~JC~
Himas-himas ko ang aking tiyan. Ang sarap ng luto ni Jin. Pwede na siyang asawahin.
Ano?!
"Ang sarap, *blurp*,"
Nagtawanan kami dahil kay Myco. "Ang sarap nga ng luto mo Jin, pwede ka ng mag-asawa," aniko na ikinapula ng pisngi niya.
"Baliw," wika nito at tumawa.
Mukhang hindi na nito naaalala ang nangyari sa tito at tita niya. Mabuti na nga lang at may naitulong ako kahit kapiraso. Sigurado kasi akong hindi nito kakayanin ang ganoong emosyon lalo na kung ang taong nag-palaki sa'yo ay bigla na lang mawawala.
"Hmm, alis na kami JC," wika ni Jin.
Tumango lang ako bilang sagot. Napangiti pa ako nang akbayan ni Myco si Jin. Hindi man ako shipper pero bagay sila. Isang cute at gwapo. E, ako? Ito pangit!
Pagkalabas nila ay niligpit ko na ang pinagkainan namin. Puro plastik naman ang mga kagamitan ko dahil ayaw ko nang may nababasag.
Pagkatapos kong magligpit ng pinggan ay nagtoothbrush na ako at lumabas. May bibilhin pa pala ako sa mall. Kahit malayo ay pupuntahan ko kasi naman, malapit na ang pasukan. Ipagpapabukas ko na lang ang pang-e-enroll ko.
~*~ ~*~ ~*~
NANDITO na ako sa mall patungong expression nang may mabangga ako. Dahil sa katangkaran nito ay dibdib nito ang natamaan ko.
"Aray," inda ko dahil mala-bato ang dibdib nito.
I looked up and I saw an angel. Matangos na ilong nito, may kakapalan ang mga labi nito na medyo pula, pilik matang nagpapahabaan, makapal na kilay at morenong moreno ang kulay.
"Pasensya na," nagbalik ako sa ulirat nang marinig ko ang boses nito. Boses na parang idinuduyan ka sa alapaap.
Napasinghap na lang ako nang hawakan nito ang balikat ko. "I'm so sorry, I think you don't understand what I've said a while ago," hinging paumanhin nito.
"Naiintindihan kita,"
Naguluhan siguro ito. "What? You understand me?" I nodded for an answer. "I think you're not. Because your eyes are blue," ani pa nito.
"Ah, hindi ko nga rin alam kung ano ba talaga ako, basta marunong ako magTagalog 'yun na 'yon. Sige," wika ko at humakbang na papalayo.
Kahit nakaT-shirt na puti lang siya at ripped jeans ay bumagay sa kanya. Plain lang 'yon, ha? Paano pa kaya kung isuot niyon ay americana, siguradong tampulan iyon ng tsismis.
Nakarating ako sa expression nang hindi ko alam kung naka-ilang hakbang ako. Napa-iling na lang ako at bumili nang gagamitin sa klase.
~*~ ~*~ ~*~
"ANG TAGAL mo namang bumili ng school supplies mo," wika ni Jin nang makasalubong ko ito sa bakuran ng boarding house.
I took a deep breath bago magsalita. "May nabangga kasi akong lalaki," sagot ko.
"Ah,"
"Saka malayo ang mall dito," ani ko pa na tinanguan niya naman. Nakabili na rin ako ng ulam ko sa hapunan. Nakakahiya kasi kung magpapaluto ulit ako kay Jin. Tumagal pa kasi ako ng tatlong oras sa mall dahil nga sa paghahanap ko ng graphite for drawing material.
"Uwi na ako," ani ko nang wala akong makuhang sagot sa kanya.
~*~ ~*~ ~*~
Hindi ko pa rin malimutan ang lalaking nakabangga ko kanina sa mall. Kasalukuyang nakahiga na ako sa aking kama upang matulog ngunit hindi ko magawa dahil sa lintik na lalaking nakabunggo ko.
Malaman ang kanyang dibdib na mahahalata mong batak na batak. Siguro everyday sa gym? Moreno ang kulay na parang hindi laking Manila. Baka napadayo lang?
