CHAPTER 29: Gratitude

1988 Words

Diana "What the hell happened to you?! Sinong dumukot sa 'yo? Paano ka nakaalis? How did you get here? Tell me, Diana!" "Francis, calm down, p'wede ba?! Nasasaktan ako!" kaagad kong sigaw sa kanya dahil sa higpit nang pagkakahawak niya sa magkabila kong balikat. Mabuti na lang at hinila niya muna ako palabas ng McDonald's at ipinasok dito sa loob ng kotse niya bago siya nag-hysterical. "Damn it! How can I calm down?! Araw ng kasal natin nang bigla ka na lamang nawala at sinabing may dumukot sa iyo! Ipinahanap kita sa lahat ng sulok ng bansang 'to sa loob ng--" saglit siyang huminto at nag-isip, "halos isang taon! Nasira ang kasal natin. Napahiya ako sa maraming tao at inatake sa puso ang mommy ko!" Bigla akong napahinto at kinabahan sa sinabi niya. "S-Si tita Frances? I-Inatake?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD