Diana Bumalik sa aking gunita ang lahat ng mga alaala kung saan nagkasama kami ng lalaking halos ang turing na sa akin ay parang isang tunay na anak. Kung paano niya ako tinanggap ng buong puso sa Shelter nila at maging sa tahanan nila. Ibinigay niya ang lahat ng mga pangangailangan ko na bukod tangi sa ibang mga kasama ko doon. Special kung ituring niya ako kaya naman gano'n na lang din nahulog ng husto ang loob ko sa kanya o sa kanila ng pamilya niya. Pinangarap ko na sana ay maging miyembro din ako ng pamilya nila kaya hindi ako nagdalawang-isip noon na tanggapin kaagad ang alok sa akin ni Francis na kasal. Gano'n ka-gaan ang loob ko sa kanila. Gano'n ako ka-hayok na maging mga magulang ko rin sila. 'Yon pala ay may iba pang dahilan kung bakit ganito ang naramdaman ko para sa kani