Diana Imbes na nahabol ko si Dexter ay naririto ako ngayon sa loob ng bathtub at nililinisan na ni Helen. Hubo't hubad ang buo kong katawan at hinayaan ko na lang siya na asikasuhin ako. Patay sa lamig na tubig ang ginamit niya sa akin at nakabalot naman ang buhok ko ng isang shower cap. Hindi ko na alam kung ano 'tong nangyayari sa akin. Para akong batang pinagtampulan ng tadhana. B'wisit. Nakakainis! Ano na ba 'tong nangyayari sa buhay ko? Kasalanan talaga ito ng lalaking 'yon. Pasakit siya sa buhay ko! "Okay na po kayo, Señorita. Mabangong-mabango na po ulit kayo," ani Helen matapos niyang patayin ang hand shower at ibinalik na ito sa kinalalagyan. "Ito na po ang towel niyo, Señorita." Napalingon naman ako kay Emily na kapapasok lang ng banyo habang may bitbit na isang makapal