Diana Nagising ako sa mahihinang kaluskos na naririnig ko sa paligid. Idinilat ko ang aking mga mata at bahagyang napabangon. Nabungaran ko si Helen, isa sa mga kasambahay na abala sa pag-aayos ng mga pagkain sa isang food trolley at ipinuwesto niya ito sa paanan ng kama ko. Si Emily naman ay natanaw kong pumasok sa loob ng banyo habang karga ang patong-patong na makakapal na mga puting tuwalya. Lumingon ako sa tabi ko ngunit tanging unan na lang ang nabungaran ko. Wala na sa tabi ko si Dexter. Lumingon ako sa nakasaradong mga bintana at balcony, maliwanag na sa labas. Umaga na pala. Umayos ako nang pagkakahilata sa kama at muling ipinikit ang naniningkit ko pang mga mata. Pagod na pagod pa ako at parang nalantang gulay mula sa magdamag na pagpupuyat at pakikipagniig. Kinapa ko an