Diana "I'm so glad to see you again, Diana," nakangising bati pa rin sa akin ni Francis. Hindi naman ako kaagad nakagalaw mula sa kinatatayuan ko at hindi rin malaman ang sasabihin. Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko habang nakatitig sa kanya. "Me too, Mister Angeles." Ngunit namilog bigla ang mga mata ko nang marinig ko mula sa likuran ko ang baritonong boses ni Dexter. Kaagad akong napalingon sa kanya at napatingala nang bumungad siya sa akin sa malapit. "D-Dexter." Kaagad niya kaming inalalayan ni Jr. kaya't nakahinga ako ng maluwag at para siyang isang savior namin na bigla na lamang dumating para sa amin ng anak niya. "I'm more than happy to see you again, Mister Angeles," nakangiti niya pa rin sabi kay Francis ngunit mahahalata naman sa tono niya na may laman, may ibig s