TWO WEEKS PASSED Diana Pinagmasdan ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Mula sa napakagarbo kong gown hanggang sa napakagandang pagkakaayos ng mahaba kong buhok at makeup ko sa mukha. Parang bumalik bigla 'yong araw na muntik na akong ikasal kay Francis. Ang kaibahan nga lang, mas magarbo ang suot ko ngayong gown at naririto ako ngayon mismo sa mansion ng tunay kong ama. Si Dad at si mommy Frances ang kasama ko mamaya patungong simbahan. Samantalang doon naman na kami magkikita-kita na nila nanay at ng mga kapatid ko. Simpleng kasal lang sana ang nais ko ngunit si Dexter ang nagpumilit nito. Nag-hire din siya ng mga professional para makatulong ko sa pagma-manage ng kasal naming ito. Para daw hindi na ako kikilos pa at i-uutos ko na lang sa mga tao ang mga kailangan nilang gawin.