Thirteen

1352 Words
LIGHT’S POV “That’s the only way to wake you up.” Hindi ko pinapansin si Dark. Nakakaasar siya. Pangatlong halik na niya iyon na ikinabigla ko. Pwede namang magpaalam di ba? Pero asa naman siyang papayagan ko siya! “Ts. I’m worried about you to death, that time,” Napatigil ako. “I have no choice.” “No choice your face!” Hinampas ko siya at nagmadali na namang naglakad. Sumusunod lang naman siya. “Tsk! Mamamatay ka na kanina, anong gusto mong gawin ko?” He shouted. Napatigil ako kasi nagtinginan na ang mga estudyante sa amin. Tsk. “I’m sorry.” Hinarap ko si Dark, “Oo na. Ang ingay mo, alam mo ‘yun?” Hinila ko na siya paalis dito at idinala siya sa garden. Maganda talaga dito sa lugar na ito. Sobrang mare-relax ang pupunta dito. “Dark?” “Hmm?” “Saan ‘yung Light World?” Naalala ko kasi ‘nung nasa game pa kami kanina. Nabanggit ni Nicolo ‘yun sa panaginip ko. “Sigurado kang hindi mo alam?” Takang tanong niya. “Magtatanong ba ako kung alam ko?” Inirapan ko siya. “Sumagot ka na lang!” “Psh.” Tumingin siya ng masama sa akin. “Ano ka ba talaga?” “Mortal na tao ako dati, ngayon ko lang nalaman na wizard ako. Kaya pwede ba, sumagot ka na lang?” “Light World? Doon nakatira lahat ng good spirits and creatures.” “Nakapunta ka na ba doon?” “Oo naman. I’m a good wizard anyway.” Tumingin siya sakin. “Bakit mo naman naitanong?” “Wala naman.” Umiwas ako ng tingin at tumayo na. “Tara? Taguan tayo?” “Nababaliw ka na ba?” “Dali na!!” Hinila hila ko ang sleeves niya, “Magbilang ka ng sampu.” Pero bago pa siya nakapag-react, tumakbo na ako palayo. Napadpad ako sa isang malaking bato. Parang ‘yung bahay ni Patrick sa Spongebob Squarepants. Sumandal ako doon at hinihintay si Dark pero nagulat ako nang biglang nahawi ‘yung sinandalan ko at nagkaroon ng entance ang malaking bato. Parang cave na siya. Dahan dahan akong pumasok at narinig ko na lang ang pagsara nito. Pagtapak na pagtapak ko sa loob, biglang bumukas ang ilaw. “Hello? May tao ba dito?” Pero walang sumasagot. Nakailang hakbang pa ako hanggang sa naramdaman ko na may tumutok na kutsilyo sa leeg ko. “H–Hey.” “Sino ka? Paano ka nakapasok dito?” “Bitawan mo muna kaya ako?” Inis na sabi ko. Bumitaw naman siya. Hinarap ko siya at napangiti ako sa ganda niya. Mukha siyang barbie. “I’m Light.” “Hmm, naririnig ko ang pangalan mo.” Ngumiti siya at tumingin sakin, “Ikaw ‘yung girlfriend ni Dark, the great!” “Ah..” What did she say? “Hindi ko--” “Anyway, walang makakaalam sa lugar na ito, ha?” Pagputol niya sa sasabihin ko. Hinila niya pa ako paupo sa isang upuan. “I’m Martini Lee. Kapatid ko ang may-ari ng school.” “Ah. Kaya pala may bahay ka dito.” “Yes. It’s a secret place! Lagusan din ito papunta sa dalawang mundo.” Tumango na lang ako kahit na hindi ko maintindihan. Kumuha siya ng juice sa ref niya at inabot sakin. “Thanks. Sorry ha. Hindi ko alam na bahay pala ‘to.” Paghingi ko nang paumangin. Tumango lang naman siya at ngumiti. Ilang sandali pa, nakarinig kami ng tatlong katok mula sa itaas. “Nandito na ‘yung bisita ko. Ipapakilala kita ha.” Tumango lang ako at inubos na ang juice ko. Inilibot ko ulit ang tingin ko, maganda naman ang bahay. Parang normal na bahay lang ito pero cool, kasi para siyang bato sa labas. Inspired siguro siya kay Patrick the Star. Narinig ko ang mga yabag nila pababa ng hagdan at mabilis na nagpunta sila sa harapan ko. “Light, ito nga pala si Mag--” Pinutol ko ang sasabihin niya nang makita ko kung sino ang kasama ni Martini. “Magda? Omg. Magdalena!! Nandito ka!” Tumayo ako at yumakap sa kanya. “Oh my God. Paano ka nakapunta dito, Light?” Gulat na tanong niya. “Isa din akong wizard, gaya mo! Kamusta ka na? Saan ka nakatira?” Humiwalay ako sa kanya. “Nasa Light World ako. Doon na ako nakatira.” Nakangiting sabi niya. “Ikaw? Saan kayo nakatira?” “Sa apartment lang malapit sa school. Kasama ko si Kuya Rocky,” Tumango siya at umupo sa tabi ko. “Magkakilala kayo?” Takang tanong sa amin ni Martini. “Yes. Mag-bestfriends kami niyan!” Nakangiting sabi ni Magda. Pero kaagad din siyang natigilan. “May dark wizard ba dito, Mart?” “Ha? Wala man.” Sagot ni Martini tapos nagkatinginan sila ni Magda. Then, tumingin ulit sakin si Martini at pilit na ngumiti. “Ah, Light, may pupuntahan pa kasi kami ni Magda.” “Oh. G–Ganun? O sige, una na ako. Balik na lang ako, ha.” “Oo naman! Sige, bye! Nice meeting you! ^____^” “Bye, Light! Na-miss kita!” Ayoko pa sanang umalis pero nakakahiya naman. Pinagbuksan ako ni Martini ng pinto at lumabas na ako. Nakangiti kong tinungo ang daan pabalik kay Dark. Nadatnan ko naman siya sa ilalim ng puno na nakasandal at pikit. Umupo ako sa tabi niya. “Dark, wala ka bang balak pumunta sa Light World?” “Bakit, gusto mong pumunta?” Hindi niya pa din minumulat ang mga mata niya. “Pwede kitang isama.” “Talaga? Nandoon kasi ‘yung bestfriend ko. Doon siya nakatira.” “Pwede ka naman makapunta doon. Basta ba isa kang good wizard eh.” “Mabait naman ako ah.” Naka-pout na sabi ko. Tumawa naman siya. “Hindi ‘yun ang ibig kong sabihin. Nasa dugo kasi ‘yan.” Iminulat niya ang mga mata niya at tumingin sakin. “Pagka-graduate natin, pwede mo nang malaman kung anong klaseng wizard ka. At pagtapos ‘nun, pwede ka nang tumira doon.” Tumango ako at ngumiti. Ano naman kayang gagawin ko sa Light World kung nagkataon? “Okay. Thanks sa info.” Sumandal na din ako sa puno at ipinikit ang mga mata ko. Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Ewan, ganito siguro talaga kapag bored. “Dark, Light! Tawag tayo sa office. Tara.” Pagkamulat ko ng mga mata ko, bumungad sa akin ang mukha ni Nicolo. Naitulak ko tuloy siya. Sobrang lapit kaya ng nukha niya. Tumawa siya, “Alam kong ayaw mo sakin, pero ipipilit ko ang sarili ko sa’yo.” At kumindat pa siya. Grabe na ‘to!! Humawak sa braso ko si Dark at inalalayan akong tumayo habang pangisi ngisi naman si Nicolo sa tabi. Naglakad kami papunta sa office at nakita si Mr. Lee na nakaupo sa swivel chair. “Kayong tatlo, bibigyan ko kayo ng misyon.” Inabot sa amin ni Mr. Lee ang isang transparent na papel. “Ano ‘to?” Inis na tanong ni Dark. “Isa ‘yang letter na nagpapatunay na inutusan ko nga kayo.” Ngumiti siya. “So, ang misyon niyo, hanapin niyo ang Light Princess. May nababalita kasing buhay siya.” Ngumiti pa ng mas malapad si Mr. Lee. “At kapag nahanap niyo, I’ll