Diana NAPATULALA ako sa harap ng salamin habang pinagmamasdan ang kabuuan ng hubo't hubad kong katawan. Katatapos ko lamang magbabad sa shower ngunit hanggang ngayon ay tila wala pa rin ako sa katinuan. Parang hindi pa rin ako nahuhulasan mula sa kalasingan. Para akong nalasing kahit hindi naman ako uminom. Napatitig ako sa mga braso ko at mga hita kong may ilang gasgas dahil sa pagkakahiga ko kanina sa makapal na dayami sa loob ng kuwadra. At ngayon ko pa lang umpisang nararamdaman ang mga hapdi nito sa balat ko na kanina naman ay parang wala lang. Napatingala ako at pinagmasdan ang leeg ko. Sinunson ng mga daliri ko ang mapupulang marka sa balat ko paibaba sa gitna at mga pisngi ng dibdib ko, patungo sa sikmura ko, sa tiyan ko hanggang sa umabot ito sa puson ko. Mga markang nilikh