Kara’s POV
“Hey!” I stopped on my tracks nang may humawak sa kabilang kamay ko. Pagtingin ko ay nakita ko ‘yung lalaki sa bar kagabi. I knew I would see you in here. Nawala sa isip ko na hanapin siya kanina. Winaksi ko ‘yung kamay ng chinito na nakahawak sa kamay ko.
“Hi!” Ngumiti ako ng malapad kay Jake.
Ngumiti din siya sa akin kaso napaatras siya ‘nung tinulak siya ng chinito guy. “Back off, dude!” gigil na sambit ‘nung chinito.
“You back off!” Irap ko at hinigit si Jake papunta sa couch namin.
“Where are you taking me?” natatawang tanong niya.
“Oh, you’re laughing. That’s good.” Sabi ko at umupo na sa couch. Hinigit ko din siya paupo. “Akala ko snob ka pa din. I guess you liked my kiss?” I teased.
Tumawa siya ng malakas. “I didn’t know na joker ka pala.”
Napatawa na din ako. “I’m not joking. I know na nagustuhan mo ang halik ko. You’re not grumpy unlike last night.”
“Welll, you’re right. But in my defense, I was just grumpy because I want to play hard to get.” Sabi niya at kinuha ang isang bote ni Patron sa lamesa. Nagsalin siya sa shot glass at binigay sa akin.
Kinuha niya ang isang shot. He put salt on my wrist and licked it off. He drank the tequila in one gulp. Pagkatapos ay kumuha ng lemon sa mesa at sumipsip.
Kinuha ko ang panyo sa bag ko at pinunasan ang basang leeg niya. He’s topless. I put some salt on his neck. He tilted his head to the left. I licked the sat from his neck before I drank the tequila. Pagkatapos ay kukuhanin ko na sana ang lemon sa mesa kaso inunahan niya ako. Kinuha niya ‘yon at kinagat gamit ang bibig niya. Tumaas ang dalawang kilay niya, nanghahamon.
Ngumiti ako sa kanya at sumipsip sa lemon na nasa bibig niya. I sucked from it pero bigla na lang ‘yon nahulog sa sahig.
Nagkatinginan kaming dalawa. His eyes turned darker. He grabbed my neck and kissed me harshly. Hinawakan niya ang bewang ko. Napangiti ako. Inangat ko ang sarili ko at kumandong sa kanya. Oh, I really love to sit on his lap.
Hinawakan ko ang likod ng ulo niya at diniin ang halik niya sa akin. I was focused on his hands on my body when I heard a cough.
“Tangina.” Malutong na mura ni Lester.
“Tangina mo din.” sagot naman ni Dexter. Napatingin ako sa kanila at nakitang nandoon silang lahat kasama si Kuya Raymund.
“K.” may pagbabanta sa boses ni Kuya Raymund.
Napangiti ako ng alanganin bago umalis sa pagkaka kandong kay Jake. Napaubo naman siya ng mahina at yumuko.
“Ah… si Jake nga pala.” Mahinang pagpapakilala ko. “Jake mga pinsan ko.” Tumingin ako kina Kuya at matalim ang titig nila kay Jake. “Come on. Hindi na ako bata.” Ngumungusong sabi ko sa kanila.
“Jacob Peter San Jose.” Pormal na pagpapakilala ni Jake. “Nice to meet you.” Tumayo siya at ngumiti kina Kuya.
Inilihad ni Kuya Kurt ang kamay niya. “Kurt Stanley Mercado.” Pagpapakilala naman ni Kuya Kurt. Napatayo na din ako. Tinanggap naman ni Jake ang kamay ni Kuya.
Isa-isa ding nagpakilala ang mga pinsan ko at nakipagkamay kay Jake. Weh? Bakit ganito? Hindi naman sila ganyan sa ibang naka make-out ko ah?
“Hi! I’m Jazee!” bibong pagpapakilala ni Jaja. “Ikaw lang ‘yung nagustuhan ng mga pinsan ko na naka make-out ni K!” natatawang sabi niya pa.
“Hoy gaga ka!” mariing sabi ko at sinabutan siya. Natatawang winaksi niya ang kamay ko.
“Totoo naman ah! Sa lahat ng nakitang naming na naka make-out mo, siya lang ‘yung kinausap nina Kuya.” Giit pa niya.
Oo nga naman. Pero hindi ko aaminin ‘yon sa harap ni Jake. Nakakahiya. Hindi ko pa’to kilala talaga.
“Ewan ko sa’yo Jazee! Dami mong sinasabi.” Pag sasalba sa akin ni Shan. “Kuya Kurt, tara na. Iuwi na natin ‘tong si K. Pagalitan pa tayo ni Tito.”
“Wag muna! Mamaya na ng konti.” Alma naman ni Lester.
