Fifteen

890 Words
LIGHT’S POV “H’wag kang magtiwala basta. Tulad ni Nicolo, naloko ka niya, hindi ba?” Nasabi nga pala sakin ni Dark na isang Dark Wizard si Nicolo. Kalaban siya ng Light Kingdom. Ewan ko pero parang bigla akong nainis. Masyado akong affected sa mga nais magpabagsak sa Light World. Ayokong masakop ito ng kadiliman. “Si Nicolo ay si Calvin. He’s a dangerous wizard. Mami-meet mo ulit siya, kapag naging parte ka na ng Light Kingdom.” “Hindi na siya papasok?” “Yeah. Alam niyang magiging delikado na ang buhay niya dito. Mas pro sa Light World ang school na ito eh. Pero nagpapapasok naman sila ng mg Dark Wizards.” Hindi na lang ako sumagot. Naisip ko lang, baka mahirapan kami. Dalawa na lang kaming gagawa ng misyon! Naglakad na kami ng sabay papunta sa playground. Break time namin ngayon. Excused kami sa klase namin ngayon. “Kyaah! May bagong pogi!” Nahiya naman ako sa lakas ng boses ni Ate. Teka, bakit may mga estudyante dito? Tsk. Oras ng klase eh! “Oh? Sino? Sino?” “Si Prince Xander Vega daw!! Waah! Ang alam ko, galing sa Light World ‘yun!” Inis na tumayo na ako at ngumuso kay Dark. Hindi ko mapigilang hindi mag-pout. “Ha? Gusto mong kiss?” Sinapok ko nga. “Hindi!” Nag-pout ulit ako. “Ang ingay nila. Nakakairita!” Tumawa naman siya, “May bago nga kasing estudyante. Si Xander.” Xander? Sino na naman iyon? Jusko. “Soon to be prince sa Light Kingdom iyon. Secret lang ‘yun kaya shh ka lang.” Tapos ay ngumisi siya. “Oh? Talaga? Tara tignan natin!” Akmang tatakbo na ako nang hilain niya ako at pinaupo sa tabing swing niya. “Mas gwapo ako ‘dun!” “Tigas ng mukha!” Tumawa naman siya kaya natawa na din ako. Loko talaga siya! “Pero seryoso, prinsipe siya?” “Oo nga. Baka ipinadala siya ng Reyna para hanapin ang prinsesa.” “Edi ibig sabihin, siya ang mapapangasawa ng prinsesa?” “Hindi rin. Basta, tumayo ka na diyan at papasok na tayo.” **** Nandito kami ngayon sa cafeteria kasama ang tatlong elemental user at ang prinsipe. Kasalukuyan nila akong pinapakilala dito. “Hi! I’m Xander.” “Light.” Nag-shake hands kami. Wow, ang lambot ng kamay niya. Nagulat naman ako nang pinaghiwalay ni Red ang kamay namin at patawa tawa pa. “So, you’re Dark’s girl?” Kaagad na pinamulahan ako ng mukha at mabilis na umiling. “Naku! Hindi. Nagkakamali ka!” Tango lang naman ang isinagot niya pero alam kong hindi siya naniniwala. Sumubo siya ng spag, “So, friends lang talaga kayo?” “Oo naman!” “Talaga? Hindi pa kayo nag-kiss?” Napaubo naman ako sa tanong niya. Ano ba itong Xander na ‘to! Grabeng magtanong eh. “Eh kasi--” Nagulat ako nang biglang hinarap ako ni Dark sa kanya at inilapat ang labi niya. “Shut up.” Inis na sabi niya at tumayo na at nag-walk out. “E–Excuse me.” Nakayuko kong paalam sa sobrang kahihiyan. Tumakbo na din ako para habulin si Dark pero nakalayo na siya. Tsk. Humabol pa ako ng humabol sa kanya. “Dark!! Huy!” Pero hindi siya lumilingon. Aba!! Binilisan ko ang pagtakbo at hinawakan siya sa braso, “Remember, rule no.1?” Napatigil siya at humarap sa akin. “Ano bang problema mo?” “Problema ko? Ikaw!” Tinaasan niya ako ng kilay. “Dark, nakakainis ka kasi eh! Parang wala lang sa’yo sa tueing hinahalikan mo ‘ko!” “Anong ibig mong sabihin?” “Ginagawa mong katuwaan ang paghalik! Nakakainis ka! Ang sama mo!” Pinaghahampas ko na siya sa dibdib. Nung una, hinayaan niya lang ako, pero pinigilan din niya at niyakap ako. Nakasubsob lang ang mukha ko sa dibdib niya. Pumikit ako at bumuntong hininga. Ano ba naman ‘tong nararamdaman ko? Humiwalay siya sakin at tinignan ako sa mata. “Katuwaan? Mukha bang katuwaan ‘to?” At nagulat ako nang inilapit na naman niya ng mukha niya sakin at hinalikan. “Ang halik na iyon ay paghingi ng sorry.” Hinalikan niya ulit ako, “‘Yun naman ay ang congrats kiss.” Ngumisi siya at humalik na naman, “Ito naman, friendly kiss.” Gulat na gulat ako sa ginagawa niya. Humalik na naman siya, “Ito naman ang kiss kapag humahanga.” At ang huling halik naman ang ibinigay niya, “At ito ang halik na may halong pagmamahal.” Ni hindi ako makagalaw. Ano bang ginagawa niya? “Sabihin mong gusto mo din ako at ipapakita ko naman sa’yo ang totoong halik.” Napakurap ako. Si Dark ba talaga ang kaharap ko? O si Jelo? “I guess silence means yes.” Inilapit niya ang mukha niya sakin at binigyan ako ng isang napakatamis na halik. As in ramdam ko na totoo iyon. Na may gusto itong iparating. Naramdaman kong tumulo ang luha ko sa pisngi ko at pumikit. I like him na nga ata. Humiwalay siya sakin at ngumisi. “Ngayon, alam mo na ang pagkakaiba ng mga halik?” Namula naman ako at pinaghahampas siya. Grabe siyang humalik! “Gago ka ba? Rule no.2!!” Tumawa naman siya at kinurot ang pisngi ko. “You’re really cute.” Ngumiti siya, “Alam ko ‘yun. No boyfriend.” “Oo nga! Eh bakit ginawa mo ‘yun?” “Ang alin?” “Ah, y–yung..” Sinamaan ko siya ng tingin. Tumawa naman siya. “I like you.” Grabe, talagang diniretso niya? “But I’m not asking you to be my girlfriend.” Inirapan ko lang siya. Oo nga naman. Masyado kang assuming, Light. “But I can erase that rule on your list.” Ngumisi siya. “Gusto mo?” “A–Ano ba!” Sinamaan ko siya ng tingin. “H’wag mo nga akong kausapin!” Naglakad na ako ng naglakad hanggang sa nakarating ako sa mga nagbubulungan na babae. “Tsk. Bakit hindi na lang ako ang ligawan ni Dark? Eh ako naman ang first kiss niya.” Isang boses ng babae. “Talaga?” “Oo naman! Hinalikan niya ako.” Nag-init naman ang ulo ko doon. Aba, napaka-babaero naman ng Dark na iyon! Bumalik ako sa classroom, nakasalubong ko si Dark pero hindi ko siya pinansin. Pabagsak akong umupo sa upuan ko. Nakita ko namang tumabi sakin si Dark. “Ano bang problema?” “Ang kalandian mo.” Inirapan ko siya. “Ano na namang ginawa ko?” “Itanong mo sa sarili mo!” Hinarap ko si Red na nagbabasa lang ng libro. Ang sipag ah. “Uy.” Kinulbit niya ang braso ko. “Light naman. Anong ginawa ko?” “Itanong mo ‘dun sa putanginang first kiss mo!” Inirapan ko siya ulit at nakita ko namang napatingin sa akin ‘yung tatlong elemental user. Nagulat ako nang nagtawanan sila, habang si Dark naman, nakabusangot. “Tinanong ko naman na eh. Ayaw mo namang sagutin.” “Bakit ako ang sasagot?” Tinaasan ko siya ng kilay. “Eh ikaw ang first kiss niya.” Natatawang sabi ni Blue. Napatingin ako kay Dark at pulang pula na siya. Habang ako, hindi makapaniwala at hiyang hiya na dito. Oh please, sana lamunin na ako ng lupa ngayon! **** “Hi, Prince Xander!” Masayang bati ko sa prinsipe. “Hi, Liwanag.” Nakangiting bati niya. Nginitian ko na lang din siya bago kami lumabas ng gate. “Sa tingin mo, Dark, mahahanap ang prinsesa?” Napatingin sakin si Dark. “Siguro.” Tumingin na lang ako sa dinaraanan namin. Kanina ko pa ramdam na may sumusunod sa amin eh. “Dark, sigurado kang hahatid mo ako sa bahay?” “Oo sabi eh.” “Bakit ba ang sungit mo?” “Tss.” Nag-irapan naman kami. *bzzt* Ang phone ko. Pagtingin ko, tumatawag si Kuya Rocky. (“Light, hindi ako makakauwi. Ingat ka sa bahay ah. Bye.”) “Bye.” Tinignan ko ang notification bar pero naka-lock ang phone ko. Tinignan ko nga ng masama ang lecheng Dark na ‘yun! Tss. Natigil kami sa harap ng bahay. “Ingat ka dyan.” Humalik siya sa noo ko. “Aalis na ako. Hinihintay na ako ni Ytan eh.” Tumango lang ako at pinagmasdan siyang maglakad palayo. Nang nawala na siya sa paningin ko, “Lumabas ka na sa pinagtataguan mo kung ayaw mong maging abo.” At sa isang iglap, may isang lalaking nagpakita sa harapan ko. “Patawad. Nautusan lang ako.” Nag-bow pa siya. “Night?” Ngumiti siya. “Kilala mo pa pala ako.” “Makakalimutan ko ba ang lalaking nanguryente sakin?” Tumawa siya, “Trip lang kita ‘nun.” Tinanguan ko siya, “Trip your face!” Nginitian niya pa ako bago nawala ulit. Pero teka, may hindi ako natanong! Sinong nag-utos kay Night? At ano ang inuutos sa kanya? * THIRD PERSON’S POV Sa Dark Palace.. “Lord Spiel..” Nag-bow ang isang binata sa harapan ng kinikilalang Hari ng Dark Palace. “Sa tingin ko, nahanap ko na ang prinsesa.” “Ang dark princess? Tumayo ang binata at masayang ngumiti. “Opo.” Tumayo ang hari. “Iharap mo siya sakin, Trevor.” Humalakhak si Lord Spiel, “Dapat lang na mauna nating makita ang prinsesa natin bago pa makita ng kabilang kaharian.” “Alam ko po ang tungkol doon.” Yumuko ito. “Ihaharap ko po siya sa inyo.....ama.” “Magaling. Pagbutihin mo, anak.” Nangingiting umalis si Trevor sa harap ni Lord Spiel. Masaya siya na tinawag na siyang muli na anak ng kanyang ama. Sa kabilang dako, nagkakagulo ang mga Good Wizards sa Light Palace. “Mahal na Hari at Reyna, makikita na nila ang kanilang prinsesa. Hindi pwedeng mangyari iyon! Mamamatay tayong lahat.” Hinaharangan ng mga guards ang mga wizards na pilit kumakausap sa Hari at Reyna. “H’wag kayong mag-alala, mga kasama! Ipinadala na namin sa Mortal World ang isang magiting na prinsipe. At ang mga magagaling na wizards naman ay naghahanap na sa iba’t ibang mundo.” Nagbulungan ang lahat pero kumalma din naman. “Makikita din natin ang ating prinsesa. Pangako. Magtiwala lang kayo.” Nagsialisan na ang mga tao ng payapa. At umaasa na maaayos ang lahat. Mahahanap din ang prinsesa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD