~JC~
Napabuntong hininga ako. Ang hirap naman ng ginagawa ko. Isa nga pala akong babysitter ng kasing edad ko lang.
"May pagka-isip bata iyan kaya pagpasensiyahan mo na," minsang sabi sa'kin ni Ms. Morie.
Nasa bahay ako ng mga Lumacang. Dito na ako pinatira nang ako'y magsampung taon na. Naalala ko pa rin naman ang mga ginawa sa'kin noong ako ay nasa bahay ampunan. At ngayon ngang seventeen na ako ay marami na akong gawain ngayon. Nagsisilbi ako sa bahay ng mga Lumacang. Ito rin naman ang kagustuhan ko, ang tumulong sa kanila. Malaki na kasi ang natutulong nila, lalo na si Ms. Morie. Itinuring niya rin akong pangalawang anak.
"JC!" Tawag sa'kin ng 'may pagka-isip bata' kong amo.
"Po?" Magalang kong tanong habang papalapit sa kanya. Nasa kusina kasi ako kanina at nag-aaral kung paano magluto.
"Pakikuha mo nga ako ng juice," ma-awtoridad na wika nito.
"Huwag mong susundin 'yan! Hayaan mong siya ang gumawa niyan!" Sigaw naman ni Ms. Morie na kabababa lang ng hagdan.
"Opo," ani ko at tumango. Bumalik na ako sa kusina upang magluto.
Narinig ko pang nag-argumento ang mag-ina. Hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin dahil kailangan kong mag-focus sa pinapanood kong tutorial.
"Anak, tulungan na kita," ani ng babae sa likod ko.
Paglingon ko ay nakita ko si Nanay Pasing--isa sa tatlong katulong dito sa bahay.
"Hindi na po, 'nay, kaya ko na po ito," mahinahon kong tugon.
"Hindi na, alam kong nahihirapan ka na,"
Alam niyang nahihirapan ako? Sabagay, hindi ko iyon maipagkaila kasi pagod na pagod na ako. Hapon na pero ito pa rin ako, kilos nang kilos. Hindi ko na nga alam kung namamanhid na ba ako o ano.
"S-salamat po," kapagkuwan ay sabi ko.
Tinulungan ako ni Nanay Pasing sa gawaing bahay. Hindi naman mahihirap ang binibigay sa'kin ni Ms. Morie kaso, sa laki ng bahay na 'to, hindi mo talaga mapipigilang hindi magreklamo kahit na maliit lang na bagay ang iuutos sa'yo.
PAGKATAPOS nang gawaing bahay ay dumeretso agad ako sa kwarto ko. Hindi ko namalayan na alas nueve na pala. Wala pa akong tanghalian at hapunan. Sumasakit na rin ang ulo ko.
Pero kaya ko 'to. Sila ang nagpalaki sa'kin. Sila ang nag-ampon sa'kin. Hindi ko pa nababayaran ang utang-na-loob ko sa kanila.
Pagpasok ko ay nakita ko si Maxwell na naka-upo sa kama ko at nakatingin sa'kin.
Uutusan na naman ako nito, sambit ng utak ko.
"Bakit po?" pagod kong tanong. Hindi ko na talaga kaya. Para na akong hihimatayin. Parang kapag tumingin ako sa salamin ay namumutla ang aking mga labi.
"Hindi ka pa kumakain," nag-aalalang tanong nito.
Yumuko ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Siguro nga ay nag-aalala siya. Minana niya iyon sa nanay niya, e. Ang maging maalalahanin kahit na hindi mo ka-ano-ano ang tao.
"H-hindi pa nga," hinang-hinang wika ko.
"Ito, oh, may dala ako," naging masigla ang wika nito kaya nag-angat ako ng tingin at nakita ko itong nakaturo sa bandang kaliwa ko. And I saw the food . Ang dami. Para akong bibitayin sa dami nito. Mayroon ding mansanas na hiwa na at natalupan na. "Ako ang nag-prepare niyan," dugtong nito.
Nagpatingin ulit ako sa kanya. At pagkatingin ko rito ay nag-iwas ito ng tingin at itinuon iyon sa cellphone na hawak niya. "S-salamat," tipid na pasasalamat ko at pumunta na sa study table ko kung nasaan ang pagkain.
Habang kumakain ay napapasulyap ako kay Maxwell at minsan ay nahuhuli ko itong nakatingin din sa'kin habang nakangiti.
Ang wierd.
Alam kong mababait sila pero parang may kakaiba sa kanya.
"JOSH MAXWELL LUMACANG!" Sigaw ng kung sino sa baba kaya nagulat kami. Teka, matagal na ba akong nakatitig sa kanya? I shook my head at the thought.
Tumakbo si Maxwell palabas ng kwarto ko kaya naiwan ako rito mag-isa. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. Pagkatapos kong kumain ay nagpahinga lang ako saglit at kumuha na ng damit para makapaligo.
Hindi pa man ako nakakapunta ng banyo ay bigla na lang nanikip ang dibdib ko. Nasapo ko ito at parang may kakaiba. Ano 'to? Hindi ko naman dapat maranasan ito dahil wala akong sakit.
