"Where were we?" Unang bungad ko pa lang pagmulat ng aking mga mata't makita sila dito.
Nilibot ko ang aking tingin, nasa hospital na naman ako. Kailangan ba ako makakalaya sa sakit kong ito?
"In a hospital," sagot ni Sir Blythe.
Nakita ko ang kabuuan ng mukha ni Sir Blythe sa malapitan. Tama nga ang nakararami, magkahawig ang aming ilong at mata..
Nasapo ko ang aking dibdib. Naramdaman ko namang nagsitayuan lahat dahil sa ginawa ko. Iba 'yung pakiramdam, hindi sakit, kundi kasiyahan. Bakit? No one knows, even me.
"Ano'ng nararamdaman mo?" Tanong sa'kin ni Andy. I looked around, tatlo lang sila. Kasama do'n si Ace.
"I'm happy," and give them a genuine smile.
I heard Ace. May sinasabi ito na parang ako lang ang nakakarinig. O nakikita ko dahil nakatitig ako sa kanyang mga labi at bumubulong lang siya? Sumunod niyon ang pagbuntong hininga ni Andy at ang pagngiti ni Sir Blythe.
"Oh, akala ko ba naka-move on ka na kay Tristan?" I asked Ace.
Napalunok ito bago humarap sa'kin. "Na-naka-move on na," he said.
"Tristan?"
"Huwag kang makisingit, Andy Liberal," naiiritang wika ko.
Bumuntong hininga ito bago umupo. Kita ko namang napangisi si Sir Blythe at umupo na rin. Si Ace, nananatiling nakatayo't nakasandal sa pintuan.
"Ace,"
"Hindi ko mapigilang magtampo," he said.
"Bakit naman? Para kang babae." Wika ko.
"Saglit lang guys, ha? Bibili lang kami ni Andy," Sir Blythe interrupted us.
I nodded for an answer. Umalis naman sa pintuan si Ace at umupo malapit sa mukha ko. Malapit na malapit.
"Hmm?" I asked him.
"Nothing," he said and smiled. "Ang cute mo pa rin," dugtong nito sabay palo sa noo ko. "May tigyawat nga lang," ani pa nito.
Napasimangot ako. Ganito ang dating kami. Biruan, at matatapos lang iyon sa pagtitig sabay tawa.
"Kumusta ka naman?" Pambasag na tanong niya sa katahimikan.
"I'm doing good---"
"Nice answer, 'yung tipong nakahiga ka sa hospital bed tapos 'doing good'? Are you out of your f*****g mind?" He said and followed by tsking.
"I'm out," sambit ko. Totoo naman, ikaw ba naman na lagi na lang si Andy, Andy, at Andy ang naiisip, sinong hindi mawawala sa katinuan?
"Fallin' inlove with the same s*x isn't easy," pag-uumpisa nito.
"I know that, ang hirap itago ang nararamdaman kung kaparehong kasarian ang pag-uusapan." Dugtong ko.
"I'm inlove with the gay then, but now, I'm totally moved on." Ani pa nito.
"Na-inlove naman ako sa lalaking hindi ko pa lubos na kilala, 'yung tipong unang kita pa lang, pinaramdam agad ng puso ko na siya na. Pero kung siya nga, sana walang sakit," I added.
"Istoryang gulo-gulo, dito mo lang makikita,"
"Istorya ko ang tinutukoy mo, hindi ba?"
"Ohmmm," he said.
"Istorya kong gulo-gulo, 'di alam kung kailan ako makakatakas dito, mauubusan na ako ng tanong sa utak ko. Dahil lang iyon sa nag-iisang lalaki na kung hindi ko mababangga sa mall ay hindi ko rin siguro makakasama dito,"
"Hindi, pinagtagpo pero hintayin ang susunod na kabanata kung kayo ay tinadhana." Sansala nito.
"Hindi siya katulad ng inaakala mo Mr. Ace, oo marami pang kabanata ang buhay ko, at ito'y hanggang sa mamatay ako."