give you the wand that you want.” “W–Wand?” (Ang wand ang parang pangarap ng wizard na makuha. Parang trophy ito sa kanila. Achievement sa mga wizards ang makakuha ng wand.) “Yes. The gold one.” Nagningning ang mga mata ‘nung dalawa, habang ako, walang pakialam. “Mission accepted.” Matapang na sabi ‘nung dalawa. “Then, sign this and your finger prints needs here.” Isa isa kaming nag-sign at naglagay ng finger print namin. “It is settled then. Find her, kahit saan. Basta ang importante, ang totoong princess ang maidala ninyo.” ***** Kinausap namin sina Red, Nat at Blue. Pinapabantay at pinapahanap namin sa kanila ang prinsesa dito sa Mortal World. Habang kami naman, nagbabalak na pumunta sa Light World. “Hindi madaling makapunta doon.” Sambit ni Dark. “Pero sa tulong ni Lee, baka mapadali.” “So, kailangan natin siyang lapitan?” Si Nicolo. “Hindi, layuan natin. Common sense, dude.” At nagtitigan ng masama ang dalawa. Pumagitna na ako sa kanila. “Tara na!” Tumango naman sila at nakisabay na sa akin sa paglalakad. Nakarating kami sa office at nadatnan namin doon si Martini, kasama si Magda. “Magda!!” Tawag ko pero hindi niya ako pinansin. “Magdalena! Uy!” Sinubukan kong hawakan ang braso niya pero iwinaksi niya lang ang kamay ko. A–Anong nangyayari sa kanya? “Ah, kailangan namin ng madaling paraan para makapunta sa Light World.” Then, inilabas ni Nicolo ang katibayan na may permisyon kami ni Mr. Lee sa gagawin namin. Napatingin ako kay Magda, pero wala siyang kibo. Lumayo na lang ako sa kanya. Gusto ko na ngang umiyak, as in now na, pero pinigilan ko. Ayokong makita nila ang ka-dramahan ko. “Sa mini forest. Makikita niyo ang water isa pang falls doon. 2 drops lang ng dugo niyo ang kailangan sa tubig para makapag-teleport kayo.” Nagpasalamat kami at umalis na. Pero hindi mawala sa isip ko si Magda. Bakit ganun siya? Bakit hindi niya ako kinakausap? Galit kaya siya? “Hey, bakit ka umiiyak?” Napapunas ako sa luha ko. Hindi ko namalayan, tumutulo na pala ang luha ko. “W–Wala.” Binilisan ko ang paglalakad ko at nagtungo na sa mini forest. “Is it because of that Magda?” Tanong ni Nicolo. Tsismoso din siya eh no. Umiling ako, “Napuwing lang ako.” “Sus! Lokohin mo lelang mo!” Inirapan ko lang siya. Pero nagulat ako nang biglang hinila ni Dark ang kamay ko at niyakap ako. “Iiyak mo lang lahat. Basta pagkatapos nito, ayaw na kitang makitang umiiyak, ha?” And because of that, my tears started to fall. Yumakap na ako kay Dark at umiyak na lang ng umiyak. Bakit ganun si Magda? Hindi naman siya ganun eh. Nasaktan talaga ako sa ginawa niya kanina. After 5 minutes ng pag-iyak, humiwalay na ako kay Dark at ngumiti. “Ayos na ako.” Nag-thumbs up ako, “Tara na. Excited na ako sa Light World.” ***** Nandito kami ngayon sa harapan ng water falls. Ini-ready ko na ang kamay ko at sinugatan ito. Nagpatak ako sa tubig ng dalawang drops ng dugo at naramdaman ko na lang na wala na ako sa tubig. Nang ilibot ko ang mga mata ko, nasa harapan kami ng napakataas na gate. “Welcome to the Light Kingdom?” Basa ko sa nakasulat sa gate. “Dito na ba ‘yun?” “Oo. Hihingi tayo ng permiso sa hari sa pagtulong sa paghahanap sa prinsesa.” Lumapit kami sa gate at kinausap namin ‘yung guard at ipinakita ang transparebt na papel na dala namin. Mabilis na pinapasok naman kami ‘nung gurad. Pero ang nakakailang lang, nakatingin sa akin ang mga guards na parang isa akong kriminal. “Kasama niyo ba ang babaeng ‘to?” “Uh-huh.” Sagot ni Dark at saka ipinakita ang mga finger prints. “Kung gusto ninyo, i-check niyo pa.” “Hindi na, Dark. Basta siguraduhin mo lang na walang mangyayaring masama sa loob, ha.” “Of course. Isa ako sa mga loyal dito eh.” Inis na sabi ni Dark at nagsimula na nga kaming maglakad papasok. Ang lawak ng lugar na ito. Sobrang ganda. May mga fairies na lumilipad, iba’t ibang klase ng hayop at mga batang wizards na naglalaro ng mga powers nila. Nilagpasan namin sila at pumasok na sa parang kastilyo. Hinarangan kami ng isang lalaki at tinanong kung anong sadya namin. At pagkatapos ay pinapasok na kami sa isang kwarto. Ilang oras ng paghihintay at nagsimula na akong mainis. “s**t lang! Wala bang balak na magpunta dito ang Reyna at Hari?” Pero pagkasabi ko ‘nun, may isang guard na nakalapit na sa akin at tinutukan ako ng patalim sa leeg. Napatayo naman si Nicolo at Dark. Nang mapalingon ako sa may pinto, nakatingin lang sa akin ang dalawang matanda—ang hari at reyna. “Iwan ninyo kami.” Seryosong utos ‘nung Hari. Wiw. Nakakatakot. “Opo.” Sagot naman ‘nung mga nakasunod sa kanya pati na mga guards at lumabas na. Nakangiting lumapit naman ang dalawa sa amin at umupo sa mga special chairs nila. Gusto ko tuloy mahiya. Hindi ba sila galit? “Anong sadya ninyo, mga batang wizards?” Napalunok muna ako ng dalawang beses at inabot ang transparent na papel. “Iyan po ay ipinapabigay ni Mr. Lee sa inyo.” “Mr. Lee? Ang nagmamay-ari ng mataas na paaralan ng mga Wizards, tama ba ako?” Ang Reyna. “Opo.” Nahihiyang sagot ko. “Ah, tungkol po kanina, pasensya na po, m–mahal na Reyna at Hari.” Tumawa naman ang Reyna, ‘yung mahinhin habang ngumiti sa akin ‘yung Hari. Gusto kong isiping nababaliw na sila pero hindi naman siguro. “Ayos lang iyon, binibini. Natuwa pa nga kami sa iyo eh.” Natuwa? Naka-shabu ba ang hari? “Ganyan na ganyan kasi noon ang anak namin. Naalala ko pa nga noon, nasa pito palang siya, pero napaka-mainitin na ang ulo.” Tuwang tuwa na sabi ng Reyna. Nakitawa na lang kami at nag-kwento pa sila. Napangiti na lang ako kasi hindi pala ganun kasungit ang Hari at Reyna. Hindi katulad ng inaakala ko. Ilang sandali pa, pumirma na ang Reyna at tinanggap ang pagtulong namin. “Salamat sa inyo.” “Opo. Babalik na po kami sa Mortal World.” Si Nicolo, “Pero babalik po kami dito o sa Dark World upang hanapin ang nawawalang prinsesa.” “Maraming salamat sa pagtulong ninyo. Pero hindi niyo na kailangang magpunta sa Dark World at Dark Palace. Masyadong delikado doon.” Napangiti ako kasi inaalala pa din ng Reyna ang kalagayan namin kahit na anak na niya ang kapalit. “Salamat po, pero tungkulin po naming paglingkuran kayo. Hahanapin po namin ang anak ninyo, kahit na ikamatay pa po namin.” At sa sinabing iyon ni Dark, parang sumagi sa isip ko ang mga salitang, Sana ako na lang ang Prinsesa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD