Sixteen

1782 Words
LIGHT'S POV Kanina pa kami nakatanga dito pero mukhang walang balak na pumasok ang teacher namin. "May balak bang dumating 'yung teacher natin?" Inis na tanong ko. "Lahat ng staffs busy ngayon. May nangyari kasi ata sa Light World." Sagot naman ni Blue. Napa-tsk na lang ako at tumayo na. "Where do you think you're going?" Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Dark. "I need to unwind." I simply answered. "I'll accompany you." Akmang tatayo na siya nang hinarap ko siya. "No!" Kumunot ang mga noo nila. "Fire lock!!" Then napalibutan sila ng apoy sa katawan nila. Don't worry, it won't harm them. Malo-lock lang ang katawan nila for 30 minutes. "Bye! See you later, guys." Tinalikuran ko na sila at naglakad na palabas. Dumiretso ako sa mini forest. Hindi ko alam kung bakit dito ako nagpunta. Patuloy lang sa paglakad ang mga paa ko, papasok sa forest na ito. Napatigil ako nang maramdaman kong may mga matang nakasunod sa akin. Pasimple akong lumingon at inilibot ang tingin ko. Napangisi ako nang makita ko ang isang taong nakaitim na nagtatago sa may puno. Napailing na lang ako at nagkunwaring walang nakita. Nagsimula ulit ako sa paglalakad hanggang sa nakarating ako sa pusod ng gubat. At ramdam na ramdam ko pa din na may nakasunod sa akin. This time, nakaramdam na ako ng inis. Talaga bang hindi ako titigilan nito? Habang naglalakad ako, bumuo ako ng apoy sa kamay ko. Sa kabila naman, tubig ang inipon ko. Kung gagamitin ko ito sa kanya, malalaman niyang hindi ako ordinaryong wizard. Pero hindi naman niya masasabi sa iba kasi tatapusin ko na siya ngayon din. Seriously, napapahalakhak ako sa isip ko sa mga iniisip ko. Nang mabuo ko na ang dalawang bola na magkaibang elemento, tumira ako patalikod. Una kong pinatamaan 'yung puno gamit ang apoy ko. Diretso itong nasunog at naging apoy. Lumingon ako at nakita ko ang takot na takot na nilalang. Sino ba kasi 'to at sinusundan ako? Hinagis ko na din 'yung water ball ko sa kanya at tumama naman ito sa mukha niya. Nalulunod na siya ngayon. Napangiti na lang ako. Ang saya nito. Akmang tatalikuran ko na siya nang marinig kong umungol siya. Napailing na lang ako at nilapitan siya ulit. "Ikaw kasi eh," I snapped then nawala na 'yung tubig na nanlulunod sa kanya. Naghahabol na siya ng hininga ngayon. Pero bago ako umalis, ibinaba ko ang takip niya sa bibig at nagulat ako sa nakita. "Night?" Napa-wtf na lang ako. "s**t, bakit mo ako sinusundan?" "Y-You are t-the one." Then, nawalan na siya ng malay. Tss. Anong I'm the one?!! At dahil wala akong time i-cpr siya at sa bugtong niya, iniwan ko na siya doon mag-isa. Ginamit ko ang air power ko parang magpalutang lutang habang patapak tapak ako sa mga sanga. Masaya sa feeling. Parang naglalaro lang. Pero sa sobrang enjoy ko, hindi ko napansin, wala na pala akong sangang tatapakan dahil may dagat na dito sa dulo. Ayan tuloy, napasobra ako ng lipad. At dahil nag-panic ako, hindi ko nagamit ang power ko at nalaglag ako sa tubig. Emeged. Basang basa na tuloy ako. "Hey," Napatingin ako sa nagsalita. Nakaupo siya sa malaking bato na nasa tubig lang. May maliit na osong nakakapit sa balikat niya. "Don't hey me!" Inirapan ko siya at nagsimula nang maglakad papunta sa part na walang tubig. Umupo ako sa ilalim ng puno at sumandal ako. Napagod ako ah. "Wait," Napatingin na naman ako dun sa lalaki. "You are the one!" Nakangiting wika nito sakin. Ano daw? Pangalawang beses ko nang narinig 'to ngayong araw ah. "W-What?" Takang tanong ko. Nagulat naman ako nang lumapit siya sakin at hinila ako payakap sa kanya. "Welcome back!!" Itinulak ko siya. "What are you talking about?" Iritableng tanong ko. "Feeling close! Tsk." Narinig kong tumawa siya. In fairness, ang cool niyang tumawa. "I'm Tamaki, my princess," At yumuko ito bilang paggalang. Whoa, feeling ko lumulutang ako kapag tinatawag akong princess. "And I'm Light," Nakangiting pagpapakilala ko. Feel kong matawag na princess. Enebe. "I know." Sagot niya. Nangunot naman ang noo ko. "Alam mo? How?" I heard him chuckle, and it's cute. "It's not important anymore." He answered, "The thing is, I found you already." Feeling ko kinilig ako sa sobrang lambing ng boses niya. Bakit kaya si Dark hindi ganito kalambing? Ang cute kaya niya kapag ngumiti. Siguro, mas cute pa dito kay Tamaki. BUT WHY THE HELL I'M COMPARING THIS CUTE TAMAKI TO THAT DARK? AND WHY AM I THINKING ABOUT HIM? Bakit nasama siya dito? I smiled at Tamaki, "Then, you're searching for me?" "Yes. I'm searching for you, Dark Princess." Then his smile turns into a delevilish one. Napaatras ako. "I-I'm not t-that Dark Princess!" Hell, what is he talking about? He stepped forward. Umatras naman ako. Hindi na pala siya cute. Nakakatakot n ang aura niya. "Yes, you are." Sumeryoso na 'yung mukha niya. "Come with me. I'll show you your kingdom." "My k-kingdom?" Sinamaan ko siya ng tingin. "You're insane!!" "Just come, dear," Malambing na sabi nito. Umiling ako. "Please..." "No! Go away!" Sigaw ko sa kanya. Umatras pa ako ng umatras hanggang sa naramdaman ko na tumama ang likod ko sa puno. "Hindi ako sasama sa'yo, jerk!" Nakita kong nangunot ang noo niya at mabilis na napayuko. "I'll respect your decision, my princess," Naramdaman kong lumapit siya sakin. Hinawakan niya ang pisngi ko at hinaplos ito, "But if you change your mind, just call my name and I'll be there," At naramdaman ko ang mabilis na paglapat ng labi niya sa labi ko. I can feel his emotions. Parang may gusto siyang iparating sa akin. At parang may something na nagsasabi sakin na dapat ko siyang pagkatiwalaan. Napaupo ako sa sobrang panlalambot ng mga tuhod ko. Hinawakan ko ang labi ko at ipinikit ang mga mata. Hanggang ngayon ramdam ko pa din ang halik ng lalaking iyon. Pero bigla namang pumasok sa isip ko sina Dark na nag-aalala na sakin. Napayuko ako. "Sorry, Tamaki, pero hindi talaga ako makakasama sa'yo." Bulong ko. Alam ko namang hindi niya ako maririnig kasi kanina pa siya umalis. Tsk. Sumisikip ang dibdib ko sa nangyari. Bakit kasi kailangan kong mamili eh? "Dark, don't worry about me. I'm fine." I tried to talk to dark at the back of my head but he is not responding. Napabuntong hininga na lang ako at tumayo na. Pero may naramdaman akong mabalahibo na nakayakap sa paa ko. Pagtingin ko, nakahinga ako ng maluwag. Isang cute na cute na oso pala. Kinuha ko ito at ipinatong sa balikat ko. Siguro iniwan ito ni Tamaki sakin para maalala ko siya kahit saan ako magpunta. Napangiti na lang ako. "What's your name?" I asked, at alam kong walang sasagot. "I'll call you Maki, short for Tamaki. Isn't it cute?" Naramdaman kong sumagot siya ng oo sakin. Oo, maniwala kayo. Narinig ko nga. Um-oo siya. =_______=++ * THIRD PERSON'S POV Matapos makawala ng apat na elemental user sa apoy, tumakbo kaagad sila palabas ng room upang hanapin si Light. Anyway, 10 minutes lang siguro sila na-lock dahil may mga babaeng tumulong sa kanila parang makaalis ng mas mabilis. Wala eh, gwapo eh. "Saan pa ba pumupunta si Light?" Galing na silang playground pero walang Light doon. Kaya naman naisipan ni Dark na sa huli nilang pinuntahan sila pumunta. Sa mini forest. Tumakbo sila ng tumakbo, lalo na si Dark. Napailing na lang ang tatlo sa sobrang pag-aalala nito sa dalaga. Nakarating sila sa pusod ng kagubatan at nakita nila ang isang lalaking may kasuotang itim na nakahiga, basa ang damit at walang malay. Nakita nila ang abo malapit dito kaya lalong nangunot ang nga noo nila at nilapitan ito. Pinulsuhan nila ito at nalamang buhay pa ito kaya dali dali nila itong binuhat. "I think I know this guy." Sabi ni Dark nang mapadako ang tingin niya sa mukha ng lalaki. "N-Night?" "He needs an oxygen." Sabi naman ni Blue na alam na ang nangyari sa lalaki. "Dark, ikaw ang bahala dyan." "Wait, what? Me?" Takang tanong niya. "Air power," Sabay sabay na sambit ng tatlo sa kanya. "CPR! CPR!" Sabi nila at nagtakbuhan dahil malilintikan talaga sila kay Dark. Wala namang nagawa si Dark kung hindi gisingin ang lalaki. Dahil unang una, alam niyang sinundan nito si Light dito kaya siya napadpad dito. Pero ang tanong sa isip niya, sino ang may gawa sa kanya 'nun? Hindi naman pwedeng si Light kasi.. Itinapat ni Dark ang kamay niya sa bibig ni Night. Nang matapos ang pag-fill ng hangin, nagising ito at umubo. "Dark? *cough* "Find her. She's the one." Naguluhan ako sinabi niya. Nakita kong umupo siya at sumandal sa isang punong malapit. "I'm dying." Nagulat si Dark sa sinabi ni Night, "Sorry but I need to go." At bigla na lang itong nawala sa harapan niya. Hindi niya alam kung anong iisipin niya sa inasta ni Night. At lalo siyang nainis nang ma-realize niyang wala palang kwenta ang pagbigay niya ng hangin sa lalaki. Ni hindi niya natanong dito kung nasaan si Light eh. Tsk tsk. Kawawang bata. ** LIGHT'S POV Naramdaman kong bumaba si Maki mula sa braso ko at tumakbo nang tumakbo. Sumunod naman ako. Hanggang sa nakarating kami sa tubig na siyang ikinatakot ko. Baka malunod ako! "Maki, wait up!" Sigaw ko. Huminto ito saglit at lumingon sakin. Iwinagayway niya lang ang kamay niya at nagtatakbo na ulit sa tubig. At ang nakaka-amaze pa, hindi siya lumulubog. Para siyang lumulutang sa tubig. Kaya naman sinubukan ko na din. Malay mo lumutang din ako sa tubig. Tumakbo ako papalapit sa tubig at hinabol na si Maki na nasa kalagitnaan na ng...dagat? At tulad ng nangyayari sa kanya, nakakaapak ako sa tubig na parang nasa lupa lang ako. Tumigil si Maki sa harap ng isang falls. Napatigil din ako at napa-nganga sa sobrang ganda. "Ang ganda! Paano mo nalaman ang lugar na ito, Maki?" Pero nagulat ako nang tumalon si Maki sa tubig galing sa falls at bigla na lang nawala. Nag-panic naman ako kaagad. Saan na napunta iyon? Bigla kong naalala, falls din ang nagsilbing lagusan namin para makapunta sa Light World. Ibig sabihin, kailangan kong magsugat. Nilaslas ko ang pulso ko at naramdam kong pumatak ang itim na dugo sa tubig. At naramdaman kong nasa ibang lugar na ako. Iminulat ko ang mga mata ko at nandito ako sa isang lugar na pamilyar. Napatingin ako sa paanan ko at napangiti ako nang makita ko si Maki. Akmang hahawakan ko siya nang tumakbo na naman siya palayo sakin. Tumakbo na din ako at hinabol siya. Nakarating kami sa isang maliit na bahay na may itim na pinto. Tumingin sakin si Maki na parang sinasabing kumatok ako. Sumunod naman ako sa gusto niya. Pagkatapos ng tatlong katok, bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang maamong mukha ni Tamaki. Sa hindi malamang dahilan, napayakap ako sa kanya. "Tamaki!" Narinig ko ang mahinang pagtawa niya at ang pagyakap niya sakin pabalik. Humiwalay ako at nagngitian naman kami. Ang cute niya talaga, kamukha niya si Maki. Hahaha! Pumasok kami sa loob at pinaupo niya ako sa couch. Inilibot ko ang paningin ko. Ba't biglang lumaki ang bahay? Eh ang liit lang nito kanina sa labas ah? "So, you're staying?" Napatigil ako sa tanong ni Tamaki. "Are you sure? How about your friends? You'll leave them?" Napaisip ako. Si Red, Blue, Nat at Dark, kaya ko bang iwan? Kahit papaano, napamahal na sila sa akin eh. Si Magda pa, hindi pa kami nagkaka-ayos. Ipagpapalit ko ba sila sa isang taong ngayon ko lang nakilala? "No.." I muttered habang umiiling. Nang iangat ko ang ulo ko, nakita ko ang malungkot na ngiti ni Tamaki. "I can wait until forever for your yes." Unti unting nanlabo ang paningin ko. And then everything went black.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD