Chapter 2: Jin Jayson Smith

2106 Words
~JC~ "Bakit ngayon ka lang?" Tanong ko sa lalaking lasing na pumasok sa gate ng boarding house na ito. "Shino ka ba?" Lasing na tanong nito. "Ang bagong tagapag-bantay," sagot ko. "Bantay? Para kang aso," panlalait nito at tumawa pa. Hindi nga siguro ako kilala ng damuhong ito. "Sinong aso?!" bulyaw na tanong ko. Hindi ako galit sa kanya. Ginagawa ko lang iyon upang takutin siya. Pero hindi yata umayon sa plano. Dahil ito pa ang nagalit sa'kin. Masamang titig ang pinukol nito sa'kin, his look is like a monster that might kill you, or worst, eat you. "Wala akong sinasanto kaya umalis ka sa dinaraanan ko," matigas na wika nito at iminuwestra ang daliri nito sa isang tabi. Napangisi ako. Masyado siyang mayabang. "Sabihin mo munang hindi ka na uuwi nang gabi." "Hindi na ako uuwi nang gabi," matigas na sabi nito. Alam kong ginaya lang ako nito. Alam kong hindi ito susunod sa sasabihin ko. Paano kaya kung bigyan ko nang malupit na combo 'to? Kung tatansyahin ang tangkad nito. Ang tuktok lang ng ulo ko ay hanggang sa mata niya lang. Kayang-kaya ko siyang paluhudin sa isang kamay lang. Nilapit ko ang mukha ko sa mukha nito. Napalunok ito. May itsura ang lalaking ito nang titigan ko sa malapitan. Medyo madilim na rin kasi kaya hindi ko nakita ang anyo nito noong malayo pa ako sa kanya. Unti-unti kong itinaas ang kamay ko at mabilis na pinikot ang tainga nito. Napadaing naman ito sa sakit. Naglakad ako papunta sa ikalawang boarding house dahil doon ito nakadestino ayon sa nabasa kong lists. Sumunod naman ang loko habang walang hingang umiinda. "Sinasabi ko na sa'yo, kung gabi-gabi kang ganito, hindi lang ito ang aabutin mo," matigas na wika ko. "Opo, opo," parang takot na takot nitong sabi. Pagkatapat ko sa pintuan ng boarding house ay kumatok ako ng malakas. "Naku Myco nag-inom ka na naman!" Sigaw ni Jin sa loob ng bahay. Dahil nabasa ko na ang lists, alam ko kung sino ang roommate nitong gagong ito. Hindi ko nga lang alam kung sino 'yung iba. Alam ko 'yung pangalan, kung saang boarding house pero hindi ko alam ang mga mukha nila. Pagbukas ng pintuan ay nagulat ito sa'kin. Miski ako ay nagulat dahil naka-towel lang ito. "Si Myco?" Takang tanong nito. Itinaas ko ang napikot kong tainga at napadaing naman si Myco kaya naman nanlaki ang mga mata nito. "Wala pang nakakasakit kay Myco," manghang wika nito. "Ibahin mo ko," matigas kong sabi at inikot ang napikot kong tainga kaya lalong dumaing si Myco. "Aray ko ang sakit! Hindi na po ako magpapagabi, promise po!" Myco's said and he raised his right hand for promising that he won't do that again. "Subukan mo lang," may halong pagbabanta kong saad. "Hindi na nga po--masakit!" sigaw nito dahil inikot ko ulit ang pikot niyang tainga. "Pumasok ka na sa loob," ma-awtoridad kong wika. Pagka-alis ko ng kamay ko sa kanyang tainga ay nagtatatakbo itong pumasok sa loob at narinig ko pang dumeretso ito sa second floor. "Salamat," wika ni Jin. "Bakit?" Taka kong tanong. "Kasi, kakausapin pa ako noon hanggang madaling araw tapos bubuntalin pa ako," sagot nito. Nahalata kong may kakaiba kay Jin. Hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin iyon at tumango na lang ako saka umalis. Narinig ko pang sumigaw si Myco na kinangisi ko. May takot ka rin palang damuho ka, e. Kung gabi-gabi niya iyon gagawin ay baka mawalan siya ng tainga or worst, mawalan ng paa. Pagpasok ko sa loob ng bahay ay dumeretso na ako patungong kwarto. Tapos na naman akong kumain, sa labas. Hindi pa kasi ako marunong magluto. Tanging prito lang ang alam ko. Agad naman akong hinila ng antok dahil na rin sa pagod. Pati na rin sa lalaking siga umano dito. ~*~ ~*~ ~*~ MAAGA akong nagising dahil mag-eenroll pa pala ako. Malapit na ulit ang pasukan at dalawang hakbang na lang ay makakamit ko na ang "congratulations" sa mga kaklase ko. Ginawa ko ang morning routine ko. Pagkatapos niyon ay lumabas ako para bumili ng uulamin ko. Habang naglalakad ako papalabas ng bakuran ay nakita ko si Jin na malungkot. Bakit kaya? Wala akong nagawa kundi lapitan ito at tanungin kung bakit siya malungkot. Habang naglalakad ay pabigat nang pabigat ang aking hakbang. Para bang may kakaiba akong nararamdaman. "Bakit ka malungkot?" Tanong ko nang makalapit ako sa kinauupuan nito. Nakaupo ito sa isang upuan na nasa veranda ng bahay na ito. Nagulat ito sa'kin at bigla na lang ngumiti. Ngiting mapaghahalataan na may kakaibang nangyari. "W-wala na si Tito at tita," nakangiting wika nito kahit na nahihirapan na sa pagngiti. "Alam mo, ang husay mo magpanggap. Hindi kita nahahalatang malungkot," sarkastiko kong tugon sa kanya. Biglang nagbago ang ekspresyon nito. Ekspresyon na dapat kanina pa niya ginawa. Ang maging tunay na malungkot. Umupo ako sa tabi niya. Since dalawa naman ang upuan ay pumwesto ako sa harap niya. Kitang kita talaga ang kalungkutan sa kanyang mukha. Hindi maipagkakaila. Kahit na ang kanyang kulay asul na mga mata ay nababahiran nang kalungkutan. "Ano bang nangyari sa tito at tita mo?" Casual na tanong ko. "They died by the car accident," mahinahong wika nito then he breathe out. Nasapo ko ulit ang dibdib ko. Bakit bigla na lang ito sumakit sa narinig ko? "Teka nga muna, ano ba talaga ang lahi mo?" Taka kong tanong dahil pareho kami ng mata. Hindi pwedeng purong pinoy siya. "I am half American, half Filipino. I am Jin Jasper Smith," pagpapakilala nito. Hindi ko kasi natandaan ang apelyido niya at ngayon ngang nakilala ko na ang tunay niyang pangalan ay nakaramdam ako ng kaginahawaan na hindi ko alam kung saan nagtungo nang matagal na panahon. "I am Jhay Cee Masmela," pagpapakilala ko rito. "Nasaan nga pala ang mga magulang mo?" Dugtong ko sa sinabi ko. "Matagal na silang wala kaya sina tito at tita ang nag-aalaga sa'kin. May anak silang dalawa at namatay ang bunso nilang anak, ang tinuturing ko nang kuya ay si Blythe Smith, they're a secret billionaire kaya huwag mong ipagkakalat iyon, ha? About sa bunso nilang anak, ang sinabi lang sa'kin ni tito't tita ay namatay ito." Mahabang salaysay nito. I nodded as an answer. "Huwag ka nang malungkot. Alam mo ba na kapag may umalis ay may babalik?" Tanong ko rito na nagpakunot ng noo nito. "What do you mean?" Kahit ako ay hindi ko alam kung ano ang sinabi ko. Sinabi ko ba talaga iyon? Mukha namang lumabas lang iyon sa utak ko nang biglaan. "W-wala," tipid na sagot ko rito at tumayo. "Diyan ka muna at bibili lang ako ng ulam ko," nakangiti kong dugtong. "Ulam? Hindi ka marunong magluto?" Nagtataka nitong tanong. "Marunong," sarkastiko kong tugon at tumawa. Natawa din siya at tumayo na rin. "Marunong akong magluto. Ako nga ang nagluluto dito sa boarding house na ito, e." anito at iminuwestra pa ang kamay pataas upang ipagmalaki ang boarding house. Natawa na lang ako sa ginawa niya. Tumango ako at naglakad na patungong boarding house ko. May kalayuan ito pero hindi naman nakakapagod. "Nga pala, ikaw?" Pambasag ni Jin sa katahimikan. Anong ako? "Anong ako?" Taka kong tanong. "Ikaw? Nasaan ang mga magulang mo?" Ang kaninang ngiti na ginagawad ko sa kanya ay bigla na lang nawala at bigla ring sumikip ang dibdib ko. Alam kong may sakit ako pero parang hindi sakit ang tinutukoy nito. Kagalakan x pangungulila. "W-wala na sila," hindi ko hinayaan na piyukin ako nang kalungkutan. "Inabandona nila ako noong dalawang taon pa lamang ako," iyon naman talaga ang totoo, hindi ba? Inabandona nila ako. Inanak-anak nila ako tapos itatapon lang na parang basura at laruan na kapag wala nang kwenta ay sa trash can na ang punta. "'Kalungkot naman," anito at hinagod ang likod ko. Nakaramdam ako ng kagaanan ng loob. Hindi ko alam kung bakit sa ganitong senaryo at may nagtatago pang kagalakan at kagaanan ng loob. "'Buti nga at may umampon sa'kin, e," aniko. "Sino naman?" "Sina Ms. Morie at ang anak niya," wika ko. Nanlaki ang mga mata nito. Alam kong hindi ito makapaniwala na sa dinami-dami nang pwedeng umampon sa'kin ay ang may-ari pa ng palagong company sa bansa. "You mean, ang may-ari nitong boarding house?" Tumango lang ako at binuksan na ang pinto gamit ang susi kong dala. Pumasok na kami sa loob at dumeretso na sa kusina. Nagtaka naman ako kay Jin nang bigla itong tumawa ng mahina. "Anong nakakatawa?" taka kong siwalat. "Wala namang sangkap dito para maipagluto kita, e, haha," wika nito. "Hintayin mo lang ako diyan at bibili ako. Ano bang masarap na ulam?" Tanong ko rito kapagkuwan. "Depende sa gusto mong tikman," napatingin ito sa'kin. Namula ako ng iba ang pumasok sa isip ko. Bwiset na utak 'to, ang green-minded. "A-ado-dobo," utal-utal kong sambit. "Huh?" I took a deep breath to calm myself. "Adobo," aniko. "Okay, bili ka ng one-fourth na manok, (other ingredients)," sambit nito. Nagulo naman ang utak ko. "Hala, hindi ko kabisado 'yang sinabi mo," wika ko. "Edi sana sinabi mo agad," wika nito. "Nasaan ang notebook at ballpen?" Dugtong na tanong nito. Agad akong tumakbo pataas upang kuhanin ang notebook at ballpen. Aaminin ko, medyo mahina ang utak ko kung magkakabisa ng linya. Hindi ako pasok bilang pag-aartista. Pagkababa ko ay agad ko itong binigay kay Jin at agad niyang sinulat ang sangkap. Sabi nang nakararami, 'nobody's perfect', pero ito, simula sa looks, sa skills, at pati ba naman sa pagsusulat ay perpektong perpekto. Para tuloy akong talunan dito, e. Pagkabigay nito ay tumakbo na ako palabas ng bakuran. Pero hindi pa ako nakakalabas sa mismong main gate ay nakita ko naman si Myco na parang may hinahanap. "Sinong hinahanap mo?" Sigaw na tanong ko rito. Nanlaki ang mga mata nito at napalunok. Mukhang takot pa yata sa'kin ang isang 'to, ah? "S-si Jin," utal na sagot nito. "Ah, nasa boarding house ko. Saka mo na lang siya tawagin, magluluto lang kami," Tumango naman ito at tumakbo papasok ng boarding house. Wierd. 'Kayo talaga ang magluluto, ha?' 'Hindi, sabi ko nga siya lang,' napa-iling naman ako at lumabas na. Kinakausap ko na ang sariling utak ko. HINGAL na hingal akong nakarating sa bakuran ng boarding house. Ilang milya ba ang nilakad ko? Saang lupalop ba iyong tindahan na iyon? "Ang tagal mo," wika ni Jin nang makapasok ako sa boarding house ko. "Ang layo," sumusukong wika ko. "'Lika na iluluto na natin," nakangiting wika nito at kinuha ang dala ko. Sumunod naman ako sa kanya at uminom ng tubig. Pinaalalahanan pa ako ni Jin na huwag daw malamig ang inumin ko. Kaya sinunod ko siya at baka may masama ngang mangyari sa'kin. "Paki hiwa nga nu'ng sibuyas," utos nito sa'kin na agad kong sinunod. Habang naghihiwa ay may nag-doorbell. Binaba ko ang kutsilyo at tinungo ang pinto. Pagkabukas ko ay nakita ko si Myco. Iminuwestra ko ang kamay ko na nangangahulugan na tumuloy siya. Pumasok naman siya. "Nasa'n si Jin?" Agad na tanong nito. Itinuro ko na lamang ang kusina at naglakad papunta doon. Sumunod naman ito at pagkarating namin sa kusina ay itinuloy ko na ang aking ginagawa. Naghuhugas si Jin ng manok at mukhang hihiwain din niya ito pagkatapos dahil may naghihintay na kutsilyo sa tabi niya. "Aw!" Daing ko dahil nahiwa ko ang aking hintuturo. Mababaw lang iyon pero ang kirot. At naluluha na rin ako dahil sa sibuyas. Lumapit naman si Jin at Myco. "Ano kasing tinitingin-tingin mo sa hinuhugasan ko?" Natatawang wika ni Jin. "Eh---" "Akin na nga 'yang kamay mo," putol ni Myco sa sasabihin ko. Agad ko namang binigay ang kamay ko kung saan nandoon ang daliring nahiwa. Habang papalapit at parang nakikini-kinita ko na ang gagawin niya. Hindi nga ako nagkamali dahil isinubo niya iyon at "Aray ko ang hapdi!" Sigaw ko dahil parang tinutusok ito ng karayon sa sakit. Hindi niya tinigilan ang pagsipsip at unti-unti ay nawawala ang kirot. Nang matapos sipsipin ay dumeretso ito sa lababo ay dinura ang dugo na nasipsip nito. Nagmumog din siya at binuksan lahat ng cabinet dito sa loob ng kusina. "Anong hinahanap mo?" Tanong ko. Hindi ako nito sinagot at napangiti ito ng may makita sa dulo ng cabinet. Paglabas niyon ay nakita ko ang box ng band-aid at lumapit ito sa'kin. Napangiti naman kami ni Jin. Ang buong akala ko ay magiging mortal enemy ko 'to. Nagmukha pa itong doktor. Tinapalan nito ang sugat ko. At ibinalik ang iba. "Ako na ang maghihiwa ng sibuyas," anito at kinuha ang kutsilyo. Hindi na ako naka-angal dahil hiniwa agad nito ang sibuyas nang kay bilis. Kailan kaya ako matututong magluto ng ulam? ~*~ ~*~ ~*~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD