here," aniya matapos niyang hubarin ang seatbelt niya at hindi na pinagkaabalahan pang patayin ang makina ng kotse niya. Kaagad siyang lumabas at naglakad patungo sa pinto ng simbahan na may kalayuan pa. Bakit naman kasi dito niya ipinarada sa napakalayo? Ang init-init na maglakad! Puno na ng sasakyan sa labas at halos lahat iyon ay may mga dekorasyon na bukod tangi sa sasakyan ng bride na mukhang pupunta ng burol! Natanaw ko siyang pumasok sa loob ng simbahan. Napahinga na lang ako ng malalim at piniling maghintay. Ngunit natigilan ako nang biglang bumukas ang pinto sa backseat, gano'n din sa driver's seat at dalawang lalaki na nakasuot ng whole face bonnet sa buong mukha ang pumasok dito sa loob! Namilog bigla ang aking mga mata at gano'n na lang ang pagtambol ng dibdib ko sa 'di maipaliwanag na kaba. "S-Sino kayo?" "Huwag kang sisigaw kung ayaw mong sumabog ang ulo mo," narinig kong sabi ng isa mula sa likuran ko kasabay ng matigas na bagay na tumutok sa likurang bahagi ng ulo ko. Kaagad akong nangatal sa takot at hindi malaman ang gagawin. "S-Sino kayo? H-Huwag po, parang awa niyo na. K-Kasal ko po ito, mga kuya. K-Kunin niyo na lang po itong kotse kung gusto niyo. Sa inyo na po! Mayaman naman ang may-ari ni--" "Shut up!" sigaw ng lalaking nasa driver's seat kasabay nang mabilis niyang pagpapatakbo sa kotse. "Parang awa niyo na, huwag po ako! Dexter!!! Tulungan mo 'ko--ugh!" Isang matigas na bagay ang bigla na lamang tumama sa ulo ko na siyang nagpamanhid ng pakiramdam ko at nagpadilim ng paningin ko. "Sabing huwag maingay, eh." "Bakit mo sinaktan?! Lagot tayo nito kay boss!" "D-Dexter..." naibulong ko na lang bago ako tuluyang nawalan ng malay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.7K
bc

His Obsession

read
89.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook