Diana Halos mapugnaw na ang aking hininga sa walang tigil niyang pagsibasib sa mga labi ko na parang nilalapa na niya. Naglumikot ang dila niya sa loob ng bibig ko at makailang ulit niya ring sinipsip ang dila ko. Walang nagawa ang pagmamatigas ko. Kusa ring bumigay ang sistema ko, lalong-lalo na ang katawan ko. Hanggang sa namalayan ko na lamang na tumutugon na rin pala ako sa mapupusok niyang mga halik at mabilis na gumapang ang kakaibang init sa katawan ko. Naramdaman ko naman na tila mas naging agresibo pa siya sa mga halik at galaw niya. Kaagad niyang binitawan ang mga kamay at batok ko at mabilis niyang hinubad sa mga balikat ko ang suot kong dress. Naramdam ko ang malakas niyang paghaklit dito kasunod ang mga butones nito na nagtalbugan at nagsikalat sa sahig. Ilang butones