CHAPTER 2: You're All Mine

1117 Words
Third Person "Ang bride! May dumukot sa bride!" sigaw ng isang binatilyo sa pinto ng simbahan na siyang nakakita sa nangyaring pagdukot kay Diana Marie Cardenas, ang siya mismong bride. "What?!" sigaw naman ni Dexter sa gulat habang kausap niya ang mga magulang ni Francis na siya mismo namang bridegroom. "Sinong dumukot?!" sigaw din ni Francis na mabilis tinakbo ang red aisle mula sa altar patungo sa pinto ng simbahan. Nagkagulo na rin ang lahat ng mga tao sa loob at nagsimula nang mag-ingay. "Nakita ko po! Dalawang lalaki ang kumuha sa kanya! Tinangay niya rin pati ang kotse ni Sir!" Mabilis nitong itinuro si Dexter. "Pinukpok pa nga sa ulo, eh!" Bahagyang sinuntok ng binatilyo ang ulo niya na tila sinasabing gano'n ang ginawa sa bride kani-kanina lamang. "What the--" gulat namang sagot ni Dexter at tila hindi makapaniwala habang nakatitig sa binatilyo. "f**k! Mananagot kayo sa akin!" Mabilis na tumakbo si Dexter palabas ng simbahan. "Where are you going?! Do you know where the hell she was taken?!" tanong ni Francis na kaagad ding nakahabol sa kanya. Hindi naman lingid kay Francis na kababata at matalik na kaibigan ng fiancee niya si Dexter. "I'll find them wherever in hell they f*****g hide!" mariin namang sagot ni Dexter sa kanya na halos magliyab sa galit ang mga mata. Hindi kaagad nakasagot si Francis ngunit bakas sa kanya ang sobrang frustration at tila hindi malaman ang gagawin. Kaagad nang tumakbo patungo sa highway si Dexter at mabilis na pinara ang isang taxi na paparating sa kanyang kinaroroonan. Kaagad niyang binuksan ang pinto ng unahan ng taxi at hindi pa ito tuluyang naisasara ay kaagad nang pinaharurot ng driver ang sasakyan. Naiwan si Francis sa labas ng simbahan na aligaga. Mabilis siyang dumukot ng cellphone mula sa bulsa at sinubukang tawagan ang nobya niya. Ngunit halos ibato niya ang phone niya nang ang operator lamang ang tanging sumagot sa kanya. Samantala, sa loob ng taxi naman ay napangisi si Dexter habang tinatanaw ang hitsura ni Francis sa labas ng simbahan na tila hindi pa rin malaman ang gagawin. "Diretso na, boss?" tanong sa kanya ng driver ng taxi na isa rin sa mga tauhan niya. "Diretso mo na. Mananagot sa akin 'yang mga gago mong kasama!" *** Diana "Kabilin-bilinan ko na huwag na huwag niyong sasaktan!" Isang putok ng baril ang siyang nagpabalikwas sa akin. Napasapo ako sa dibdib ko sa lakas ng kabog nito. May naririnig akong mahihinang sigawan at nakikilala ko mula doon ang tinig ni Dexter. Napalinga ako sa buong paligid at napanganga ako nang isang malawak at marangyang silid ang bumungad sa akin. Napatitig ako sa napakagandang chandelier sa kisame na nasa gitnang bahagi ng kabuuan ng silid na ito at nasa may paahan na bahagi naman nang napakalaking kama na kinaroroonan ko ngayon. "Anong nangyari? Nasaang lugar ako?" Muli akong napasapo sa dibdib ko sa tripleng kabang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Ang huli kong natatandaan ay nakasuot ako ng wedding gown at araw mismo ng aming kasal ni Francis. Bigla akong napatingin sa katawan ko at nagulat ako nang makita kong iba na ang suot ko. Isang manipis na nighties dress na kulay red. Napasapo akong bigla sa kaselanan ko ngunit wala naman akong maramdamang mahapdi doon. Virgin pa ako. Walang gumalaw sa akin, mga hayop sila! Muli kong inalala ang nagdaang