Diana Kinabukasan ay nagsimula na kaming mag-ikot-ikot sa labas. Nakasuot ako ng summer beach wear two piece sets. Off-shoulder crop top and Hawaii leaves floral print long skirt. Tinernuhan ko lang ng flip-flops, round hat, sunglasses and sling bag na magkakasya ang phone at ilang gamit ni baby. Si Jr. and Dexter naman ay nakasuot din ng ternong shorts and t-shirts na kapareho ng design ng sa akin. Mas lalo ding tumingkad ang kakisigan at kaguwapuhan niya sa suot niya ring sunglasses. Inilabas ito ni Dexter kahapon ng madaling araw noong nag-aayos ako ng mga bagahe namin sa unit at nagulat ako dahil nakaplano na pala talaga ang pagbabakasyon naming ito. Nakapamili siya ng mga gagamitin namin sa lugar na ito na hindi niya man lang sinasabi sa akin. Surprise daw ika niya. "Ang cute