Fourteen

1356 Words
LIGHT'S POV Nandito ako ngayon sa mini forest ng school. Nakaupo lang ako sa ilalim ng puno at nagda-drama. Iniisip ko kasi kung bakit ganun ang inasta ni Magda kanina? Bakit siya galit sakin? Bakit ganun? Sobrang nasasaktan ako kapag naiisip kong ayaw akong kausapin ni Magda. Akmang tutulo na ang mga luha ko nang biglang may umupo sa tabi ko, kasabay ng ingay na gawa ng tatlong makukulit na lalaki. Sino pa ba? Ang tatlong elemental users. "Hindi ba, sabi ko sa'yo, ayaw na kitang nakikitang umiiyak?" Lalo akong napaluha 'nung maalala ko 'yung yakap niya kahapon, "Eh h-hindi ko mapigilan eh." Napa-pout pa ako. Hindi ko mapigilan sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. "Kung hindi mutual ang feelings niyo ng kaibigan mong si Magda, edi gawin mong mutual." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Pinunasan niya ang luha ko sa pisngi at ngumiti, "Kung ayaw niya sa'yo, ayawan mo din! Ganun kasimple." Napataas ang isa kong kilay. "Hindi ganun kadali 'yun!" Inirapan ko siya at isinubsob ang mukha ko sa braso niya, "Palibhasa kasi, hindi ikaw 'yung nasasaktan ngayon eh." "Ow. Hindi dahilan 'yan, Light. Tsk. Para kang bata." Hindi ko alam kung anong ekspresyon ang pinapakita ni Dark ngayon, "Choice mo 'yan eh. Choice mong isipin 'yan kaya nalulungkot ka ngayon." Nainis naman ako sa sinabi niya kaya kinurot ko siya sa tagiliran. "Hindi naman lahat ng bagay na nangyayari sa'yo ay ginusto mo. Bakit kapag ba nagka-gusto ka sa isang babae, choice mo 'yun?" Umupo ako ng maayos at pinaningkitan siya ng mata. "Kapag ba nasaktan ka ng babaeng gusto mo at gusto mo pa din siya, kagustuhan mo pa din 'yun?" Hindi siya sumagot. "Hoy! Bakit hindi ka makasagot ngayon?" Tumawa siya ng mahina, "Ang kulit mo." Ngumiti siya sakin bago sumandal sa puno at pumikit, "Hindi ito tungkol sa special someone natin. Tungkol ito kay Magda, sa kaibigan mo." Tsk. Kahit anong sabihin ko, hindi siya papatalo. Nakakainis ang dilim na 'to. Sarap sunugin eh. "No. It is about our choice!" Sagot ko pa at sinubsob ulit ang mukha ko sa braso niya, "Kung ganun, choice ko din bang magustuhan--" At doon ko lang na-realize ang sasabihin ko. Buti na lang at hindi ko natuloy. Bigla naman akong nasiko ni Dark kaya napatalsik ako ng kaunti. Natawa naman siya, "Hindi ko sinasadya." Inirapan ko siya, "Kung may galit ka sakin, sabihin mo! Hindi 'yung pasimple kang nananakit diyan." At inis na umupo ako sa tabi niya at sumandal sa puno. "Alam mong hindi kita kayang saktan." Natigilan ako at parang naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. Pasimple akong tumingin sa kanya at kita ko din ang kahihiyan sa mukha niya. "A-Anong--" "Guys, hindi pa ba kayo papasok?" Tanong ni Red. Nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko kakayanin dito. Sobrang awkward. Tumayo ako at nagpagpag, "Tara nang pumasok." *** Nandito kami ngayon sa water falls at ready nang magbawas ng dugo. Grabe, kung araw araw pala kaming luluwas papunta sa ibang mundo, baka maubusan ako ng dugo! Nakita kong sabay sabay na pumatak ang mga dugo namin sa tubig, at sa isang iglap, nasa isang lugar na kami na..magulo. Maraming nag-aaway. Parang nasa gitna kami ng war. Jusko. Nakakatakot naman dito. "Taga saan kayo?" Tanong sa amin ng isang guard. Nang tumingala ako, nakita ko ang pangalan ng school. Dark Academy. "Sa Mortal World. Magi-inquire kami sa loob. Balak naming mag-enroll." Pagsisinungaling ni Dark. Nakipagtitigan muna 'yung guard kay Dark at mabilis na umiling ito. "Hindi ka nagsasabi ng totoo." Matigas na sabi 'nung guard. "At paano mo naman nalaman?" Inis na tanong ko. Tumingin ako sa gilid ko, pero bakit wala si Nicolo? "Papasukin mo na lang kaya kami?" "Hindi pwede. Ang kukulit ninyo." Iritableng sabi 'nung guard. "Kung alam ninyong hindi kayo Dark Wizard, umalis na kayo." Good Wizard nga pala si Dark. Hindi nga talaga siya pwede dito. Jusko, paano na ba 'to? =____= Nasaan na ba kasi si Nicolo? Magaling magpalusot 'yun eh. "I'm here." Rinig kong sagot ng papalapit na si Nicolo na parang narinig ako, "Bumili lang ako ng drinks." Sabay abot niya ng coke in can sa amin. Lumapit siya sa guards. "Papasukin mo kami kung ayaw mong mamatay." Si Nicolo na pinanlakihan pa ng mga mata 'yung dalawa. Mukha namang natakot 'yung mga guard at pinapasok kami kaagad, "Good dogs." Nakangiting wika ni Nicolo. Ang cool ni Nicolo. Emeged. Paano niya napasunod ang mga bwiset na guards na iyon? Naramdaman ko na lang ang mahigpit na paghawak ni Dark sa braso ko at hinila ako papalapit sa kanya. Problema nito? Tumingin ako sa buong academy. Aba, ang gulo. Nagbubugbugan ang mga estudyante. Jusko. Hindi ko siguro kakayanin na mag-aral dito. Pero may part sa akin na parang nakapunta na ako dito. Pamilyar 'yung place. "s**t. Si Calvin!" "Damn, Calvin, you're so hot!" Hindi ko alam kung sinong sinasabihan nila noon. Pero hindi na ako nag-abala pang lumingon. Wala akong panahon. "Anong unang step natin? Paano natin malalaman kung sino ang prinsesa?" Inip na tanong ko. "Ang prinsesa ay nagtatago o tinatago. Malamang na mahihirapan tayo." Si Dark at tumingin kay Nicolo, "Hindi ba, Nicolo?" Bakas sa mukha ni Nicolo ang gulat nang tanungin siya ni Dark. Natahimik kaming tatlo hanggang sa nakaramdam ako ng kung ano. "Cr muna ako. H'wag kayong aalis diyan. Okay?" Sabay na tumango naman sila. Si Dark naman, ayaw pang bitawan ang kamay ko. "Dadalian ko po." Sarcastic na sabi ko, saka lang niya binitawan. Feeling talaga ang Dark na iyon! Psh. Habang hinahanap ang comfort room, may humarang na mga lalaki sa akin. Mga apat lang naman sila. "Hi, miss," Nakangiti ang isang gwapong lalaki sakin. "I'm Trevor." Ngumiti ako ng pilit at akmang lalagpasan na sila nang hapitin niya ang bewang ko at dinilaan ang pisngi ko. Nanlaki ang mga mata ko at binigyan siya ng isang napakalakas na suntok. Kaagad na pinunasan ko ang pisngi ko at nagtatakbo na palayo. Like yuck, manyak 'yun!! Grabe, ang sarap pumatay ng tao dito. Seriously, gusto kong balikan 'yung lalaking 'yun at ipapakita ko sa kanya na mali ang binastos niya. Pero putangina, nasa teritoryo nila ako. Isang maling galaw ko lang at buhay ko ang magiging kapalit. "Ayun siya!!" Narinig kong sabi 'nung mga lalaki. Lalo kong binilisan ang takbo ko. Hanggang sa nakarating ako sa harap ng stock room. Wala akong choice kung hindi pumasok. Pero bago pa man ako makapasok, may humila na sa kamay ko kasabay ng pagsabunot nito sakin. "Aaah! It hurts!!" Hiyaw ko pero hindi niya pa din ako binibitawan. Hanggang sa dumating na ang iba pang mga kasama niya, pati na 'yung Trevor na bastos! "Bitawan mo siya." Malumanay pero may inis na sabi nito. Nagpasalamat na lang ako sa isip ko. "Ang lakas ng loob mong suntukin ako, ah?" Lumapit siya sakin at hinawakan ang pisngi ko. Hindi ako makagalaw. Pero subukan niya lang akong bastusin ulit, makakatikim siya sakin!! "Pasalamat ka at maganda ka." Edi thank you. I'm rolling my eyes mentally right now. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko, napapikit na lang ako. At doon ko naramdaman ang napakalutong na sampal sa akin ng lalaki sa harapan ko. "Hindi lang iyan ang mapapala mo sa susunod na kalabanin mo 'ko." Iminulat ko ang mga mata ko at kita ko ang dilim ng aura ni Trevor. Pero hindi ako makaramdam ng takot. Bagkus sobrang pagkainis ang naramdaman ko. I can taste the blood on my lips. And it's pretty delicious. "I don't know what's in me right now, but all I want to do is hug you." Rinig kong sabi 'nung Trevor na ikinagulat ko. "I'm so sorry." Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Ang gaan gaan ng loob ko sa kanya. Kumalas siya sa pagkakayakap at umalis na sila, pero wala pa din akong lakas sa katawan. "Dark, puntahan mo 'ko dito." Nakipag-communicate na lang ako sa isip ko at umupo na lang na parang tanga dito. Nanlambot ang mga tuhod ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. That Trevor is really something... *** THIRD PERSON'S POV Nakatayo si Nicolo at Dark sa harap ng isang bakanteng room. "H'wag mo kaming gawing tanga." Nanggigigil na sabi ni Dark, "Kung manloloko ka, galingan mo." Tinalikuran niya si Nicolo. "Pagsisisihan mo itong ginawa mo, Calvin." Huling sabi ni Dark bago niya tuluyang iniwan si Nicolo. Si Calvin, ang childhood enemy ni Dark sa mundo ng mga wizards. Si Nicolo naman ay nakayuko lang at hindi makapaniwala sa narinig. Hindi niya alam na ganun na pala siya kahalata. Siguro nga, masyado siyang naging kampante. Hindi niya tuloy napansin na may mga tao palang dapat na pinag-iingatan. Masyado siyang nagtiwala sa sarili niya. Napasabunot na lang siya sa sarili niya. Hindi pwedeng masira ang plano niya. Bumalik naman tayo kay Dark na hinahanap na si Light. "Nasaan ka na bang babae ka?" Bulong nito sa sarili. Lubos na nag-aalala siya kay Light. Una, dahil wala sila sa teritoryo nila at pangalawa, dahil engot 'yun. Alam naman nating lahat na napaka-out of the world nun. In short, tanga. "Dark, puntahan mo 'ko dito." Napalingon lingon si Dark nang marinig niya ang boses ni Light sa isip niya. "Nasaan ka?" "Nasa harap ng isang stock room. Dark, may na-encounter akong isang grupo." "s**t! Saan 'yan? Hintayin mo 'ko dyan." Nagmadaling tumakbo si Dark sa iba't ibang direksyon. Isa lang ang nasa isip niya. Kailangan niyang makita si Light. Hanggang sa narating niya ang isang tagong parte ng school. Nagpaikot ikot siya hanggang sa marating niya ang kinaroroonan ni Light. Tumakbo siya papalapit sa babaeng nakaupo sa sahig at umiiyak. Hindi siya nagdalawang isip na yakapin ito. Alam niya kasing sa oras na iyon, kailangan siya nito. Ngunit hindi niya alam ang nangyari dito. "Anong ginawa nila sa'yo?" "D-Dark. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon." Humiwalay si Dark sa yakap at hinagod ang likod ni Light. Naghihintay sa susunod nitong sasabihin. "S-Si Trevor. Ang gaan ng loob ko sa kanya. Dark, m-malakas ang pakiramdam ko na kasama siya sa past ko." "Past mo?" Umiling iling si Light at sumubsob sa dibdib ni Dark. Patuloy ito sa paghikbi at paghagulgol. "Dark, salamat ha." Napatigil si Dark. "Salamat sa pakikinig sa tuwing kailangan ko ng kausap o kaibigan." Hindi makagalaw si Dark. Hindi siya makapaniwala na ang babaeng kakaiba sa lahat ng nakilala niya, na laging nambabara sa kanya, na nakapagpa-ngiti at patawa sa kanya, na pinangarap niya sa simula pa lang, nagpapasalamat sa kanya. Ang masakit nga lang, sa pagiging isang kaibigan lang. "D-Dark," Niyugyog ni Light si Dark. "Huy. Natulala ka dyan!" Doon pa lang ito bumalik sa reyalidad. "Ah, eh, w-wala 'yun." "Wala? Sus. If I know, iniisip mo na kung ano ang ipapabayad mo sakin eh." Napangiti na lang si Dark nang makitang bumalik na dating sigla si Light. Hindi na niya binuksan pa ang tungkol sa na-encounter niyang grupo. Tumayo siya at inilahad ang kamay niya sa harapan ni Light. "Tara na, princess?" Tinignan muna niya ito bago niya ibinigay ang kamay niya. Ngumiti siya. Sa sinabing iyon ni Dark, feeling niya, naramdaman na niyang isa siyang prinsesa. Feeling niya, natupad na ang pangarap niya na maging isang prinsesa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD