Prologue
"Ahh lampa!" Sigaw ni Winston sa magkaibigang sina Carlo at Jhay Cee.
Limang taon pa lamang si Jhay Cee nang maligaw siya sa Manila. Hindi niya alam kung saan ang daan pabalik. Hindi na rin siya pinagaksayahan ng panahon ng mga magulang niya para hanapin. Ngayon ngang pitong taong gulang na siya, lumalabas ang kanyang pagiging banyaga.
Pumalahaw ng iyak si Carlo. Inalo ito ni Jhay Cee. Si Carlo kasi ay binabae kaya hindi nito kaya ang panlalait na ginagawa sa kanila ni Winston.
"Ano ba?" sigaw ni Jhay Cee. Siya 'yung tipo na hindi magpapatalo. Kahit gaano pa kalaki ang kanyang kalaban, lalaban siya kung ang pagkatao niya na ang nilalait ng mga ito.
"Kawawang bata," pang-aasar ni Winston sa kanya.
"Hindi ako kawawa! Mahahanap din nila ako!" sigaw niya dito.
"Mahahanap? Hindi kaya! Pinatay ko na kasi sila!" sigaw ni Winston sabay tawa.
Hindi niya na lang ito pinansin at inalo niya si Carlo na hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak.
"Anong kaguluhan ito?" biglang singit ni Aling Tecing.
Tumayo si Jhay Cee at nilahad ang lahat ng nangyari.
"Hindi totoo 'yan!" sigaw ni Winston.
"Winston! Hindi nagsisinungaling si Jhay Cee," mahinahon na wika ni Aling Tecing.
"Nanay--"
"Pumasok ka na sa loob ng kwarto mo," utos ni Aling Tecing kay Winston.
Pagkapasok ni Winston ay lumingon ito sa kanya. "Pagpasensyahan niyo na siya, ha? Hindi niya lang matanggap na hindi na siya hinahanap ng mga magulang niya," pahinging paumanhin ni Aling Tecing.
Tumango lang si Jhay Cee at ngumiti. Alam na niya ang bagay na iyon. Katulad lang din niya. Isang ulila na naghahanap ng tsansa na mahanap pa ng mga magulang kahit na malabo na.
"Tara na," aya ni Aling Tecing.
Inalalayan niyang tumayo si Carlo at naglakad sila patungong kwarto nila. Magkasama sila sa iisang kwarto kaya naman nagkamabutihan sila.
Pagkapasok nila ay inihiga ni Jhay Cee si Carlo sa kama at tumabi siya. "Hindi na naman kita naipagtanggol," malungkot na wika nito sa nakahigang si Carlo.
"Okay lang 'yon," wika naman nito.
Pumasok si Aling Tecing sa kwarto nila. Napalingon naman sila ni Carlo dahil mukhang may ibabalita ito sa kanila.
"Jhay Cee, anak, nandiyan si Ms. Morie," nakangiting wika nito.
Napangiti si Jhay Cee. Si Ms. Morie na ang tumatayong pangalawang nanay niya dito sa bahay ampunan. Bumibisita lang ito dito at lihim itong nagdodonate ng tulong. Tumayo na siya at nagtatatakbong lumabas ng kwarto.
Napayakap siya sa nakaluhod na Ms. Morie. "Ang kulit talaga ng batang ito," tumatawang wika ni Aling Tecing na nakasunod na pala sa kanya.
"Oo nga, eh." Wika naman ni Ms. Morie.
"Pasalubong ko po," nakangiting wika ni Jhay Cee.
"Ay wala akong dalang pasalubong," malungkot na wika ni Ms. Morie.
Nagreklamo si Jhay Cee. Kada araw na dumadalaw ito at lagi itong may pasalubong sa kanya. Naiinggit na nga ang iba dahil siya lang ang may pasalubong samantalang sila ay laruan lang kada buwan ang natatanggap.
"Binibiro lang kita Jhay Cee. Ito oh," sabay taas ng dala nitong pasalubong.
Nagtatatalon sa tuwa si Jhay Cee. Dahil ang dala nito ay ang paborito niya. Ang ice cream.
Kahit na wala na siyang magulang ay may tumatayo naman sa posisyong iyon para siya'y mapasaya. Hindi niya minsan naaalala ang kanyang mga magulang dahil kay Aling Tecing at Ms. Morie na lubusan kung mag-alaga sa kanya, sa kanila.
Alam niyang mahahanap pa rin niya ang mga magulang niya. Hindi man siya hanapin nito ay siya mismo ang maghahanap upang makasama niya ito.
~*~ ~*~ ~*~
"UY, TAPOS mo na?" tanong ni Carlo sa kanya. Nasa kwarto na sila at nagulat sila kanina dahil gulo-gulo ang mga gamit sa loob. Kilala pa naman sila bilang maayos sa kwarto.
"Oo, ito na lang at- boom!" aniya na ang tinutukoy ay ang pagguhit ng puno.
Humagalpak ng tawa si Carlo. Kasalukuyan kasi silang nagguguhit ng mga bagay na trip nila. Si Jhay Cee ay sa puno at sa bahay naman si Carlo.
"Bakit?" taka niyang tanong dahil ayaw nitong tumigil sa paghagalpak ng tawa.
"Ayus-ayusin mo naman ang puno mo. Mukha ba naman 'yang puno kung ting-ting 'yang pinaka puno niyan?" natatawang sabi nito.
Napasimangot siya. Tama ito, hindi nga siya marunong magguhit, lalo na kung tungkol ito sa nature. Mahilig kasi siya sa pagbabasa. At ayaw niyang naaabala doon. Marunong na naman siyang magbasa, 'yung mga maiikling words nga lang.
"Patingin nga ng iyo?"
Pinakita naman ni Carlo ang guhit at natawa din siya. Magkaibigan nga sila.
"Bakit?" ito naman ngayon ang nagtanong ng 'bakit'.
"Eh, magiging bahay ba iyan kung ang haligi ay tabingi,"
"Hindi pa nga tapos, 'di ba?" mataray na wika nito.
"Uulitin ko na lang ang sa'kin," kapagkuwan ay wika niya.
Kumuha ulit siya ng isa pang bond paper at nagguhit ulit ng puno.
Itinuon niya ang pansin niya sa puno hindi sa ingay ng kanyang kaibigan. Nagagalit kasi si Carlo sa mismong gawa nito dahil tabingi ang haligi.
Sinimulan na niya ang pinaka-puno. Mula pataas at z-in-ig-zag niya ito pababa upang makagawa ng kulubot na puno. Ginawa niya rin ito sa kabila. At ginaya niya ang hugis ng ulap na nakita niya kanina sa labas no'ng naglalaro sila. Nilagyan niya rin ito ng bunga, mangga ang ginuhit niya dahil sumisimbolo ito sa asim ng kanyang gawa.
Napatingin naman siya sa gawa ni Carlo. Dahil tapos na siya, tutok na tutok siya doon. Gumaganda na rin ang gawa ni Carlo dahil gumamit ito ng dahas, ruler pala.
Ipinasa na nila iyon kay Aling Tecing at very good sila dahil gumaganda na ang kanilang pagguhit. Pagkarating nila sa kwarto ay nahiga sila. Hapon na, pero inaantok na siya.
Napagdesisyonan niyang matulog muna.........
~*~ ~*~ ~*~