Diana "Ate, baka may pera ka d'yan, padala ka naman. Walang pambili ng gamot si nanay. Wala na rin kaming makain. Wala namang trabaho ang asawa ni ate Aiko, isa ring palamunin namin dito." "Nag-asawa na si Aiko?" Muli akong napahinto sa sinabi niyang 'yon. "Oo, buntis nga, eh." Hindi kaagad ako nakasagot. Napabuntong-hininga ako ng malalim. "Ikaw? Nag-aaral ka pa ba?" "Eh, h-hindi na rin, eh. Nagpapasada ako ng tricycle dito pero mahina ngayon ang kita. Sige na, ate. Mauubos na 'yong load ko." Muli akong napahinga ng malalim. "Sige, ipapadala ko na lang d'ya--" "Nandito na ako sa ibaba." "Ano?" Napanganga akong bigla sa sinabi niyang 'yon. "N-Nandyan ka sa ibaba ng condo?" "Oo, Ate, kaso pinapaalis ako ng mga guwardya. Ang higpit pala dito." "S-Sandali, d'yan ka lang! May tata