K’s POV
“Saan ka bababa, K?” Tanong ni Shan habang nag d-drive.
Sinabi ko sa kanya ang mall na pagbababaan ko. Doon kami magkikita ni Jacob.
“Sigurado ka na ba diyan, Kara Ysobel?” galit na tanong ni Jazee.
“Yes.” I firmly answered. Walang makakapigil sa akin. Buhay ko ang nakasalalay dito. Kaya itataya ko na lang din ito para may makuha akong ebidensya na magkasabwat talaga sila. “I can handle myself, Ja.”
Malalim siyang napabuntong hininga. “Alam naman namin ‘yan, K. Pero alam mong konektado sila. Alam mon a noon pa lang, abot langit na ‘yung insecurity sa’yo niyang si Mandy. Ewan ko kung bakit wala ka pang ginagawa para kunin si Liam sa kanya, gusto na niyang gumawa ng hakbang para mapatumba ka.” Nailing na sabi niya.
Natahimik ako. Kahit ako hindi alam ang iisipin. Kahit na ano pa ang mangyari, aalamin ko kung may ugnayan ngang talaga si Mandy at Jacob.
Hindi na din nakapag salita si Shan. Tahimik na lang kami hanggang nakaarating sa mall. “Thank you. Magta-taxi na lang ako pauwi mamaya. Ingat kayong dalawa.” I kissed them both.
Bababa n asana ako ng hinawakan ni Jazee ang kamay ko. “Please, be careful.” Maingat na sabi niya.
I squeezed her hand. Ngumiti ako sa kanya. “I will.” Tumingin ako kay Shan at tumango lang siya sa akin. Bumaba na ako ng sasakyan at pumasok sa mall.
Kinuha ko ang cellphone ko para icheck kung nandito na ba si Jake. Saktong tumatawag na siya kay sinagot ko din agad. “Hi.”
“Hey.” Sagot naman niya. “Nandito na ako sa restaurant.”
Naglakad na ako papasok ng mall. “Papasok na ako ng mall. I’ll see you there. Bye.” Binaba ko agad ang tawag.
Dumireto ako sa restaurant na pinag-usapan namin. Nakita ko siya sa dulong bahagi ng restaurant. Napahinga ako ng malalim bago pumasok.
Naglakad ako papalapit sa kanya ng kinakabahan. Who knows? Baka kasabwat talaga siya ni Mandy. I have to be extra careful.
Huminto ako sa tapat niya. Tumingala siya sa akin at ngumiti. “Hey, you.” Tumayo siya at hinila ang upuan. Umupo ako at bumalik na siya sa upuan niya.
“Order muna tayo?” tanong niya. Tumango naman ako sa kanya.
Tinawag niya ang waiter. Sinabi niya ang order ko pagkatapos ay ako naman. “Thank you.” Sabi niya sa waiter pagkatapos ay umalis na ito.
Ngumiti siya sa akin. “Uh, how’s your day?” he started the conversation.
“It’s fine. A little tiring.” I said. “I was with my cousins earlier after school.” Dugtong ko pa.
“School, huh?” tumatango pa siya. “You’re still in school. What year?” he asked.
“Graduating. Business Management.” I smiled.
“Oh, that’s nice. Akala ko you’re already working.” sabi pa niya.
“How ‘bout you?” I asked.
“I graduated two years ago. I also took up Business Management. I want to take my masters degree pero wala pang time ngayon. I’m busy helping my dad.” He answered.
I shifted on my seat. “How old are you again?”
Ngumiti muna siya bago sumagot. “24 years old, ma’am.” He joked.
Tumango-tango ako at ngumiti sa kanya. Dumating na ang pagkain kaya naputol ang pag-uusap namin. Nagsimula na kaming kumain ng tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa loob ng bag ko.
Kuya Kurt calling…
Pinatay ko ang tawag. I am so sure na papagalitan lang naman niya ako. Alam nila na makikipag kita ako ngayon kay Jake. I turned off my phone. “I’m sorry.” Sabi ko kay Jake. Napatigil kasi siya sa pagkain.
“It’s one of my cousins.” Sabi ko na lang. Mukhang nagtataka kasi ang mukha niya.
Tumango-tango lang siya. Ngumiti ako sa kanya at bumalik na kami sa pagkain. From time to time ay tinatanong niya ako ng mga hilig ko. I told him that I like studying, taking photos and partying.
