Diana Sa isang iglap lang ay napalibutan na kami ng napakaraming sasakyan dito sa mismong intersection road. Umingay ang malalakas na busina sa buong paligid at sa 'di kalayuan ay may mga naririnig na kaming sirena ng mga pulis. "D-Dexter, s-si daddy." Para na akong bibigay habang nakatulala sa kinaroroonan nila Francis at ng daddy ko. Nanginginig ang buo kong katawan. Nananatiling nakatutok ang hawak ni Francis na baril sa sentido ng daddy ko at isang pagkakamali lang ay maaaring mawalan ng buhay ang ama ko. "R-Rico," dinig ko ring sambit ni nanay mula sa likuran namin at mahihimigan din ang takot at pag-aalala sa kanya. "Stay here, Diana," ani Dexter bago niya binuksan ang armrest console sa gitna ng upuan naming dalawa. Napanganga ako nang ilabas niya mula doon ang isang baril at