Nagkakagulo pa sila ng humarap ako kay Jake. “Pasensya na sa mga pinsan ko. Ang gulo nila. Wag mo na lang isipin ‘yung mga sinabi ni Jazee.” Nahihiyang sabi ko. Nakakahiya talaga ‘yung bruha na ‘yon.
“Okay lang. It’s no big deal.” Nakangiting sabi niya. “Uuwi na kayo?” tanong pa niya.
“Oo. Pag inaya na ako nina Kuya Kurt. Wala kasi akong sasakyan. Nakisabay lang ako sa kanila.” Sabi ko.
“You want me to drive you home?” alok niya.
Nagulat naman ako. “Nako. ‘Wag na. Nandyan naman sina Kuya. Nakakahiya.” Naku naman K! Ngayon ka pa nahiya. Hindi ka nga nahiya ‘nung kumandong ka sa kanya. Gigil ka masyado. Hindi ka naman ganyan sa iba.
“Hindi. Okay lang talaga. Hatid na-“ naputol ang sasabihin niya ng sumingit si Kuya Kurt.
“Hahatid ko na si K. Sasama si Shan at Jazee. Doon daw sila matutulog sa inyo. Si Raymund hindi pa makaka uwi. Tatapusin pa niya ang party dito.” Sabi ni Kuya Kurt. Kumuha siya ng shirt sa bag niya at pinasuot sa akin. Binigyan niya din ng shirt niya sina Jazee at Shan. Naka sleeveless croptop at denim short lang kasi kami. “Babalikan ko na lang si Dexter at Lester mamaya. May sasakyan naman sina Samuel at Raph.”
Kinuha ko ang bag k osa couch at nagpaalam kay Jake. “I’ll see you around.” Ngumiti ako sa kanya.
“Uh… can I have your number?” tanong niya.
Natigil ako. “Y-yeah, sure.!” Puta bakit ba ako nautal.
“f**k. I don’t have my phone with me. Can I type my number on your phone?” he asked.
I gave him my phone. He dialed his number and waited for it to ring. He then ended the call. “I’ll save your number. See you!” hinalikan niya ang pisngi ko at nagpaalam sa mga pinsan ko.
Tinanguan naman siya ‘nung mga lalaki. Kumaway lang si Shan at si Jazee naman, may pahabol pa. “See you again, soon Jake. Mami-miss ka daw ni K!” hinigit ko ang buhok niya at tumawa-tawa naman siya. Napatawa na lang ng mahina si Jake at tumalikod sa amin.
Hinatid kami pauwi ni Kuya Kurt. Nang makarating sa bahay ay nauna nang naligo si Shan. Sumunod si Jaja. I checked my phone and saw a text message from an unknown number.
From: Unknown Number
Thank you for tonight, Kara.
Napangiti ako. I added the number to my contact list.
To: Jacob
What are you thanking me for? Hm?
He replied instantly.
From: Jacob
For your time, ofcourse.
Nag-reply din naman ako agad.
To: Jake
Oh, I thought you are thanking me because of my kisses.
Napatawa ako sa sarili ko.
“Sinong ka text mo?” tanong ni Shan. Nagsusuklay siya ng buhok sa harap ng vanity.
“Wala.” Maikling sagot ko at ngumiti lang sa kanya. Napailing na lang siya.
From: Jake
And that, too. J
To: Jake
I was just joking, but I’m flattered. Thank you, too. For your time.
Naghihintay lang ako ng reply niya ng biglang tumunog ang cellphone ko.
Liam Calling…
“Shan.” Tawag ko sa pinsan. Pinakita ko sa kanya ang phone na hawak ko. Magkatabi na kami ngayon sa kama.
“Don’t answer please. It will only complicate things. Raymund set a meeting tomorrow. 6 pm at the headquarters. I guess it has to to with Mandy. Kaya umiwas ka muna kay Liam.” Sabi niya.
The call ended. Another call popped-up.
Jacob Calling…
Nawala ang kaba ko sa tawag ni Liam. I answered the call immediately. “Hey.” I heard him say. Umiwas ng tingin si Shan at nag cellphone na lang din.
“Hey, you.” I smiled. “Why did you call?”
“I was calling you after I got your reply but the line was busy. Were you in a call before this?” tanong niya.
“Uhm, no. Someone called pero hindi ko nasagot kaya siguro busy ‘nung tumawag ka.” Paliwanag ko naman. “Why did you call pala?” I asked.
“I just want to hear your answer to my question.” I can hear the amusement in his voice.
“Yeah? What would that be?” tanong ko na hindi na maalis ang ngita.
“Won’t you thank me for my kisses, too?” seryoso na niyang tanong.
Napatikhim ako. “Well, thank you for that, too.”
“Can I see you tomorrow?” he asked.
“Just text me. I’ll meet you.” Sagot ko agad.
“Okay. Good night, Kara. I’ll see you tomorrow.” He whispered.
“Good night.” I ended the call.
Hindi ko namalayan na nakalabas na pala si Jazee. Pagtingin ko sa kanila ay nakatingin na pala sila sa akin.
“You really like him.” Mahinang bulong ni Shan.
“You should thank me.” Mayabang na sabi ni Jaja.
Binato ko siya ng unan. “Bobo ka sis.” Sabi ko kay Jaja. “Shan, no. I just like to kiss him. I don’t really like him.”
Pagkatapos kong sabihin ‘yon ay tinanong ko ang sarili ko kung totoo ba ‘yon.
“Ja, you know about the meeting, right?” tanong ni Shan sa kapatid.
“Yes. Raymund told me earlier.” Sagot naman ni Jazee.
“I guess, Liam’s still in love with Kara.” Sabi naman ni Shan. “Tumawag siya kanina kay K.” dugtong pa niya.
Nagkatinginan kami ni Jazee. “Yeah? Don’t we all know that?” Napatingin naman siya kay Shan. “The only question is why is he with Mandy? Is it for money? Kahit ba na si K pa ‘yung nakipagbreak sa kanya, why would he be with his bestfriend if hindi niya naman talaga mahal ‘yun?”
“I guess we’ll find out in the meeting tomorrow.” Mahinang sagot ko.
5 pm ay nasa bahay na ako. Sinundo ako ni Shan at Jazee para sabay na kaming pumunta ng headquarters. Nasa isang liblib na lugar nakatayo ang aming headquarters. It was built by our grandfather.
Exactly 6 pm ay nakarating kami sa headquarters. May nagbukas ng gate para sa amin. Dito nakatira ang mga tao na tine-train nina Kuya Raymund.
Kuya Raymund’s family sells legal firearms. They are the one who supplies the PNP, AFP and others. Dito sa headquarters, nagte-train kami ng mga gustong maging parte ng Intelligence Agency. Some of these people are police officers and soldiers.
Mercado men, including our fathers, are trained by our grandfather when they were 12. While we, women, are trained by our fathers.
The headquarter is a big old house owned by our grandfather. He made this into a headquarter because there is a big space for trainings and it has enough rooms for the trainees.
Pumasok kami sa loob ng bahay at tumuloy sa library. Ang library ay ginawa nang conference room nina Kuya Kurt. Dito ginagawa lahat ng meetings at pagpa-plano.
Nang makapwesto kami sa aming upuan ay nagsimula na si Kuya Raymund sa agenda para sa araw na ‘yon.
“I saw this paper sticked in the car’s door.” Pinakita niya kay Kuya Kurt ang papel. Pinasa naman nito kina Dexter at Lester at kinuyom ang kamay niya. Pinasa nila ito kay Samuel at Raphael at napayuko silang dalawa sa upuan nila. Nagbulungan ang dalawa bago ibinigay kay Shan ang papel. Kinuha agad ‘yon ni Jazee. Naghihintay ako na ipasa sa akin ang papel pero tumingin lang sa akin si Jaja.
“What? Give it to me.” Nilahad ko ang kamay ko. Dahan-dahan naman niya itong binigay sa akin.
Binasa ko ang nakalagay sa papel.
Friday, k********g day.
Kahit na alam kong ditto din papunta ito, agulat pa din ako. I never thought that this will happen sooner than expected.
“Kara.” Tawag ni Kuya Raymund, “Alam mo kung sino ang tinutukoy dyan.”
Napatango ako. We’ve already acxpected this. “I’m ready.”
Nagkatinginan silang lahat habang tahimik lang ako. Tumikhim si Kuya Kurt. The next thing I know, they were talking about the possible scenarios during the k********g.
Pagkatapos noon, may ibinalita din si Samuel sa amin. “Jacob Peter…”
Napaangat ang tingin ko sa kanya ng marinig ang pangalan ni Jake. “What about him?” Naka kunot noo na tanong ko.
“He is Mandy’s cousin.” Saad niya.
Napamaang ako. Kilala ba niya ako? Hindi ako nakapagsalita. Dinugtungan ni Raphael ang sinabi ni Sam. “We don’t know yet if magkasabwat nga talaga sila. As far as we know, ilang taon na din naman silang hindi nagkikita. Kaya ngayon, hindi pa natin masasabi.”
“Eh bakit siya lumalapit kay K kung hindi sila magkasabwat ni Mandy? Anong motibo niya?” nagtatakang tanong ni Jaja.
“K, wag ka nang makipagkita sa kanya. Cut off all communication you have with him.” Seryosong sabi ni Shan. Napatango naman ang mga lalaki.
Napailing ako. No. Kakakilala ko pa lang sa kanya pero nararamdaman kong wala siyang kinalaman dito. Maaaring tama ako. Maaaring mapahamak ako pag nagkamali ako. Either way, malalaman ko pa rin ang totoo. “No. Hindi ako lalayo sa kanya. Kung gusto nilang maglaro, makikipaglaro ako sa kanila.”
Nagkatinginan silang lahat. Napabuntong hininga si Kuya Kurt.
“Anong plano mo, K?” tanong niya.