Napatawa naman siya sa huli kong sinabi. “Partying. Yeah, I can say that for myself, too.” Sabi pa niya.
Natapos na kaming kumain ng ayain niya akong maglakad lakad. Pumunta kami sa parang garden na part ng mall. May chapel din doon. Maraming lights sa paligid.
“Can I see you again?” biglang tanong niya habang naglalakd kami.
“You just asked me that last night.” Natatawang sabi ko.
I’m still thinking of the possibility na baka close sila ni Mandy. After all, they are cousins. I keep telling myself na I really trust this guy kahit na ngayon ko lang siya nakilala. I hope tama ako. Pero hindi ko naman masisisi sina Kuya, Jazee at Shan. Gusto lang nila akong malayo sa panganib. Gusto nilang layuan ko si Jake.
Pero ayoko naman na maging judgemental. Kaya ko ang sarili ko. Kahit anong mangyari, hindi ko huhusgahan ang taong wala namang ginagawang masama sa akin.
Oo, gustong kong malaman ang totoo. Gagamitin koi tong pagkakataon na ito, na gusto niya akong palaging nakikita para malaman ko kung may ugnayan ba talaga sila ni Mandy. Pero alam ko sa sarili ko na nagtitiwala ako kay Jake. Nasa sa kanya na kung sisirain niya ‘yon. Mapahamak man ako sa ginagawa kong ito, alam ko sa sarili ko na hindi ko siya hinusgahan kahit pa na alam kong pamilya niya si Mandy.
Ano man ang balak gawin sa akin ni Mandy kung bakit niya ako gustong ipa-kidnap, hindi ko alam. We will just grab the opportunity na mahanapan ng butas si Mandy na magtuturo sa amin sa mga tauhan ng ama niya.
I am willing to risk my life in this operation. After all, ako ang nagsimula nito.
“I just want to see you again.” Then he smiled. I can sense his sincerity. Magkamali man ako sa pagtitiwala sa kanya, tatanggapin ko ‘yon ng buo sa loob.
I wanna see him, too. Hindi dahil may gusto akong malaman, kundi dahil gusto ko lang talaga. I may have denied na gusto ko siya kina Jazee, hindi ko din alam sa sarili ko kung gusto ko ba talaga siya o gusto ko lang ang atensyon na ibinibigay niya.
Naguguluhan na din ako. Nagtitiwala ako sa kanya dahil mabuti siya sa akin. Pero hindi ko alam kung gusto ko ba siya. Well, it is still early to say anything.
Hindi ko muna siya sinagot. Ngumiti ako sa kanya at nauna nang maglakad. Natawa siya at hinabol ako.
Pumasok ako sa butterfly garden at sumunod naman siya. Napatigil ako sa paglakad ng makapasok na.
“Ang ganda…” namamanghang sabi ko. Marami kasing ilaw at madami ding lumilipad na mga paru-paro.
“Oo nga, maganda.” Biglang bulong niya sa tabi ko. Napatingin ako sa kanya ng nakangiti ng napawi ito dahil nakitang nakatingin siya sa akin. Nagkatinginan kami pero bigla ko ding binawi ang tingin ko.
Lumapit ako sa isang bulaklak, kahit gabi na ay gising na gising pa ang mga paru-paro. I touched the butterfly with my index finger. Lumipat naman siya sa daliri ko. Napangiti ako.
Ipinakita ko kay Jake and daliri ko ng nakangiti. Inayos niya ang buhok ko na nakatabon sa mukha ko. Inipit niya ‘yon sa tenga ko. Napaatras ako kaya lumipad ang paru-paro mula sa kamay ko.
“Sorry.” Sabi ko. “Nabigla lang ako.”
“No, I’m sorry. I think I’m going too fast.” Paumanhin naman niya.
“Wow, you’re thinking we’re going too fast, eh, naghalikan na nga tayo!” natatawang sabi ko sa kanya.
Nawala naman ang awkward atmosphere sa gitna naming ‘nung tumawa din siya. “Oo nga naman.” Napawi ang tawa niya at tumingin naman sa akin. Naghihintay lang ako ng idudugtong niya. “I like you.”
Nawala din ang ngiti ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko. A part of me wants to believe na totoo ‘to. This is too fast. I know na may tiwala ako sa kanya pero hindi pa din ako sigurado. Mahal ko si Liam, alam ko ‘yon. Ang hindi ko alam ay kung anong nararamdaman ko para kay Jake. Bago pa lang siya sa buhay ko.
Napangiti ako ng peke. “I… I really don’t know what to say.” Nasabi ko na lang.
“I’m not asking you to say anything.” Sabi naman niya. “I know this is all too fast. Pero hindi ka na mawala sa isip ko mula ‘nung gabing una tayong nagkita.”
Naalala ko ang gabi na ‘yon. Napabuntong hininga ako. “Can we be just friends first?” mahinang tanong naman niya.
Napangiti siya. “Of course. Diyan naman nagsisimula lahat eh.”
Lumabas na kami ng butterfly garden. 10 pm na nang maisipan naming umuwi na. “Mag tataxi na lang ako. Hinatid lang kasi ako ng pinsan ko kanina.” Sabi ko ‘nung pababa na kami mula garden ng mall.
“And you really think hahayaan kitang mag taxi ng ganitong oras?” tanong naman niya.
“Bakit? Hahatid mo ‘ko?” I joked.
“Oo.” Diretsong sagot naman niya.
Tumango ako. “Okay.” Sang-ayon ko naman.
Pumunta kaming parking area. Pinatunog niya ang sasakyan niya. Pinag buksan niya ako ng pinto bago siya umikot at pumasok sa driver’s seat.
I got my phone inside my bag. I opened it and saw many text messages from my cousins.Hindi ko muna pinansin ‘yon at tinawagan ko si Papa. Nakailang ring pa bago niya nasagot ang tawag.
“Yes, anak?” sagot niya sa boses na bagong gising.
“Papa, sorry to wake you up. Magpapaalam lang sana ako. Sa condo muna ako tutuloy ngayon.” Sabi ko.
“Okay. You take care. Good night.” Mukhang inaantok na talaga si Papa.
“Will do. Good night, pa.” tinapos ko na din ang tawag.
Sinabi ko kay Jake ang pangalan ng condo ko. It is not too far from the mall kaya mabilis lang ang byahe. Nang malapit na kami, I was about to tell him to just drop me off near the entrance nang pumasok siya sa basement parking.
I looked at him confused. “I live here.” Biglang sabi niya.
Napanganga ako. “What floor?” I asked.
“11th.” He simply answered.
“What the hell?” I blurted out.
“What?” he asked, confused.
Hindi ko alam kung coincidence lang ito o may rason pa sa likod nito. “I’m at 11th, too.” Although hindi naman ako palagi dito dahil sa bahay pa din ako naming nakatira.
“Wow.” Mukhang na amaze din siya sa nalaman.
“Yeah, wow.” I said, laughing. “Tara na.” aya ko. Lumabas ako ng sasakyan niya, ganoon din siya. “Kailan ka pa dito?” tanong ko ‘nung naglalakad na kami papuntang elevator.
“For more than a year na.” sagot naman niya.
“Oh, really. Never pa kitang nakita dito.” Sabi ko. “Minsan lang din naman ako dito. Sa parents ko pa din kasi ako umuuwi.”
“I see. But I hope you’ll consider sleeping here often.” He said, grinning.
“We’ll see.” Sagot ko naman. Pumasok kami ng elevator. Siya na ang pumindot ng floor number namin. Walang nagsalita sa amin hanggang makalabas kami. I stopped in front of my door.
“Dito na ‘ko.” Sabi ko. “Don’t tell me magkatabi lang ‘yung room natin?” I teased.
Tumawa siya. “No, just 2 rooms after you.”
Tumango ako. I got my keys from my bag. I opened my door. Pumasok na ako pero hindi pa sinasara ang pinto. I am thinking kung papasukin ko ba siya o hindi. I’m kinda tired kaya hindi na lang. “Good night, Jake.” Ngumiti ako sa kanya. “Thank you for tonight.”
Ngumiti naman siya. “Thank you, too. Good night.”
Kumaway ako sa kanya bago ko sinara ang pinto. Pagkasara ay sumandal agad ako. Huminga ako ng malalim. Pumasok ako ng kwarto at umupo sa kama. Nagpahinga muna ako bago naligo.
Pagkatapos kong maligo ay ni-check ko ang phone ko. Binasa ko ‘yung mga text ni Jaja kung nasaan na ako at anong oras uuwi. Ganoon din kina Shan at Kuya Raymun, Kuya Kurt at iba pa naming pinsan. I texted Jazee na sa condo ako umuwi at nagpaalam naman ako kay Papa. Hindi na siya nagreply.
I read the text from Jake, saying:
Thank you for tonight. I’ll see you again soon.
Napangiti ako pero hindi na nagreply. Nag-blower lang ako ng buhok at natulog.
Kinaumagahan ay na late ako ng gising. Tinamad na akong pumasok. Minsan, it’s sad na ako na lang ‘yung nag-aaral sa aming magpipinsan. Kaya nga minsan tinatamad na din akong pumasok. Lalo na ‘nung grumaduate si Jaja last year.
Pumunta muna akong gym. May gym naman dito sa tower kaya hindi na ako lumabas. Pagkatapos ay bumalik ako sa unit para mag maligo. Naisipan kong mag breakfast sa labas pero tinamad din ako. Mabuti na lang at natulog dito last week sina Lester at Dexter kaya may pagkain pa dito. Nag cereal na lang ako for breakfast.
Pagkatapos kong kumain ay pumunta lang akong sala para manood. I opened Netflix and continued watching Money Heist. I was in Season 2 episode 4 na.
I finished the whole of season 2 na nakalimutan kong kumain. It was 3 pm ‘noong natapos ako sa panonood. I was sad because of the ending. Natulala ako ‘nung biglang may nag doorbell.
Pumunta ako sa pintuan at sinilip kung sino ang nasa labas. I rolled my eyes when I saw Shan and Jazee. Binuksan ko ang pintuan. “What are you doing in here?” I asked.
“Ay sorry po ah?” sarcastic na sabi ni Jazee. “Galing po kasi kami sa bahay niyo. Doon nga kami natulog kagabi kakantay sa’yo. Pero pag gising namin wala ka pa din.” Sabi niya habang tuloy lang sa pagpasok.
“Sabi ni Tito dito ka daw natulog.” Sabi naman ni Shan na may dalang box ng pizza.
“Mas malapit kasi dito. I was tired yesterday kaya ditto na ‘ko nagpahatid kay Jake.” Sabi ko naman.
Umupo kami sa couch. Nilagay ni Shan ang dala niya sa center table.
“Speaking of Jake, K, anong nangyari kagabi?” tanong ni Jazee. Hindi ko pa siya nasagot ng may isang tanong na naman siya. “Omg?! Tinapos mo na ‘yung Season 2? Akala ko ba magkasama dapat tayong manonood?”
Naingayan ako sa kanya kaya binuksan ko ang pizza at kumuha ng isang slice. Nilagay ko ‘yon ng buo sa bibig niya. “Ang ingay mo.” Sabi ko at kumuha na din ng kakainin. “Hindi kasi ako nakapasok kanina. Na late ako ng gising kaya nanood na lang ako. Wala naman akong ibang gagawin.”
“Bakit ka late nagising? Anong ginawa mo kagabi?” mapang-akusa na tanong ni Jazee. “Anong ginawa niyo ni Jake?”
“Gaga. Kumain lang tapos umuwi. Ano pa ba?” tanong ko pa.
“Weh?” pang-aasar niya pa. “Eh noong foam party nga-“ di na niya natapos ang sasabihin niya. Pinasalan ulit ni Shan ng pizza ang bunganga niya. Kinuha niya ‘yon sa bibig niya at sumigaw. “Kayo ah! Nakakadalawa na kayo!” reklamo niya.
“Ang ingay mo.” Sabi ko. “Wala ngang nangyari, Kahit na dito lang din siya sa tower nakatira, hindi ko siya pinapasok dito.”
“Dito din siya nakatira?!” inulit pa ni Jaja ang sinabi ko.
“Anong floor?” tanong pa ni Shan.
“Dito lang din. 2 units apart lang kami.” Maikling sabi ko.
“Wow. What a coincidence.” Napapalakpak pa si Jaja.
“Wow ka din.” Walang kwentang sabi ko.
Napailing si Shan. “This is not good.” Seryosong sabi niya.