CHAPTER 6: Maple

2221 Words
Diana Oo, guwapo siya! Mala-Richard Gomez, Ian Veneracion, Gabby Concepcion o kahit sino pa mang Poncio Pilatong artista ang maihahanlintulad sa kanya, my God! Hindi ko maaatim na makipagsiping sa kanya lalong-lalo ang makipag-s*x! Para lang kaming magkapatid! 'Yon lang ang turing ko sa kanya, para ko lang siyang kuya at bunso niya ako! Iniisip ko pa lang na hinahalikan niya ang leeg ko, ang dibdib ko, ang buong katawan ko, 'yong p********e ko at ipapasok niya sa akin 'yong--No! Hindi! Kinikilabutan ako! Paulit-ulit kong pinilig ang ulo ko upang alisin ang malalaswang bagay na pumapasok ngayon sa isipan ko. Nasusuka ako! Ilang ulit ko ring hinaplos ang mga braso ko dahil nagtayuan bigla ang mga balahibo ko sa katawan. Hindi ko talaga makakayang gawin 'yon kasama siya. Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad at hinanap ang daan palabas ng bahay na ito. Kailangan ko itong masuyod upang makahanap ako ng daan palabas. Kailangan ko ring mahanap kung nasaan ang gate lalong-lalo na si kuya Bruno. Nadaanan ko sa isang bahagi ng mansion ang dalawa sa mga kasambahay na abala sa pagpapalit ng mga fresh sunflowers sa mga vase. Napanganga akong bigla habang nakatitig sa napakagagandang mga bulaklak. My goodness! 'Yan ang mga paborito kong bulaklak! Saan naman kaya nanggaling ang mga 'yan? Mayroon din kayang garden dito si Dexter? Kailan pa siya nahilig sa halaman? "Hi," mahinang bati ko sa kanila na siyang ikinalingon nila sa akin. Bumadha naman ang pagkagulat sa kanila at kaagad na nagsiyukuan sa harapan ko. "K-Kayo po pala, Señorita!" "Magandang umaga po, Señorita. May kailangan po ba kayo?" Nginitian ko sila. Siguro ay ito ang kailangan kong gawin sa ngayon, ang maging mabait sa kanila upang makuha ko rin ang mga loob nila at matulungan nila akong makaalis sa lugar na ito. "Ahm, gusto ko lang itanong kung saan nanggaling ang mga bulaklak na 'yan. P'wede niyo bang ituro sa akin? Ang gaganda kasi, eh. Hindi niyo naitatanong, mahilig ako sa mga halaman at mga bulaklak," nakangiti kong saad sa kanila. Mahilig naman talaga ako sa mga bulaklak at halaman dahil isa 'yan sa mga paborito kong gawing dekorasyon sa mga venue ng kasal at sa simbahan. Pakiramdam ko kasi ay napakakulay ng mundo kapag may mga halaman at makukulay na mga bulaklak sa paligid. Ang bawat mga halaman din at mga bulaklak ay may mga kanya-kanyang simbulo na siyang nakapagbibigay positibo sa pang-araw-araw nating buhay. Nagkatinginan naman silang dalawa bago nakangiti ring bumaling sa akin. "Opo, Señorita! Maaari po namin kayong samahan sa malawak na hardin ng mansiong ito," magiliw na sagot sa akin ng isa. "P'wede bang ituro niyo na lang sa akin ang daan? Kaya ko naman na sigurong puntahan iyon." "Baka po maligaw kayo, Señorita. Sasamahan na po namin kayo." "Dito po, Señorita." Tsk. Napa-make a face na lamang ako nang talikuran na nila ako at mauna na sila sa paglalakad paalis. Parang ginagawa nila akong mangmang na hindi kayang mag-isa! Nakaramdam ako ng inis pero kaagad ko na lamang ding pinalis at sumunod na lamang din sa kanila. Siguro naman ay may makukuha na akong impormasyon sa kanila ngayon dahil hindi ko makausap ng maayos sila Emily at Helen. "Anong mga pangalan niyo?" tanong ko sa kanila. Kaagad din naman nila akong nilingon at nginitian. "Ako po si Emma, Señorita," sagot ng nasa kanan ko. "At ako naman po si Eva," sagot naman ng nasa kaliwa ko. "Okay. Kinagagalak ko kayong makilala." Muli ko silang nginitian ng matamis. "Maraming-maraming salamat po, Señorita!" Nagningning ang kanilang mga mata ngunit naroroon pa rin ang hiya at paggalang sa mga kilos nila. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa isang malaking pinto na sa tingin ko ay ito ang main entrance. Dahil sa paglingon ko sa likod ko ay bubungad pala sa 'di kalayuan ang dalawang hagdan sa gitna ng malawak na espasyo patungo sa ikalawang palapag ng mansion. Nilinga ko sa buong paligid si Dexter ngunit hindi ko siya makita. Baka lang kasi pigilan pa rin niya ako kahit ang paglabas lang ng bahay na ito. "Dito po tayo, Señorita." Muli akong bumaling sa dalawang kasambahay at kaagad akong napatanaw sa labas ng mansion nang bumungad na sa akin ang nakabukas na ngayong pinto. Kaagad akong napahakbang palabas habang may nanlalaking mga mata. Sa magkabilaang bahagi ng mansion ay mayroong mahahabang pasilyo na sa tingin ko ay aabot hanggang sa mga likod dahil paliko ang mga ito sa bawat gilid. Sa harapan ko naman ay may ilang baitang pa paibaba at malawak at mahabang pathway ang patungo sa gitna kung saan mayroong maluwag at pabilog na space na hindi ko malaman kung para saan. Pero sa tingin ko ay dito humihinto ang mga bagong dating na sasakyan at p'wedeng babaan ng mga bisita o ng may-ari ng mansion. Sa diretsong pathway ulit sa gitna ay matatagpuan naman ang isang malaking fountain na patuloy ang pagsabog ng tubig. Nasa palibot nito ang malawak din na pathway kung saan maaaring ikutan ng mga sasakyan. Sinilip ko ang likuran nito kung saan diretso pa rin ang pathway at sa 'di kalayuan ay doon ko na natanaw ang malaki at napakataas na gate. Saradong-sarado ito at natanaw ko doon ang limang armadong tao ni Dexter. Natanaw ko rin mula sa tabi nila ang tatlong naglalakihang mga aso na kapwa mga nakatali. Fuck! Napamura akong bigla sa isipan ko. Paano ako makakaalis dito kung ganito kahigpit ang mga bantay niya?! May mga aso pang malalaki at sa tingin ko ay mga high breed silang lahat! Napalibot bigla ang paningin ko sa buong paligid at gano'n na lang ang pagnganga ko nang matunghayan ko na ang napakalawak at napakagandang hardin sa kaliwa at kanang bahagi ng mansion. Sa kaliwang bahagi ay nagmistulang maze ang disenyo ng mga nagtataasang sunflowers o maze na nga talagang matatawag ito! May isang malaking fountain din akong natanaw sa gitna at malinis na pathway ang mga daanan sa loob nito. Sa kanang bahagi naman ay naroroon na ang iba't ibang klase ng mga halaman at mga bulaklak kasama na rin ang mga matataas na punongkahoy na may makukulay na kulay. Kung hindi ako nagkakamali ay Sun Valley Maple ang tawag sa ibang puno na iyon. Magnolia trees naman ang mga puno sa kaliwang bahagi na may napakagagandang mga bulaklak! Hindi ko na alam ang tawag sa iba pa pero may mga citrus tree pa! Napakalinis at smooth naman ng mga green grass sa ibaba na parang kay sarap higaan at paggulong-gulungan. Wala man lang mga kalat na dahon. Siguradong pinananatili nila ang kalinisan sa lugar na ito. Katulad sa maze na nasa kaliwang bahagi ay mayroon din itong malaking fountain sa gitna at mga pathway. May natanaw din ako sa gilid na bahagi ng isang pader na parang may mahahabang upuan na may mga throw pillow. May bubong ito na yari sa kugon at napapalibutan ng mga bilog na lanters. Pati ang mga matataas na pader ay puno din ng mga halaman at mga bulaklak. Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong magtungo sa lugar na iyon. Parang kay sarap magpahinga sa lugar na iyon. Hindi ko na pinansin pa ang mga kasambahay sa paligid ko. Para akong nahipnotismong bigla at inakit na puntahan ang lugar na iyon. Nilakad ko ang mahabang pathway habang lumilibot ang paningin ko sa buong paligid. Damn! Para akong nasa paraiso! Nagpaikot-ikot ako habang nakatingala sa mga punong mayayabong na ang mga dahon ay makukulay. Nilapitan ko rin ang mga citrus tree na kay bababa lang naman at abot-kamay ko ang mga bunga. "Parang ang sarap nilang pitasin isa-isa at i-display sa kuwarto ko!" Dang! Hindi ko ini-expect itong madadatnan ko dito sa labas! Nagmukha talagang paraiso ang lugar na ito! Nakarating ako sa lugar na may fountain at sa gilid na bahagi ng pader ay may pahabang sofa. Napatingala ako sa mga nagkalat na lantern sa itaas. Napansin kong mayroon din pala nito ang mga puno sa itaas, na pahaba at pabilog naman ang mga disenyo. Siguradong masarap dito sa gabi lalo na kung buhay na ang lahat ng mga 'yan. Napasilip ako sa isang parisukat na yari sa bato na nasa may gilid na bahagi ng sofa. Mga ilang piraso pa ng kahoy at abo ang nasa loob niyon. "Ang galing naman, may fireplace pa." Pabagsak kong iniupo ang sarili ko sa malambot na sofa. Hinagip ko ang isang throw pillow at niyakap habang pinagmamasdan ko ang buong paligid. Hindi ko mapigilang mapangiti. Kung dati-rati ay gumagawa lang ako ng mga ganito sa mga lugar na pagdarausan ng mga kasal, upang mapaganda ng bongga ang lugar pero sisirain din naman pagkatapos. Ito? Mukhang mahabang panahon nang inaalagaan ang lugar na ito. Paano kaya nagawa ni Dexter ang lugar na ito na wala man lang akong kaalam-alam? Ni hindi man lang niya ito naikuwento sa akin o kahit sa mga pictures man lang sa social media accounts niya ay hindi ko nakita ang mga ito. Naglilihim na pala siya sa akin nang hindi ko nalalaman. Marami na pala talaga akong hindi alam tungkol sa kanya at sa mga ginagawa niya sa araw-araw dahil hindi man lang niya sinasabi sa akin. Kung gano'n ay hindi ko na nga talaga siya kilala. Hindi na pala talaga siya ang dati kong matalik na kaibigan. Marami na at napakalaki na nang nagbago sa kanya. "Looks like you're already enjoying this place." Napalingon ako sa kaliwang bahagi at nabungaran ko doon si Dexter habang nakapamulsa at nakangiting nakatitig sa akin. Biglang bumalik ang inis sa dibdib ko nang makita ko siya kaya't napatayo akong bigla at tinapunan siya ng matalim na tingin. Itinapon ko ang throw pillow pabalik sa sofa. "Sino naman ang nagsabing nag-i-enjoy ako?" inis kong sagot sa kanya bago ako naglakad paalis. "Your eyes can't lie, baby." "Bitawan mo nga ako! At huwag na huwag mo na akong tatawaging baby! Nasusuka na ako!" Inis kong inagaw ang braso ko mula sa kanya nang bigla niya akong hinawakan. Dati pa naman niya akong tinatawag sa ganyang endearment na wala lang naman sa akin. Pero may ibang ibig sabihin pala iyon sa kanya. "May pupuntahan nga tayo--" "Huwag na huwag kang lalapit sa akin!" kaagad kong putol sa sinasabi niya. "Okay. Madali naman akong kausap--" "Ah, talaga? Madali naman pala, eh 'di palabasin mo na ako dito ngayon din! Ibalik mo na ako sa Manila!" Tumitig siya sa akin at muling ngumiti. "Not now." "Damn you!" Mabilis ko siyang tinalikuran at muling nagmartsa sa mahabang pathway. Ngunit bigla akong napahinto nang isang malaking aso ang bigla na lamang bumungad sa daraanan ko. Namilog bigla ang aking mga mata at tumambol ng malakas ang dibdib ko nang makita kong nakatitig ito sa akin ng mariin at parang naririnig ko ang mahina niyang pag-ungol na para bang nagagalit sa akin. "D-Dexter?" Para akong na-stroke bigla mula sa kinatatayuan ko ngunit ramdam na ramdam ko ang pangangatog ng mga tuhod ko. Ginapang ako ng matinding kaba at takot sa dibdib ko. "D-Dexter," muli kong tawag sa kanya sa napakahinang tinig. Natatakot akong marinig ako ng aso. Ngunit wala akong natanggap na sagot mula sa kanya na hindi ko alam kung nasa likuran ko pa ba siya o wala na! Nagsimulang humakbang palapit sa akin ang malaking aso. Hindi ko alam kung anong lahi mayroon siya pero maitim na may halong pula ang kulay niya at sigurado akong matapang 'yan! Sasakmalin ako niyan! "D-Dexter!" unti-unti nang lumalakas ang tinig ko habang inuumpisahan ko na ring ihakbang ang mga paa ko paatras. Narinig ko naman ang bigla ring paglakas ng ungol ng aso at pagbilis nang lakad niya patungo sa akin. "DEXTEEERRR!!!" napahiyaw na ako ng malakas sa matinding takot at mabilis na tumalikod upang tumakbo. Nanlaki naman ang mga mata ko nang mabungaran ko pa rin siya sa likod ko kaya't mabilis akong tumakbo palapit sa kanya at dumamba sa harapan niya! Iniyakap ko ang mga braso ko sa leeg niya kasabay nang pag-akyat din ng mga hita ko sa baywang niya! "Ilayo mo 'ko sa aso! Kakagatin ako ng aso! Dexteeerr!!" Pilit pa rin akong umakyat paitaas sa kanya kahit alam kong wala na akong maitataas pa habang naririnig ko ang malakas na pagtahol ng aso sa likuran ko. Baka maabot niya ang puwet ko at kagatin ako! "Dexter, ano ba??!! AAAHHHH!!! ILAYO MO 'KO! KAKAGATIN AKO NG ASO!!" "Maple, stop," nadinig ko namang saway niya sa likuran ko kasabay nang paghinto sa pagtahol ng aso. Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko sa tindi ng takot na naramdaman ko at hindi ako umalis mula sa pagkakayakap ko ng mahigpit sa kanya. Lumipas ang ilang sandali na nanatiling tahimik ang aso sa likuran ko. Nilingon ko ito ngunit naroroon pa rin siya at nakatitig sa akin! "Baba. Akala ko ba ayaw mong lumapit sa akin?" ani Dexter at doon ko lang napansin na hindi man lang niya ako hinawakan o niyakap man lang. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko pero hindi ko pa rin magawang umalis mula sa pagkakayakap ko sa kanya. "Ayoko! Wala akong sinabi!" Narinig ko ang bigla niyang pagtawa kasunod ang muling pagtahol ng aso niyang peste sa likuran ko! "Baba na--" "Ayoko nga! Ayokooo!!" Tuluyan na akong naiyak. Takot ako sa aso, alam niya 'yon. Minsan na akong nakagat niyan no'ng mga bata pa lamang kami!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD