Diana
"Uhm! D-Dexte--uhm!" Mahigpit kong iniikom ang mga labi ko kasabay nang walang humpay na pag-agos ng mga luha ko sa pisngi.
Napahinto naman siya at kaagad ding binitawan ang mga labi ko. Kaagad na lumambot ang anyo niya at tila nabigla rin sa ginawa niya.
"I-I'm so sorry. I didn't mean to. Diana..."
Kaagad akong umatras mula sa kanya nang tinangka niya muli akong hawakan.
"Lumayo ka sa akin. Hindi ikaw si Dexter. Hindi ikaw ang kaibigan ko." Patuloy ako sa pag-iling habang patuloy ring namamalisbis ang mga luha ko sa pisngi.
Napasabunot naman siya sa ulo niya at tila hindi malaman ang gagawin.
"Pakawalan mo na ako dito, parang awa mo na, Dexter. Kakalimutan ko ang ginawa mong ito, basta pakawalan mo lang ako. Ibalik mo na ako kay Francis--"
"No. No. No. Hell, no!"
Halos mapatalon ako sa gulat sa muli niyang pagsigaw at bahagyang paglapit sa akin. Muli akong napaatras sa takot sa kanya.
"You can never get out of here no matter what you do. You will never go back to that f*****g demon 'cause you will only stay here! Sa akin ka lang at sa akin ka lang magpapakasal!"
Napanganga ako sa sinabi niya. K-Kasal? P-Pakakasalan ko siya?
"Nahihibang ka na ba?! Hindi ako magpapakasal sa iyo dahil hindi ikaw ang lalaking mahal ko!" hindi ko napigilang sigaw sa kanya.
Napahinto naman siya at halatang natigilan habang nakatitig sa akin. Nabasa ko ang mabilis na pagdaan ng sakit sa kanyang mga mata ngunit kaagad din itong naging blangko.
Maging ako ay nagulat din sa sinabi ko.
"H-Hindi 'yon ang ibig kong sabihin. M-Mahal kita, Dexter." Tinangka kong lumapit sa kanya at hawakan ang pisngi niya ngunit siya naman ngayon ang umatras.
"Alam ko naman 'yon. Matagal ko nang alam. Hindi mo na kailangan pang ipamukha sa akin."
'H-Hindi mo naiintindihan." Paulit-ulit akong umiling sa kanya ngunit nanatiling blangko ang kanyang mga mata at nagpatuloy pa rin siya sa pag-atras.
"Don't even try to get out of here...'cause that will never happen. You'll be imprisoned here for the rest of your life WITH ME. And there's nothing you can do about it."
Mabilis na niya akong tinalikuran at lumabas ng silid. Nanghina ako ng sobra at napasalampak na lang sa sahig. Hindi ko napigilan ang mapahagulgol sa sakit na nararamdaman ko ngayon.
Paano niya nagawa sa akin ito? Napaka-makasarili niya. Sarili lang niya ang mahal niya at hindi ako! Paano na si Francis? Sana mahanap niya ako! Hindi ko kakayanin ang mabuhay dito ng matagal!
Hinding-hindi ako magpapakasal sa kanya!
PINILI ko ang magmukmok sa sulok ng silid at hindi ko sinubukang lumapit sa pinto. Ilang oras akong nakatulala sa hangin dahil hindi ko pa rin mapaniwalaan ang nangyaring ito sa akin.
Hindi ko man lang napansin na may pinlano na pala si Dexter na ganito laban sa akin. Kung noon pa lang ay nalaman ko, matagal ko na sana siyang nilayuan.
Napalingon ako sa pinto nang marinig ko ang pagbukas nito. Dalawang babae ang pumasok doon na kapwa nakasuot ng uniform na pang-kasambahay.
"Magandang gabi po, Señorita." Kaagad nila akong nakita sa isang sulok.
"Inutusan po kami ni Sir na tulungan kayo sa pag-aayos ng sarili niyo dahil nakahayin na po ang hapunan sa hapagkainan."
"Hindi ako kakain. Lumabas na kayo," walang emosyon kong sagot at nanatili pa rin ako sa pagkakaupo ko sa marble na sahig.
"Pero, Señorita, hindi po maaari--"
"Hindi ba kayo nakakaintindi?" inis ko nang sagot sa kanila.
"Iba po magalit si Sir, Señorita."
"Natatakot po kami."
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nila. Gaano ba magalit si Dexter at ganyan sila katakot sa kanya? Hindi ko na ba talaga kilala ang lalaking nakasama ko simula pagkabata ko?
"Eh, bakit nagtityaga kayo sa kanya? Kung hindi niyo kaya, umalis na kayo!" hindi ko napigilang sigaw sa kanila.
"H-Hindi po maaari, Señorita." Napansin kong umiiyak na ang isa kanila.
"Sige na po, Señorita. Parang awa niyo na po."
Sa tingin ko ay nagsasabi nga sila ng totoo dahil sa mga inaakto nila sa harapan ko.
Napilitan na akong tumayo at lumapit sa kanila.
"Tutulungan na po namin kayong maglinis ng sarili niyo."
"Kaya ko ang sarili ko," inis ko pa ring sagot sa kanila.
"D-Dito po ang banyo, Señorita."
Nauna nang maglakad ang isa sa kanila at itinuro ang banyo na nasa kanang bahagi ng silid. Napapailing na lang akong sumunod doon.
Ipinagbukas nila ako ng pinto at halos malula ako sa lawak ng loob nito. s**t. Banyo ba talaga ito? Eh, halos kasinlaki na ito ng apartment ko sa Manila! At maging dito sa banyo ay naggiginintuan din ang mga gamit? Seriously?
Inubos na yata ng Dexter na 'yon ang yaman ng buong Delavega!
Napalingon ako sa kaliwang bahagi at halos mapanganga ako nang matanaw ko doon ang walk-in closet na tanging glass wall lang ang naging harang niyon mula dito sa banyo at tanaw na tanaw ko mula dito sa pinto ang lahat ng mga nilalaman niyon.
Punong-puno ng mga pambabaeng damit, mga naggagandahang mga sapatos, bags at mayroon pang mga alahas.
"Kanino bang silid ito?" Bumaling akong muli sa mga kasambahay na nasa likuran ko.
"Sa inyo po, Señorita, at para din po sa inyo ang lahat ng 'yan."
"Kayo lang po ang tanging babaeng iniuwi dito ni Sir," sagot naman ng isa.
Napanganga na lang ako at hindi pa rin makapaniwala sa mga nakikita kong ito. Ano bang palagay niya sa akin, mabibili ng pera niya?
"Hintayin niyo na lang ako sa labas," utos ko na sa kanila.
"Huwag po kayong magtatagal, Señorita. Anumang oras ay aakyat po dito si Sir."
Napahugot na lamang ako ng malalim na hininga bago tumango sa kanila.
"Sige na."
"Ihahanda na po namin ang isusuot niyo."
"P'wede bang ako na lang?"
"May natatanging dress po na nais ipasuot sa inyo si Sir ngayong gabi."
"Ano?" Muli akong napanganga sa kanila.
"Opo, Señorita."
"Fine! Bilisan niyo na!" Haayst! Mababaliw yata ako sa bahay na ito! Malilintikan talaga sa akin 'yang Dexter na 'yan!
Mabilis na silang nagtungo sa walk-in closet. Ako naman ay kaagad nang nagbabad sa ilalim ng shower dito sa shower room na tanging glass wall lang din ang namamagitan.
Nagngingitngit ng sobra ang kalooban ko at gusto kong iuntog sa pader ang ulo ni Dexter upang magising siya! Letse siya!
MATAPOS ang ilang minutong paliligo at pag-aayos ng sarili ko katulong ang mga kasambahay ay nagulat ako sa pagharap ko sa salamin sa suot kong pulang dress, na humapit sa katawan ko at ang collar nito ay umabot ang haba hanggang sa sikmura ko.
Kaya naman litaw na litaw ang mga pisngi ng mapipintog at pinagpala kong mga dibdib. Sira-ulo talagang Dexter 'yon. Siguro ay talagang matagal na siyang may pagnanasa sa akin!
"Halina po kayo, Señorita. Bababa na po tayo."
Wala na akong nagawa kundi ang magpaakay sa mga kasambahay na sunod-sunuran sa hayop nilang amo.
Lumabas kami ng silid at bumungad sa amin ang malawak na hallway. Sa kaliwang bahagi ay natanaw ko na ang napakalawak at modernong interior sa kabila ng railings na may malawak din na hagdan.
Sa tingin ko ay nasa ibaba niyon ang malawak na living room. Mabilis akong nagtungo doon kahit mataas ang heels ng suot kong sapatos at hindi nga ako nagkamali. Nagmistula talagang palasyo ang mansion na ito lalo na sa nagmamahalang mga kagamitan nito.
"Señorita, dito po tayo."
Muli nila akong inalalayan at nagtaka ako nang lampasan namin ang hagdan. Isang animo'y pinto ng elevator ang aming hinintuan na nasa gilid lamang nito.
Whoa! Napapailing na lamang ako.
Sumakay kami doon at isang palapag pa ang aming nilampasan bago kami tuluyang nakababa. Ang ibig sabihin ay nasa third floor ang silid ko.
Paglabas namin ng elevator ay bumungad na sa amin ang napakarangyang living room. Naglalakihan ang mga chandelier sa itaas at napansin ko rin ang mga naglalakihan at modern urn sa bawat sulok. Halos malula ako sa lahat ng mga nakikita ko sa mansion na ito.
"Dito po tayo, Señorita." Muli nila akong inalalayan patungo sa isang hallway at lumiko naman kami sa kanan kung saan may malawak na pinto.
Medyo madilim sa bahaging iyon at sa pagbungad namin sa loob ay lumantad sa amin ang isang romantic table setting. Napupuno ng candles ang buong paligid at maging ang mesa kung saan may bouquet of roses, champagne at samo't saring pagkain.
"Maiwan na po namin kayo, Señorita. Enjoy your dinner po."
"Ahm--" Mabilis ko silang nilingon ngunit si Dexter ang biglang bumungad sa akin na may napakalamlam na mga matang nakatitig sa akin.
Kumabog ang dibdib ko sa hindi ko maintindihang dahilan, kasabay nang pagliliparan ng animo'y mga paro-paro sa aking tiyan.
Napalunok ako nang dahan-dahang lumibot ang paningin niya sa kabuuan ko. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at hindi ko nagawang kumilos nang hapitin niya akong bigla sa baywang.
"D-Dexter..." naging bulong ang dapat sana ay pagsaway ko sa kanya.
"You are the most beautiful woman I've ever seen in my whole life." Marahan niyang hinawakan ang baba ko at itiningala sa kanya.
Kumikinang ang malamlam niyang mga mata habang nakatitig sa aking mga mata at bababa patungo sa mga labi ko.
"And you're also the only woman to be my Queen not only in this palace...but also in my chaotic and dark life."
Hindi ko alam kung bakit parang pinipiga ang puso ko sa napakalungkot niyang tinig. Pakiramdam ko ay naririnig ko ang nilalaman ng puso niyang nahihirapang makalabas mula sa pagtatago nito sa mahabang panahon.