Diana Napatulala lang ako sa labas ng pinto ng banyo at hinintay siyang lumabas. Ayoko munang mag-conclude ng kahit na anong bagay. Patong-patong na ang mga iniisip ko ngayong problema at sana ay huwag na siyang dumagdag pa. Narinig ko ang paghinto nang lagaslas ng tubig mula sa loob at ilang sandali lang ang lumipas ay bumukas na rin ang pinto sa tabi ko. Lumabas siya habang nagpupunas ng tuwalya sa buhok niyang basang-basa pa. Pansin ko naman ang paghinto niya nang mabungaran niya ako dito sa labas. Wala siyang pang-itaas at nakatapis lang ng puting tuwalya ang ibabang bahagi niya. Basa-basa pa ang katawan niya. "Hey, baby. What are you doing there?" Kaagad niyang hinawakan ang pisngi ko at tinangka akong halikan sa labi ngunit ako naman ngayon ang umiwas. Mula sa mapusyaw na liw