Diana "Good morning, El Nido!" sigaw ko habang nakatanaw sa napakagandang karagatan. "Good morning sa iyo, baby ko," bati ko naman sa anak kong karga ko na napakaganda rin ng awra at mood niya ngayong umaga. May pag-irit-irit pa siya at pagpalakpak ng mga kamay niya. "Hmm, nakakagigil ka talaga!" Hindi ko napigilan ang panggigilan siya sa leeg. Mas lalo naman siyang umirit ng malakas. "Good morning din sa daddy nating bagsak. Puyat na puyat." Nilingon namin ang daddy niyang bagsak sa ibabaw ng kama at mahimbing na natutulog sa loob ng silid. Malalim ang paghinga niya at bahagya pa siyang nakanganga. Kasalukuyan na kaming ngayong naririto sa isang five star hotel sa El Nido kung saan malapit sa dagat. Kahanga-hanga ang mga tanawin mula dito sa balcony, simula sa napakaputing buhangi