Wala nga ba? Tanong ng utak ko.
Hindi ko alam kung mayroon akong sakit. Sa tingin ko naman ay wala dahil kung mayroon man, lagi ko itong mararamdaman. Nitong nagdaang Sabado ko lang naramdaman ang ganito. Ano kaya 'to? Sakit sa puso?
Hindi ko na lang iyon pinansin at naglakad na ako papasok sa banyo. After five minutes ay lumabas na ako and I saw Ms. Morie and her son. Bakit kaya?
"Bakit po?" sa wakas ay naitanong ko rin.
"Hmm, 'di ba.. you want to see your parents?" Tanong nito na ikinatuwa ko.
Kahit hindi ako hanapin ng mga magulang ko, ako ang hahanap sa kanila. Dahil alam kong nawawalan na sila ng pag-asa sa'kin pero hindi ako nawawalan ng pag-asa sa kanila.
"Bakit niyo po naitanong?" Balik tanong ko rito.
"May nakalap kaming balita na may naaksidente daw na mag-asawang Masmela sa Quezon City. Hindi namin alam kung iyon ba ang mga magulang mo," paliwanag nito.
"Hindi totoo 'yan," mahina kong wika. Sapat upang hindi nila marinig.
"What?" Ms. Morie's asked.
"Hindi po totoong naaksidente ang mga magulang ko," malungkot na wika ko.
My eyes watered. Nagbabadya iyon na may tutulong luha anumang oras.
"Well, we don't know," wika naman ni Maxwell.
Nasapo ko ulit ang dibdib ko. Totoo ba? Totoo bang ang mga magulang ko ang naaksidente? O nagkataon lang ito? Siguro nga ay nagkataon lang dahil noong Sabado ko pa ito nararamdaman.
"Ang sabi ng reporter, lumuwas daw ito pa-La Union to visit their relatives noong byernes nang gabi. Pero hindi daw iyon natuloy dahil sa urgent meeting ng mga Masmela." paliwanag ulit ni Ms. Morie.
Tuluyan na ngang umagos ang luha ko. Niyakap ako ni Maxwell kahit na wala akong saplot pang-itaas. Ang saklap. Hindi ko pa man sila nahahanap, mawawala agad sila? O baka naman hindi talaga sila iyon.
"Look at my eyes, Ms. Morie," ani ko na sinunod naman niya. "Can't you see? My eyes were blue," ani ko
Tumango-tango naman si Maxwell. "Hindi naman namin nakita ang mga mata ng bangkay ng mag-asawang Masmela," anito.
"Hindi pero alam kong hindi sila iyon," patuloy na paglaban ko. Alam kong hindi sila iyon.
Alam ko.....
~*~ ~*~ ~*~
"IYAN KASI," wika ni Ms. Morie pagmulat ko ng mga mata ko.
Anong nangyari sa'kin kagabi? Bakit bigla na lang nag-black out? "Ano pong nangyari?" tanong ko kay Ms. Morie.
"Nahimatay ka sa sobrang pagod at stress, dagdagan pa ang sinabi namin sa'yo kagabi," sagot nito.
Nilibot ko ang tingin ko. All walls wear with white coats. Alam kong nasa ospital ako. "Sino pong nagdala sa'kin dito?" Tanong ko ulit.
"Si Josh," simpleng sagot nito.
"I heard my name," komento ng kung sino. Bumukas ang pinto ng kwarto at pinasok niyon si Maxwell. "Kumusta ka na?" Tanong nito.
"A-ayos lang naman ako. Anong oras na po ba?" Sagot at tanong ko.
"It's already eleven o'clock at the morning,"
Pagkasabing iyon ni Ms. Morie ay napatayo ako. Inalalayan naman agad ako ni Maxwell at iginiya pa-upo. "Hindi pwede, may trabaho pa---"
"Alam mo nang ganyan 'yang karamdaman mo, trabaho pa rin ang nasa isip mo," Maxwell said and he tsked.
"Magpahinga ka muna," dugtong naman ni Ms. Morie.
Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon. Tunay na mababait nga sila. Hindi nila ako pinabayaan at tinuring nila akong kadugo. Na hindi ko naranasan sa tunay kong mga magulang.
Nasaan na kaya sila? Tanong ng utak ko.
Bakit ba kasi sa dinami-dami ng bata na mawawalay sa pamilya ay ako pa? Pero may kaunting tuwa ang nararamdaman ko ngayon. Kung bakit ay hindi ko rin alam. Sigurado akong iba ito sa nararamdaman ko dati.
"Nahanap na po sila?" Tanong ko sa dalawa.
"H-hindi pa," tipid na sagot ni Maxwell.
Nanahimik na ako. Wala na sigurong pag-asa. Labing dalawang taon na akong nawalay sa mga magulang ko. Ni hindi ko nga alam kung kailan ako pinanganak, e.
"Aalis muna ako, ikaw muna ang magbantay dito Josh," wika ni Ms. Morie.
Tumango naman si Maxwell at lumabas na si Ms. Morie. Naiwan kaming dalawa dito.
"Dinalhan nga pala kita ng prutas," anito. Napatingin ako rito. Kitang kita ang saya sa mga mata nito. My heart beats abnormally. It was a simple smile but it's killing me inside.
Annoying heart! Sigaw ng isip ko.
"Bakit? Anong mayroon sa puso mo?"
Napa-iling na lang ako sa gulat. Naisiwalat ko ba ang nasa isip ko? Grabe na 'to. "May naalala lang kaya sumikip ang dibdib ko," pagrarason ko which is tama rin naman.
"Oo nga pala, my heart problem ka pala. Take medicine,"
Ilang beses na ba akong nagulat ngayong araw? Dahil ginulat na naman ako nito. Gulat na kakaiba sa lahat. Ginulat ako sa katotohanang may sakit nga ako.
"Pero h'wag kang mag-alala, mawawala din daw iyan kapag natapos mo na ang treatment," dugtong nito na nagpangiti sa'kin ng malawak.
~*~ ~*~ ~*~
"Ito na po ba ang magiging bahay ko?" Manghang tanong ko sa dalawa.
Pagkalabas ko sa ospital ay iginiit nila na bigyan ako ng bahay. Ayaw ko man ay ako pa rin ang talo. Dalawa sila at isa lang ako. Lalo lang tuloy nadadagdagan ang utang-na-loob ko sa kanila. Pero may kondisyon naman, magbabantay ako ng anim na lalaki sa tatlong bahay, which is okay lang sa'kin dahil babantayan ko lang.
"Ito na," wika ni Ms. Morie.
"Maraming maraming salamat po," wika ko at yumuko-yuko pa.
"Ano ba? Kanina ka pa pasalamat nang pasalamat." Wika ni Ms. Morie.
"Hehe," tanging nasambit ko na lang. Kanina pa nga ako pasalamat nang pasalamat kahit alam kong hindi niyon mabibili ang bahay at lupa na ito.
"Huwag kang mag-alala, may sweldo ka pa rin," wika ulit ni Ms. Morie.
Nanlaki ang mga mata ko. Sobra na yata ito? Bakit ganito sila kabait? Hulod ba sila ng langit upang ako'y iahon sa hirap? Mukhang hindi naman yata dahil wala silang pakpak. Bagay na kulang na lang sa kanila samahan mo pa ng halo para maging anghel na sila.
"Sobra na po yata?"
"Hindi, may kondisyon naman ang pagtira mo dito. Hindi mabigat ang binigay namin sa'yo dahil alam ko na may sakit ka sa puso." Wika nito.
"Salamat po,"
"Salamat na naman? Nakakabusog ba iyan?" singit ni Maxwell sabay tawa.
"JOSH!" Saway ng kanyang ina kaya tumigil ito. Ang saya nila pagmasdan.
Kailan ko kaya mararanasan ang magkaroon ng ina at ama?
Pumasok na kami sa loob ng bahay. Malaki iyon. May second floor at alam kong doon ang kwarto. Katapat naman ng maindoor ang living room. May division ang likod ng sofa at doon daw ang kusina sabi ni Ms. Morie. Sa bandang kaliwa ko iyon. At sa kanan naman daw ay ang wash area. Para itong boarding room.
PAGKATAPOS kong ipasok lahat ng gamit ko sa kwarto ko ay bumaba na ako. Hindi ko na naabutan ang mag-inang Lumacang. Kaya napagdesisyonan ko na lang na pagpahangin. Ang sariwang hangin na tumatama sa'king mukha ay nagbibigay sa'kin ng kakaibang sensasyon. Pinagagaan niyon ang pakiramdam ko.
Katapat kasi ng boarding room na ito at bukid. Kitang-kita ang papalubog na araw. May beinteng metro ang layo ng mga boarding house kaya naman hindi masyadong crowded. At ang espasyong iyon ay ginagawang sampayan ng mga boarders. Dalawang boarders daw kada isang bahay kaya hindi daw ako mahihirapan sa pagbabantay.
Maliban lang daw kay Myco. Masyado daw itong mayabang at laging wala sa oras kung umuwi. Grade 10 student daw ito pero 18 years old na. Parang ako, pero ako may dahilan kung bakit 17 na ako mag-g-grade 9. Hindi ako napag-aral nang maaga ni Ms. Morie noon dahil hindi ko pa daw alam kung paano mag-solve ng basic problem sa math.
Panibagong dagok na nama nang mararanasan ko. Pero masaya ako doon dahil maaliw ko ang sarili ko. Kung gabi-gabi ba naman akong galit kay Myco ay parang nakakagana. Alam kong nakaka-stress iyon sa iba pero sa'kin ay hindi. Masisiyahan pa ako sa masalimuot kong buhay.
Kailangan ko na rin siguro maghanap ng kaibigan bukod kay Maxwell. Alam nitong bakla ako pero hindi ito na-o-offense doon. Masyado daw homo ang mga lalaking naasiwa sa bakla.
I sigh. Kailan kaya uuwi ang mayabang na boarder na 'yon?
~*~ ~*~ ~*~