"Pero sa tingin mo ba Mr. Jhay, hindi magkakaroon ng salitang "kayo" hanggang sa mamatay ka?"
Napalingon ako dito. May punto siya. Ang laki pa ng posibilidad pero mukhang malabo din dahil sa dami ng tao sa Pilipinas. Where do I find the one? "Where do I find the one?"
"The one who treats you like a queen--"
"Without crown,"
"A girl--"
"Without v****a,"
"A guy--"
"Who inloved with other guy."
"Guysss---" Napatigil si Andy sa pagsasalita. Napatingin ako sa harap ko. Ace was inch away from me. Paano nangyari iyon? "Sorry sa abal---"
Naitulak ko agad si Ace. "Hindi ka abala, wala namang nangyayari, eh." Ani ko.
Umayos ng upo si Ace at yumuko. Napatingin na lang ako kay Andy na gulat na gulat sa nangyari. Paano na ito?
~Andy~
Kaya ba nandito ang lalaking nasa harap ni Jhay Cee upang angkinin ito? Parang ang sakit isipin na ito pa ang aangkin. 'DI ko ba alam, 'di ako makakilos. Nananatiling nakaharap kay Jhay Cee, nakatitig.
"AA?"
Napalingon ako sa likod ko. Andito pa pala si Blythe. "Sorry," I said at binigyan siya ng daan.
Napatingin ako sa lalaking 'di ko kilala. Kaano-ano ni Jhay Cee ito? Gusto ko nang kausapin si Jhay Cee pero hindi pa pwede, bukas pa siya pwedeng lumabas dito. Nahihiya rin naman akong palabasin muna sila para lang itanong kung sino ang lalaking ito.
"Andy?"
Nagulat ako sa nagsalita. Nilingon ko sila isa-isa, lahat sila nakatingin sa'kin. Umiling na lang ako at ngumiti sa kanila. Ayaw kong makita nila ang pagkadisgusto ko sa lalaking nasa harap ko.
Sinubukan kong makipagtitigan, sumulyap ito sa'kin at hindi na naalis. Nakipagtitigan ito sa'kin.
1...
2...
3...
4...
"Ace Jones!" Sigaw ni Jhay nang tumayo ito at naging madilim ang pagtitig nito sa'kin. Parang nang-insulto ako sa ginawa ko. Pero ito na, hindi ko pa rin inaalis ang pagkakatitig sa kanya.
"Ace Jones! Isa!" Sigaw ulit ni Jhay Cee nang humakbang ito ng isa papalapit sa'kin.
"Si Jhay Cee," ani ko pa ng nginuso si Jhay Cee. Napalingon naman ito doon at napilitang bumalik sa pwesto. Masama na rin kasi ang titig ni Jhay Cee sa kanya. Napatawa na lang ako ng pabulong.
And.... my heart beats fast when Jhay Cee stare at me. Ngunit nawala iyon nang dumilim ito. Napalunok ako. Bakit ganito ako pagdating kay Jhay Cee? Mahal ko na ba? Mahirap ang ganitong sitwasyon. Gusto ko nang bumitaw sa pagkakakapit ko sa mataas na puno ng pride, pero 'yung puno, imbis na lumaki ay parang lumiliit pa at nagkakaroon na ng tsansa na mapaamin ako na oo, mahal ko na siya.
I shook my head when someone slapped me. It was Blythe. "Gumising ka nga, kanina ka pa tulala," anito na nakakaloko.
Inambaan ko naman ito ng kamao. "Huwag kang maingay," pabulong na wika ko na kinatawa niya. "Tinatawa-tawa mo?" Dugtong na tanong ko.
"Kasi narinig na nila," anito at tumawa.
Nahihiyang lumingon ako sa dalawa. Nakita kong nagpipigil ng tawa si Jhay Cee samantalang nakangisi ang lalaking nagngangalang Ace. Namumula na yata ako sa kahihiyan.
Tumayo ako at naglakad na palabas. Biglang nabwiset pagkatao ko sa nakita ko kani-kanina lang. 'Di ko alam kung bakit ako ganito. Hindi naman ako ganito dati but now, ugh!
"AA! Sandali!" Boses ni Blythe.
"Leave me alone." Sambit ko nang makalapit ito at akbayan ako.
"Dito lang ako, AA."
"Hayaan mo nga akong mag-isa," nanghihinang sambit ko.
Kahit ako. Hindi ko alam kung bakit naging ganito ang ihip ng hangin. Ang saya ko pa naman noong kasama ko si Blythe bumili ng makakain namin sa tanghalian. Pero ngayon, nang makita ko lang si Ace at Jhay Cee na magkalapit ang mga mukha at parang maghahalikan ay nakaramdam ako ng inis.
Dahil ba sa mahal ko na si Jhay Cee? "Arghh!" Paano na 'to? Tatlong linggo na lang at matatapos na ang sitting in ko sa school dahil gano'n lang naman kahaba ang binigay sa'kin ni Blythe to find his li'l brother. Ang balat na nakita ko sa likod ni Jhay Cee ay parang hindi tugma sa balat na nakita ni Blythe sa kapatid niya.
Naramdaman kong ako na lang mag-isa ang naglalakad. Napabuga ako ng hangin. Kailangan kong mapag-isa. Ang hirap kasi sabihin ang totoo sa taong mahal mo. Baka kasi ang mahal niya ay si Ace kaya 'yun nandoon.
~*~
KASALUKUYAN akong nasa isang sikat na bar. Nag-iinom mag-isa, nahihilo at mukhang 'di makakauwi sa boarding house na tinutuluyan ko. Gano'n pa man ay nilagok ko ang alak na nasa baso ko. Naka-ilang bote na ba ako? Hindi ko mabilang dahil nagiging dalawa na ang paningin ko. Hindi pa ako makaramdam ng pagkasuka dahil sa utak ko nailalagay ang naiinom ko.
Paano ako makakauwi? Isinawalang bahala ko na lang ang tanong na iyan at nagsalin ulit ng alak sa baso.
Napalingon ako sa harap ko nang may pumigil sa'kin. Isang babaeng mukhang nag-aalala. "Stop that, babe," ani ng babae
.
Ngumiti lang ako sabay tapik ng kanyang kamay. Kinuha ko ang baso pero naagaw niya iyon at siya ang uminom nang laman niyon.
"Sabi ko, tama na. Lasing na lasing ka na," anito.
"Oo, na-nakainom ako, pero 'di ako lashing," aniko. Nahihirapan na akong ibuka ang bibig ko at maglabas ng boses. Pero gusto ko pang uminom. Hindi ko pa nalalabas ang lahat ng sama ng loob ko para kay Jhay Cee. Si Jhay Cee na minahal ko nang lubos. Tinamaan ako sa kanyang tindig, ngiti, at mga matang kay pupungay.
Paano na ako?
"Paano ka na? Ikaw kasing damuho ka!" Ani ng lalaki sa likod ko sabay batok.
Doon, nailabas ko ang lahat ng nainom ko. Naisuka ko ito sa harap ko. Sumulyap ako sa harap, ang daming tumama sa tiyan ng babae. Nakita ko itong napasimangot.
"Ang baho ng suka mo," ani ng babae sabay kalampag ng mesa. "Punasan mo 'to!" Nanggigigil na wika nito.
"Ako na ang magpupunas niyan," ani ng nambatok sa'kin.
"Gusto ko siya ang magpunas," pagmamatigas ng babae.
Napasulyap ako sa nambatok sa'kin nang makita kong inalis nito ang sombrero at pinatong sa makalat na mesa. Binaba din nito ang hood at ngumiti.
Napangiti din ako sa nakita ko. Isang anghel. Anghel na minahal ko at pinangarap na mahalin din niya ako.
~*~ ~*~ ~*~