pangyayari. Alam kong si Dexter ang kasama ko na nagtungo sa simbahan, sakay ng itim niyang kotse. Pagdating namin sa simbahan ay saglit niya akong iniwan sa loob ng kotse para ipaalam sa loob ng simbahan na dumating na ang bride. Ngunit dalawang lalaki ang bigla na lamang pumasok sa loob ng kotseng kinalululanan ko at ramdam kong may inihampas sila sa ulo ko. Kasunod niyon ay nagdilim ang paningin ko at wala na akong matandaan. Bigla akong napahawak sa ulo ko ngunit iba ang nahawakan ko. Tila may nakabalot na makapal na benda dito at medyo kumikirot din ang sentido ko. "H-Hindi. Sino ang dumukot sa akin? Sino sila? Siguradong hinihintay na ako ni Francis sa simbahan. Siguradong hinahanap na niya ako sa mga oras na ito!" Mabilis akong bumaba ng kama at tumapak ang mga paa ko sa malamig na marble tiles. Sino kaya ang nagmamay-ari nang napakarangyang mansion na ito? Napalingon ako sa nakabukas na pinto ng balcony at mula doon ay tinatangay-tangay ng malakas na simoy ng hangin ang manipis at puting kurtina. Mabilis akong nagtungo doon ngunit halos mawalan ako ng balanse nang bumungad sa akin ang napakalawak na kagubatan sa ibaba. Pakiramdam ko ay nasa ituktok ng bundok ang mansion na kinaroroonan ko ngayon. Malakas at malamig ang simoy ng hangin ang humahampas ngayon sa katawan ko kaya wala sa sarili akong napahalukipkip. May ilang naglalakihang mga kabahayan sa ibaba ngunit halos matabunan din ang mga ito ng mga nagtataasang mga punong-kahoy. Sa ibabang bahagi naman ng mansion na kinaroroonan ko ay may napakalaki at malawak na swimming pool. May napakatataas din itong pader at may natanaw akong nagkalat na mga lalaki sa ibaba na animo'y mga bantay. Kaninong mansion ito? Bakit niya ako dinala dito? Baka naman nagkamali sila nang dudukutin! Kailangan kong makalabas dito! Kailangan kong balikan si Francis! Mabilis na akong tumalikod at pumasok muli sa silid ngunit bigla akong napaatras nang biglang bumukas ang pinto at halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang pumasok ang lalaking hindi ko akalaing makikita ko dito. "You're awake. Masakit pa ba ang ulo mo? I've already punished the one who did that to you." Mabilis siyang nakalapit sa akin at marahang hinawakan ang magkabila kong pisngi. Paulit-ulit naman akong umiling at gulat na gulat pa ring nakatitig sa kanya. "D-Dexter?" "Yes, I am. It's good that you still remember me. I thought you had amnesia--" Naputol na ang sinasabi niya nang malakas na tumama sa pisngi niya ang palad ko. "Ikaw ang nagpadukot sa akin? Bakit? Bakit mo ginawa ito?! I trust you! Ano bang problema mo! Sinira mo ang kasal ko!" Naipon ang matinding galit sa dibdib ko at malakas ko siyang pinagsusuntok sa dibdib niya. Nanginig ang katawan ko at mabilis namalisbis ang mga luha ko sa pisngi. Kaagad niya namang nahuli ang mga braso ko at malakas niyang pinigilan. "Because you can't!" Napahinto naman ako sa malakas niyang pagsigaw sa mukha ko. "You can't marry any f*****g asshole out there 'cause you're mine! YOU ARE ALL MINE, DIANA!" Nanigas ako mula sa kinatatayuan ko nang bigla niyang lamukusin ng halik ang mga labi ko. Nagulat ako at hindi makapaniwala. Sa buong buhay ko ay hindi ko naranasan na sigawan niya lalo na ang pagsamantalahan ng ganito. Hindi siya si Dexter. Hindi siya ang matalik kong kaibigan na nakilala ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD