bc

Bad-a*s Wizard

book_age16+
550
FOLLOW
1.8K
READ
kickass heroine
bxg
another world
betrayal
special ability
Writing Academy
Fantasy Romance Ⅱ Writing Contest
like
intro-logo
Blurb

Ten years ago, the dark wizards took me away from my family. I was just six then, but I already knew what was going on. I was powerless then. All I did was cry.

One night, I pushed my fear away and went to the room of Spiel, the Lord of all dark creatures. We agreed about setting my parents free and in return, he’ll get to take my unfortunate life. Giving my life away for the sake of my family wasn’t a bad idea at all.

That night, he let me suffer inside a room with two monsters, torturing me all day, killing me slowly.

Until one day, a bloody news embraced the Dark Palace that made my world stop, my life became darker and more miserable than before. My parents were killed by those damned Dark Wizards. That son of a bastard, Spiel, lied to me!

A month had passed, I escaped from that dark and messed up place. I went to the Mortal World and lived there in peace with my brother.

When I was sixteen, my brother died. He was also killed.

Can I still be happy?

chap-preview
Free preview
One
“Mama! Papa!” Hinila ng isang batang babae ang matandang babae at lalaki. Nagpunta sila sa isang madilim na lugar ngunit may liwanag na nanggagaling sa isang bahay na nakatayo sa sanga ng isang puno. “Look what I did!” “Oh! It’s perfect!” sabi ng matandang babae. “Yeah, our daughter is really talented!” sabi naman ng matandang lalaki. “Let’s go inside, mama and papa!” Akmang aakyat na sila ng puno nang biglang may lumabas na dalawang nilalang doon at dinampot ang batang babae. Bago pa man makagawa ng aksyon ang dalawang matanda, nakaalis na yung dalawang nilalang na nakaitim. “s**t!” Isang malakas na kalabog ang gumising sa akin. Nalaglag ako sa kama ko, putangina! Ang weird naman kasi ng panaginip ko, may mga powers! “Hoy, hoy!” Ops. Ang Kuya kong halimaw! “May pasok ka pa.” Tumayo ako sa pagkakasalampak sa sahig at saka umupo sa kama. “Oo. Alam ko naman, e.” Tiningnan ko siya. “Pero Kuya, ang weird lang ng mga napapanaginipan ko these past few days.” Umupo siya sa tabi ko at umakbay sa akin. “Ano? Na gumanda ka? Naku, ’wag ka nang mangarap!” Hinampas ko ang kamay niya at inalis ang pagkakaakbay. “Hindi ko na kailangang mangarap maging maganda, matagal na ’kong maganda!” Tumawa siya at kinurot ako sa magkabilang pisngi. “That’s my sis!” Hinampas ko ang kamay niya at inalis sa pisngi ko. “Ano ba! Masakit!” Inirapan ko siya at pabagsak na humiga sa kama. “Pero, Kuya, seryoso. Halos araw-araw, iisang mukha lang ang napapanaginipan ko. Isang batang babae. May powers.” Kumunot ang noo ko, pilit inaalala ang mga napanaginipan ko. “Kuya, nakita ko, gumawa siya ng bahay na gawa sa bula.” Umupo ako sa kama at saka ako tumingin kay Kuya. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Hanggang sa... “HAHAHAHAHA! Bahay na gawa sa bula? Shabu pa, Light!!” Tawa lang siya nang tawa. Tangina! Akala ko naman kung anong sasabihin niya. “Teka! ‘Wag mo nang iniiba ang usapan. Maligo ka na at may pasok ka pa!” Tinulak tulak niya pa ako patayo. Napakamot na lang ako ng ulo sa inis. “Magdalena!” Tumakbo ako papalapit sa babaeng payat at mayroong hanggang bewang na buhok. “Anong nangyari sa’yo? Ba’t ka umiiyak?” “W—Wala lang ’to, Light. Hayaan mo na ako.” Nagpunas siya ng luha at pilit na ngumiti. “Halika sa chapel. May sasabihin ako.” Okay? Ngayon lang sumeryoso itong si Magda. Anong nakain niya? At bakit nga ba siya umiiyak? Nakarating kami sa chapel nang walang imikan. “Light, may aaminin ako sa ’yo.” Napataas ako ng kilay at bahagyang napalayo sa kanya. Natibo na ata siya sakin eh. “H—Hoy, Magda!” Lumayo pa ako sa kanya. “Hindi tayo talo! Alam kong maganda ako, pero magpakababae ka naman! ’Wag ako, iba na lang!” Nagulat naman ako nung bigla siyang tumawa. Gaga din ’to, e, nasa chapel kami pero kung maka-halakhak parang nasa kalye lang. “Namo! Lalaki ang gusto ko!” Hinampas hampas niya pa ako. “Sayang ang ganda ko kung magiging tibo lang ako!” Inismiran ko lang siya. Ano ba kasing aaminin niya? “Hindi, Light, ganito kasi ’yan.” Hinihintay ko lang siyang magsalita ulit. “Isa akong wizard at kailangan ko nang umalis dito sa Mortal World.” Sandali akong napatahimik. W—Wizard? “Ito. Ito ang patunay!” Inilabas niya ang isang wand. Gustong gusto kong tumawa, pero hindi ko kaya. Pakiramdam ko kasi, totoo ang mga sinasabi niya. “Maniwala ka, Light! Alam ko mukha na akong tanga. Pero, Light, totoo nga! Kahapon ko lang din natuklasan!” “Okay. Okay! Naniniwala ako.” Pinaupo ko siya sa isang upuan doon. “Naniniwala ako sa ’yo, Magda.” Medyo kumalma naman siya tapos bigla niya akong niyakap at umiyak na naman siya nang umiyak. “Aalis na ako.” Napahiwalay ako sa kanya. “Aalis?” “Oo nga! Ngayong lumalabas na ang powers ko, hindi na ako pwedeng manatili dito. Light, babalik ako pagkatapos kong mag-aral sa kabilang mundo.” “Kabilang mundo? Magda, hindi mo ba ako pwedeng isama?” “G–Gusto mong sumama?” “Oo. Pero kasi–hindi ko pwedeng iwan sina Kuya.” “Yun nga eh! Hindi ka pwedeng sumama!” Nagsimula nang uminit ang mga mata ko. Hindi ko ata kayang mahiwalay sa akin ang bestfriend kong si Magda. Hindi pupwede. “Pwedeng sumama? Kahit isang araw lang.” Pabulong na sabi ko. “Susubukan kong isama ka, Light. Mami-miss kita!” Ngumiti ako nang pilit sa kanya. “O–O. Magsisimula na ang klase ko. Una na ako, a?” Umalis na ako roon at patakbong lumabas ng chapel. Nakarating ako sa cr kaya pumasok ako sa isang cubicle. Doon ko inilabas ang sakit na nararamdaman ko. Ipinikit ko ang mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit sobrang sakit. Ganito ba talaga kasakit maiwanan ng minamahal na kaibigan? I have a feeling na naramdaman ko na ’to nang ilang beses before, pero wala akong matandaan na iniwan ako noon. ‘Light, nasaan ka?’ Napadilat ako. Ano yung boses na yun sa isip ko? ‘Alam kong malungkot ka. Pakatatag ka na lang para sakin, ha? Hindi ko naman ginusto ’to, e. Ayaw din kitang iwan. Kaya lang, baka ang pag-stay ko dito ang ikapahamak ko, e.’ Si..Magda? ‘Bestfriend, pagbalik ko, madami akong iku-kwento sa ’yo. Basta, text mo na lang ako kung gusto mong sumama sa akin.’ She can talk to me even though she’s not here? What the hell! Nagpunas ako ng luha at dali daling lumabas ng cubicle. Humarap ako sa salamin at nag-ayos. “Sasama ba ako?” tanong ko sa sarili ko. Gustong gusto kong makasama si Magda, pero paano ang pamilya ko? Ayoko din naman silang iwan. Kung pwede lang na isama ko rin sila, e. Ah, teka. Oo nga, ‘no? Isama ko kaya sila sa pupuntahan namin ni Magda? ‘Ayoko ng iniisip mo, best. Hindi pupwede.’ Ay. Kj naman neto! ‘Ikaw lang, best. Anyway, kita na lang tayo sa classroom. Five minutes lang ang itinatagal ng pagiging mind controller ko.’ Okay. Sorry na! Akmang lalabas na ako ng cr nang may malakas na hangin ang pumalibot sa akin. Napapikit na lang ako sa sobrang lakas nito. Parang buhawi ito. Napahawak na lang ako sa skirt ko kasi lumilipad lipad na ito. “You believe; you’ll know.” Isang boses. Hindi ko alam kung saan galing. Biglang humina ang hangin. Iminulat ko ang mga mata ko at napaupo na lang ako sa sobrang panghihina ko. Parang may kung anong espirito ang sumapi sa akin. “Oh my gosh! What happened to you?” Tumayo ako at pilit na naglakad palabas. Hindi ko pinansin ang maarteng Lily na iyon. Nagpunta na ako sa room. Second subject na namin. Kaagad na hinanap ko si Magda at kaagad na nilapitan ko siya. “Ang tamlay mo? May nangyari ba?” “H–Hindi ko alam.” Sabay iling ko. Yumakap ako sa kanya. Hindi ko ata kayang tanggapin lahat ng nangyari kanina. Una, wizard daw si Magda. Pangalawa, nakakausap ko siya sa isip ko. Pangatlo, inatake ako ng buhawi. At pang-apat, parang may sumapi sa akin na kung ano. “Light, nakapag-desisyon ka na ba?” Natigilan ako. “Aalis na kasi talaga kami mamaya eh.” “K–Kami? May iba kang kasama?” “Hi, ako si Silva at siya naman si Gold.” Sabay turo niya sa isang babaeng katabi niya. “Hi,” Tipid na sagot ko at tumingin kay Magda. “Best, sila ang mga kasama ko. Kahapon, nang ma-discover ko ang dalawang powers ko, bigla na lang silang lumitaw. Hindi ko nga alam kung saan sila galing, e.” bulong niya. “Bakit hindi mo itanong?” “Ay! Nahihiya ako, e.” Napalingon naman kami kay Silva at Gold nang sabay silang pumalakpak. “Kami ang spirit ng mga powers ni Magdalena. Lumabas kami kasi nailabas na niya ang mga powers niya. Anyway, sa Isolated World kami galing. Kami ang magsisilbing guide ni Magda.” “Wow. Parang mga guardian angels ko kayo?” “Yes. Guardian fairies.” Then, bigla na lang silang pinalibutan ng kung anong kumikinang then bigla silang nawala. At nalaman ko na lang na naging fairy na sila. As in, maliit na taong may pakpak. Parang si Tinkerbell ba yun? “Young lady, can we go now? Hindi kami pwedeng magtagal sa lupa. Mamamatay kami.” Maliit, matinis na boses galing sa mga fairies. “Okay. Magpapaalam lang ako.” Huminga siya nang malalim at hinarap ako. “Bye, best! See you soon.” Then, sa isang iglap, nawala na siya at ang fairies sa harapan ko. Naramdaman ko na lang na tumulo ang luha ko sa mata. “Here.” May isang lalaking nag-abot sa akin ng itim na panyo. “Crying is a sign that you’re weak.” Napayuko ako. Yeah, I’m damn weak! Pero teka.. “Kanina ka pa ba dito?” “Oo.” “Edi, nakita mo lahat?” Kumunot ang noo niya, then, bigla na lang siyang naglakad palayo. “Hey! Kinakausap kita!” Napasimangot na lang ako. Ni hindi na siya lumingon. Tsk, bastos din ang isang iyon, eh. Napatingin na lang ako sa hawak kong panyo. Inamoy ko iyon at hmm, in fairness, ha? Ang bango. Umupo na lang ako sa isang bench. Pinunasan ko yung luha ko sa mukha na medyo tuyo na. Ano bang iniiyak-iyak ko? Babalik naman si Magda, hindi ba? Nangako siya. I smiled. Masyado akong madrama. Ang mabuti pa, pumasok na lang ako sa last na klase namin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Wanted Ugly Secretary

read
2.0M
bc

NINONG III

read
379.0K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
71.6K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
187.4K
bc

The Sex Web

read
148.2K
bc

SILENCE

read
385.2K
bc

My Secret Agent's Mate

read
117.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook