Diana Nairaos ng maayos ang binyag ni Jr sa simbahan. Maingay at puno ng kulitan ang lahat. Mabuti na lang at nakikisabay din si father sa kakulitan ng mga Delavega. Matapos ay diretso na kami sa hotel na pag-aari din ng angkan nila dito sa BGC Taguig. Pero pribado lang ito at tanging ang buong angkan lang din nila ang mga bisita. And of course, wala akong kasamang sariling pamilya ko dahil wala naman silang kaalam-alam sa mga nangyayari sa buhay ko. Baka nga hindi man lang din ako hinahanap ng sarili kong ina o ng mga kapatid ko sa kanya. Si tita Frances ay nakausap ko sa phone at binati si Jr. Mabuti pa nga ang ibang tao, nakakaalala. Ipapadala na lang daw niya ang gift niya para kay baby. Nagpauna na kasi siyang nagsabi sa akin na kung susubukan ko raw siyang imbitahan ay huwag ko