Diana "Señorita!!" Bigla akong napanganga sa gulat nang bigla na lamang bumungad sa harapan ko sila Helen at Emily matapos kong buksan ang pinto ng unit. Nasa likuran nila si kuya Bruno at siyang naghatid sa kanila. Ipinasok niya sa gilid ng pinto ang dalawang bag na dala niya. "Helen, Emily! Oh my God! Paano kayo nakarating dito? Ang Sir niyo ba ang nagpadala sa inyo dito?" Hindi ko napigilang yakapin sila ng mahigpit. "Opo, Señorita! Si kuya Bruno po ang nagdala sa amin dito," tuwang-tuwa na sagot naman ni Helen. "Yon daw po ang sabi ni Sir para may makasama po kayo dito at may mag-asikaso sa inyo habang nasa trabaho daw po siya," sagot din naman ni Emily. Nagkalas na rin kami mula sa pagkakayakap. "Mabuti naman kung gano'n." Napangiti ako sa saya hindi dahil makakaluwag na ako s