Napa-iling ako. Ano ba itong mga pinag-iisip ko? Hindi na ako normal dahil kahit ang isip ko ay kinakalaban na rin ako. I sigh. Nag-isip na lang ako ng bagay na masaya pero lagi na lang mukha ng lalaking nakabangga ko ang rumerehistro sa utak ko.
My heart pound when the cat moaned. Nerbyoso na rin ako dahil sa kakakape. Dumapa ako at nag-isip ulit ng ibang bagay. Napangiti ako ng maramdaman ang antok sa buong sistema ko.
KINAUMAGAHAN ay maaga din ako. Mag-e-enroll nga pala ako ngayon. Malayo kasi rito ang school, 30 minutes ang byahe para makapunta doon. Ginawa ko na ang morning routine ko.
Pagkatapos kong gawin ang morning routine ko ay lumabas na ako para bumili ng ulam. Nakapagsaing na rin naman ako sa rice cooker kaya ulam na lang ang problema. May kalayuan din ang bilihan ng ulam dito pero worth it dahil sa ambiance ng paligid. Fresh air that can flow your hair, iyon ang nangyayari sa'kin dito sa labas.
Habang naglalakad ay may napansin akong pamilyar na mukha. Anong ginagawa niya dito? Malayo kasi ito sa pangkaraniwang pa-upahan. Nando'n pa rin ang ganda ng tindig niya. Kulay brown na mga mata, makakapal na kilay.
Stalker ko ba ito? Bakit sa dinami-dami ng daan ay dito pa mapupunta ang lalaking nakabangga ko sa mall? Hindi niya naman hiningi ang adress ko. Assuming na kung assuming, mukha kasi siyang taga-bundok pero nandito siya sa harap ko. Nakatitig sa'kin!
"What are you doin' here?" Takang tanong ng lalaki sa harap ko.
My heart beats faster than race cars. Kung sakit man ito, sana ngayon na ako atakihin dahil hindi ko magawang maibuka ang aking bibig at ang aking mga mata ay na-stock na kakatitig sa nakangiti nitong labi.
"Ahm,"
Napa-iling na lang ako dahil sa pagkatulala ko. Ang tanga mo self. Huwag kang magpaapekto sa kagandahan ng kanyang katawan at itsura. NakaT-shirt siyang puti at ripped jeans. Kahit na gano'n pa rin ang style ng pananamit niya ay lalo itong gumwapo.
"Ah, eh, what did you say?" Tanong ko nang makarecover na 'ko.
"What are you doin' here?" Pag-uulit nito.
"Dito ako nakatira, e." I answered his question.
"Ahh, diyan din kasi ako lilipat, e. May available ba diy----"
Hindi na natuloy ng lalaki ang pagsasalita nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa maikli kong maong short. Pinindot ang answer button.
"Excuse me," ani ko sa lalaki. Inilagay ko na ang cellphone ko sa kaliwang tainga ko. "Hello po?" Ani ko.
"Hello, JC,"
"Kayo po pala, Ms. Morie. Ano pong kailangan niyo?" Tanong ko.
"Hintayin mo na lang ako sa boaring house,"
"Pero Ms., pupunta pa po akong school to enroll,"
"No buts, Mr. Jhay Cee Masmela. Wait me, I'll be there in just five minutes," at pinatay na ang tawag.
I heave a sigh. Nangangalahati na ako tapos papauwiin pa ako? Wala akong nagawa kundi ang umuwi. Tumalikod na ako at naglakad pabalik.
"Wait!"
Napalingon ako sa nagsalita. Hindi pa nga pala ako nagpapaalam na uuwi ako. Ang bastos ko pong bata. "Sorry, uuwi na ako," ani ko at tumalikod na ulit.
"Sino 'yung kausap mo? Tinawag mo siyang Ms. Morie, hindi ba?" Tanong nito paglapit sa'kin.
"Yep, siya 'yung may-ari ng boarding house na tinutuluyan ko," Sagot ko.
"Ah, ikaw ba si Jay?" Tanong nito.
"Sinong Jay? Tatlo kaming 'Jay' sa boarding houses, ako si Jhay Cee, with letter 'h' sa 'Jay', si Jay Monticillo, at si Jhaye Carlo Olivares, with letter 'h' after 'j' and 'e' after 'y'." Paliwanag ko.
"'Yung Jhay Masmela,"
"Ako nga,"
Napangiti ang lalaki. Ngiting parang pinahiga ka sa malambot na kama. My heart pounds again. Pangalawa na 'to, ha! "Ikaw nga ang nagbabantay sa mga boarders ni Ms. Morie," anito.
Nagtaka ako. Kilala niya si Ms. Morie? Saka wala nang bakanteng room doon, ha? Kaya ba ako pinauuwi ni Ms. Morie dahil may aalis at may babalik? "Uuwi ako, sama ka na?" yakag ko sa lalaki.
Tumango naman ang lalaki. Nagpatuloy na ako sa paglakad. Kasunod ko naman ang lalaking hindi ko pa alam kung ano ang pangalan. Am I sure with it? Baka isa itong killer na ginagamit lang ang itsura to kill and kill. I looked at him and I saw him looking at me, too. Those stares, mapapakanta ka na lang talaga.
Hindi siya mukhang kriminal. Kung kriminal man siya at lumipat dito sa Manila, my heart pound because of what I've thinking. Hindi siya killer at hindi niya ako papatayin.
To ease my doubt on him. I asked, "what is your name?"
"I am Andy Liberal," Sagot nito.
Andy Liberal, sounds nice.
"I am Jhay Cee Masmela," pagpapakilala ko rin sa sarili ko. "I am seventeen years old. Sigurado akong mas matanda ako sa'yo." Ani ko pa.
"I am eighteen, hindi ako nakapag-aral ng dalawang taon. Up-coming grade ten na ako," anito.
Hindi ko inisip na baka grade ten na siya. Pero kahit na, 16 years old to 17 years old ang mga grade 10 na hindi tumitigil sa pag-aaral. Napatahimik na ako, ang awkward. Kaya luminga-linga muna ako and I heave a sigh. I cleared my throat.
"No one ever saw me like you do
All the things that I could add up too
I never knew just what a smile was worth
But your eyes say everything
Without a single word"
"How a nice voice?" Biglang sambit ni Andy kaya napatigil ako sa pagkanta. Natapos ko ang unang verse.
"Hindi naman," pagpapakipot ko. Totoo naman din, e. Hindi maganda ang boses ko pero hindi rin iyon pangbasag pinggan.
"Chorus," anito na sinunod ko naman.
"'Cause there's somethin' in the way you look at me
It's as if my heart knows
You're the missing piece
You make me believe
That there's nothing in this world I can't be
I never know what you see
But there's somethin' in the way you look at me"
"Sabayan kita,"
Napatingin ako sa kanya. I saw him smiling. And my gaze goes to his eyes, his eyes were captivating. Para kang hinihipnotismo na makipagtitigan ng matagal. "Si-si-sige," utal-utal kong sambit.
"Gusto ko......" anito at nag-isip. "My love by westlife."
Nag-isip ako. Alam ko ang kantang iyon pero chorus lang. "Ikaw na lang ang kumanta, hindi ko alam 'yan,"
"Sige." anito. He cleared his throat. Maganda din kaya ang boses nito? Din?! Din?!
"An empty street, an empty house
A hole inside my heart
I'm all alone, the rooms are getting smaller
I wonder how, I wonder why, I wonder where they are
The days we had, the songs we sang together. (oh yeah)"
He paused. Somehow, I felt comfortable with his voice. Para akong idinuduyan sa alapaap.
"And all my love, I'm holding on forever
Reaching for the love that seems so far"
He looked at me. I don't know what he's pointing about. Nakatitig lang siya sa'kin. Kasabayan ko na kasi siya maglakad. Binagalan ko rin para makahabol siya. His mezzo-suprano voice..... digging my heart to out.
"So I say a little prayer
And hope my dreams will take me there
Where the skies are blue, to see you once again... my love
Overseas from coast to coast
To find the place I Love The Most
Where the fields are green, to see you once again... my love"
I'd rather don't know why my heart feel warmth. Ang galing niya magdala. Sana magkasing ganda ang boses namin. Inaamin ko, barritone ang tono ng boses ko at kaya ko bumirit pero hindi pangmatagalan dahil pipiyukin ako kapag ginawa ko iyon.
Pero ito..... ito....
~*~ ~*~ ~*~