Diana
"Feeling mo ba sa sarili mo magaan ka?"
"Paalisin mo muna 'yang aso mo!" sigaw ko sa kanya habang nakakarga pa rin ako sa kanya at nakayakap ng mahigpit. Siya naman ay nagsisimula nang maglakad.
Ayaw kasing umalis ng walanghiya niyang aso at patuloy pa rin ang pagsunod niya sa amin. Nakatitig pa naman siya sa akin at kung minsan ay dumadamba pa. Naaabot naman niya talaga ako pero bahala nang mauna niyang kagatin ang amo niya!
"Diana, get down," muling utos ni Dexter.
Napansin kong nasa isang gate na kami na hindi ko alam kung saan ito banda. Sigurado akong hindi naman ito ang main gate dahil hindi ito gano'n kalaki. Pure black ang kulay niya at iba rin ang disenyo.
May dalawang tauhan rin siyang naririto na siyang nagbukas para sa amin ng gate at may dalawang aso din silang kasama na kapwa nakatali naman pero mukhang matatapang at nakatingin silang lahat sa akin!
"Ayoko, Dexter." Mas lalong napahigpit ang pagkakayakap ko sa kanya. Bahala nang magmukhang tanga ako o tuko sa harapan ng mga tao niya basta hindi ako makagat ng aso!
Lumabas kami sa gate na 'yon at kaagad akong napalinga sa buong paligid.
Napanganga ako dahil isang napakalawak na farm landscape ang bumungad sa amin at sa gitna nito ay nagkalat ang mga kabayo. Nakakulong sila sa loob ng napakalawak din na bakuran at napupuno ang buong paligid ng damo.
"S-Sa iyo rin ba 'to?" hindi makapaniwala kong tanong sa kanya.
Naalala kong bigla na noong mga bata pa lamang kami ay minsan na naming pinangarap ang makasakay kami sa kabayo. Palagi kasi kaming nakakakita niyon sa Quiapo noong doon pa kami nakatira pero hindi ko alam kung hanggang ngayon ba ay mayroon pa din niyan doon.
"Hmm, sa atin," sagot niya na ikinahinto ko.
Sinilip ko ang aso sa paligid namin ngunit hanggang ngayon ay naririto pa rin siya sa likod niya! Bakit ba kasi ayaw niyang umalis?!
Ang mga tao naman niya ay nananatili sa nakabukas na gate kasama ang dalawang aso.
"Baba na." Muling lumuwag ang pagkakahawak sa akin ni Dexter ngunit hindi pa rin ako umalis mula sa pagkakayakap sa kanya.
"Yong aso mo, paalisin mo muna!"
"Maple is a good girl. Hindi ka naman niya gagalawin. Mas matapang ka pa nga kaysa sa kanya."
"Tse! Eh, kung ikaw ang kagatin ko?!"
"Then that's better--a-ah! f**k!" dinig ko ang pagmumura niya nang mabilis ko ngang kinagat ang gilid ng leeg niya na malapit sa batok niya. Ramdam ko rin ang paghigpit nang pagkakayakap niya sa akin.
Nang bitawan ko ito ay kamuntik nang bumaon sa laman niya ang mga ngipin ko.
"Damn it! Are you a vampire now?!" Malakas niya akong binaklas mula sa pagkakayakap ko sa kanya kaya't tuluyan na akong napababa.
"Dexteeerr!!!" Ngunit kaagad din akong napadamba sa kanya nang mabilis na magtungo sa harapan namin ang aso niya!
"s**t!" Ngunit bigla siyang nawalan ng balanse hanggang sa matumba siya at mapahiga sa damuhan at ako naman ay napunta sa ibabaw niya.
"Dexteeerrr!!!" Halos mawalan ako ng ulirat nang bigla akong dambahan ng aso niya at pinagdidilaan ang mukha ko!
Ilang beses kong sinalag ang mukha niya at tinakpan ko din ang mukha ko gamit ang mga braso ko ngunit ayaw niya pa ring tumigil.
"DEXTER, 'YONG ASO MO!!" Mahigpit na akong napayakap sa kanya at isiniksik ang mukha ko sa dibdib niya ngunit patuloy pa ring dinilaan ng lintik niyang aso ang mga braso ko at batok ko!
Nangatal na ako sa tindi ng takot ko.
"Maple, stop!" malakas niyang saway kasunod niyon ay naramdaman ko ang pag-alis ng aso niya mula sa likuran ko.
Hindi ko na napigilan pa ang mapahagulgol sa ibabaw niya kasabay nang pagsubsob ko sa dibdib niya.
"Tumigil ka nga. She's friendly and has no plans to bite you."
Naramdaman ko ang pagbalot ng braso niya sa akin at paghagod niya ng likod ko.
"Hindi ka naman nakakasiguro! Paano kung bigla niya akong kagatin!"
"I know her better so I know. Look at her, she's just playing with you and wants to be friends with you."
"Ayoko!" Pilit niyang iniaangat ang mukha ko ngunit hindi ako gumalaw mula sa pagkakayukyok ko sa dibdib niya.
"Diana, how can you overcome your fear if you don’t face her. She won't bite you, I promise."
Hindi pa rin ako kumilos mula sa pagkakadapa ko sa kanya at pagkakayakap ko sa kanya.
"Okay, this is just fine with me. Mas enjoy nga ang sitwasyon natin ngayon kahit maghapon o habambuhay pa tayong ganito." Naramdaman ko ang mas lalong paghigpit nang pagkakayakap niya sa akin na ikinahinto ko naman.
Ngayon ko na-realize bigla kung ano ang posisyon namin kaya't bigla akong napakalas mula sa kanya at napabangon bigla.
Napatingin ako sa hitsura kong nakaupo sa ibabang bahagi ng puson niya at parang may matigas na bagay na nararamdaman ang gitna ko mula sa kanya. Napanganga ako kasabay nang pamimilog ng aking mga mata habang nakatitig sa kanya.
Siya naman ay may napakatamis na ngiti at nakuha pa akong kindatan!
"Walanghiya ka!" Inambahan ko siya ng suntok sa dibdib ngunit bigla akong tinahulan ng aso niyang nasa tabi namin na kaagad ding tumayo habang nakatitig sa akin.
Biglang na-stock sa ere ang mga kamao ko bago ko dahan-dahang nilingon ang lintik na aso.
Alanganin ko siyang nginitian. "J-Joke lang."
Narinig ko ang pagtawang bigla ni Dexter. Kaagad naman akong sinugod ng aso niya at muli na naman niyang dinilaan ang mukha ko!
"Dexterrr!! Kapag nakahanap ako ng pagkakataon, tatamaan ka talaga sa akin!"
Mas lalo namang lumakas ang pagtawa niya nang hindi kumikilos sa kinahihigaan niya at parang nag-i-enjoy pa siya sa panonood niya sa akin! Napakagago talaga niya!
Pumikit na lamang ako at hinayaan ang aso niyang dila-dilaan ako! Nanlalagkit na ako sa laway niya!
Nilabanan ko ang takot na nararamdaman ko. Napakalaki niyang aso at kanina ay kitang-kita ko ang napakahahaba niyang mga pangil habang tinatahulan ako!
Napapitlag ako nang may biglang kumuha ng kamay ko at ipinatong sa bagay na mabalahibo.
Idinilat ko ang isa kong mata at nakita kong ginagabayan na ako ni Dexter sa paghaplos sa katawan ng alaga niya.
Nakita ko rin ang aso niyang tila tuwang-tuwa sa akin. Mabilis na kumakawag-kawag ang buntot niya sa likuran niya.
Kahit naninigas ako mula sa kinauupuan ko ay ipinagpatuloy ko naman ang paghaplos sa katawan ng aso niya hanggang sa iakyat niya ito patungo sa ulo at iyon naman ang dahan-dahan kong hinaplos.
Napansin ko naman na parang napangiti ang aso niya at nagustuhan ang ginagawa ko sa kanya.
Ipinagpatuloy ko lang ito hanggang sa nararamdaman ko na ang unti-unti kong pagkalma.
Hanggang sa nagamayan ko na rin ito at napansin kong napapangiti na pala ako.
"See? Mukhang magkakasundo kayong dalawa?" nakangising saad sa akin ni Dexter habang nakatitig sa akin.
Nginisihan ko rin siya pabalik bago ako mabilis na tumayo at iniwan siya.
"Thank you talaga," sagot ko habang may napakatamis na ngiti sa mga labi ko at nagpatuloy ako sa paglalakad palayo sa kanya.
Ang aso naman niyang nagngangalang Maple ay patuloy rin sa tuwang-tuwa niyang pagsunod sa akin pero ngayon ay hindi ko na nagagawa pang matakot sa kanya.
Mabait naman pala siya.
Nilingon ko si Dexter at ngayon ay nakasimangot na siyang bumabangon mula sa kinahihigaan niyang damuhan. Gusot-gusot na ang damit niya at para siyang ni-rape ng sampong kabayo.
Hmp! Inirepan ko na lamang siya nang mapatingin siya sa akin at sumunod na rin sa paglakakad.
Speaking of kabayo.
Nagmadali ako sa paglalakad at kaagad na tinungo ang kinaroroonan nila! Bigla akong nakaramdam ng excitement. Gusto kong sumakay sa mga kabayo na 'yan pero natatakot ako dahil hindi pa ako marunong at baka sipain din nila ako!
Muli kong nilingon si Dexter at patuloy din naman siya sa pagsunod sa akin. Ang ibig sabihin ay matagal na pala siyang nakakasakay ng kabayo pero hindi man lang niya sinasabi sa akin! Makasarili siya!
Hindi ko mapigilan ang inis at tampo na nararamdaman ko ngayon sa kanya. Sobrang dami na niyang inililihim sa akin!
Tuluyan na kaming nakalapit ni Maple sa mga kabayo ngunit nasa loob sila ng malawak na kulungan at abala sa pagngasab ng mga damo sa paligid. Tinahulan sila ni Maple habang nakadamba ito sa bakod pero wala naman silang naging reaksiyon.
Mukhang pagbati lang din sa kanila ang ginagawa ni Maple dahil hindi naman siya mukhang galit. Patuloy sa pagkawag ang buntot niya. Siguro ay sanay na sila sa isa't isa.
"Wanna ride?" malakas na tanong ni Dexter habang nagtutungo siya sa kanang bahagi kung saan mayroong malaki at pahabang kubo na sa tingin ko ay kulungan pa iyon.
Kaagad din akong sumunod sa kanya, gano'n din si Maple.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na marami ka na palang kabayo?! Napakadaya mo!"
"Ako pa talaga ang madaya?" Saglit niya akong nilingon habang patuloy pa rin siya sa paglalakad. "How do you know if you're always busy with your punk asshole?"
Kaagad ko siyang sinamaan ng tingin sa sinabi niyang 'yon. Hayan na naman siya sa mga hindi katanggap-tanggap niyang mga bansag sa fiance ko.
Tuluyan ko na rin siyang inabutan.
"Kung sinabi mo sa akin, eh 'di sana alam ko!"
"You don't have time for it. You've given your whole f*****g time to your psychotic bastard."
Nahihimigan ko na ang pagtatampo sa boses niya at iba na naman ang ibinansag niya kay Francis!
Pinalalampas ko na lang ito sa kanya dahil nasanay na rin ako sa mga lumalabas na kabulukan d'yan sa bunganga niya.
"Nagkakasama pa rin naman tayo, 'di ba? Pero hindi mo nagawang sabihin sa akin ang lahat ng 'to!"
"Para saan pa? I did all this for the two of us. Lahat ng paborito mo, lahat ng gusto mo ay ipinagawa ko dito. I tried to fulfill all our dreams when we were kids. Kung sinabi ko ba sa iyo ng maaga, tutuloy ka pa rin ba sa pagpapakasal sa taong 'yon?" Nilingon niya ako at taimtim na tumitig sa aking mga mata.
Para naman akong naputulan bigla ng dila at hindi nakasagot. Napayuko ako at hindi nakayanang salubungin ang mga titig niya.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya ng malakas.
"I'm pretty sure you're not 'cause I know you. Wala namang halaga sa iyo ang yaman kaya kinakailangan pa kitang puwersahin para madala dito." Tinalikuran niya ako at tuluyan nang pumasok sa loob ng kuwadra.
Bumagsak ang mga balikat ko at nanikip ang dibdib ko.
Totoo naman ang mga sinabi niya pero mali pa rin ang ginawa niya. Sinira niya pa rin ang kasal ko at ang buhay ko. Hindi matutumbasan ng lahat ng ito ang ginawa niya sa akin.
Mabilis akong sumunod sa kanya sa loob at naabutan ko siyang naghuhubad na ng sapatos niya at nagsusuot naman ng makapal na bota.
"Hindi na ba kita mapapakiusapan pa? I'm begging you, Dexter." Sinubukan kong pakalmahin ang nararamdaman ko at nagmakaawa na lamang sa kanya.
Huminto naman siya sa ginagawa niya bago lumingon sa akin.
Nabasa ko ang pagdaan ng sakit sa kanyang mga mata ngunit kaagad din itong naglaho at muling ipinagpatuloy ang ginagawa niya.
Lumapit ako sa kanya at tumayo sa harapan niya.
"May mga kaibigan din akong mga babae. P'wede kitang ipakilala sa kanila--"
"Really? Ano bang gusto mo?"
Bigla akong natahimik nang lingunin niya ako at tumitig sa akin ng mariin ang tila nagdidilim niyang mga mata.
"Ang lahat ng ito na ginawa ko para sa iyo ay ibibigay ko sa ibang babae, gano'n ba?"
Napipilan akong bigla at hindi kaagad nakasagot sa kanya.
"K-Kung p'wede lang na lumuhod ako sa harapan mo, p-palayain mo lang ako dito, Dexter... gagawin ko. H-Hayaan mo na ako, pakiusap."
"Don't," pigil niya nang tinangka ko nang lumuhod sa harapan niya.
Natapos siya sa pagsusuot ng boots sa mga paa niya at humarap na sa akin. Blangko ang kanyang mga matang tumitig sa aking mga mata.
"All right, I'll give you my word."
Nangunot ang noo ko sa sinabi niyang 'yon.
"By the time you get out of this place and escape from me... expect me to never chase you again. I'll let you go and I'll never bother you again... That's my promise."
Napatulala akong bigla sa sinabi niyang 'yon at hindi nakagalaw mula sa kinatatayuan ko.
Parang may malaking batong bigla na lamang bumikil sa lalamunan ko at nahirapan akong lumunok.
Hanggang sa lampasan na niya ako at tahimik siyang lumabas ng kuwadra.