K's POV
"Where the hell did you go last night?!" Nagising ako sa malakas na sigaw ni Jaja. Nandito sila ngayon sa kwarto ko. Maaga pa pero ang lalakas na ng boses nila. Full of energy pa ‘tong si Jazee Alicia.
"Sorry. Umuwi na ako kagabi. Sumama pakiramdam ko." Dahilan ko habang bumabangon sa kama. Pag tingin ko sa orasan sa side table, 7 am pa lang.
"I told you! She's safe." Sabi naman ni Shan sa mahinang boses. “Hinanap ka kasi nina Raymund kagabi. Hindi ka namin makita. Hindi ka naman nagpaalam sa amin.” Shan explained.
“Paano ako magpapaalam eh wala naman kayo sa couch pagbalik ko.” Tumayo ako at pumasok sa cr.
Sumunod naman si Shan. “Hinatak kasi ako ni Jazee na sumayaw sa dance floor total nag-eenjoy ka naman daw ‘dun sa tinuro niyang lalaki.”
“Oo nga!” sigaw ng magaling na Jaja. Kumuha ako ng toothbrush at naglagay ng toothpaste. Nagsimula akong mag toothbrush ng hindi pa din tumitigil ang bunganga ng walang hiyang kapatid ni Shan. “Tapos ‘nung tapos na kaming sumayaw wala ka na! Wala na’yung bag mo pero nandoon pa ‘yung lalaki! Kaya hindi namin alam na umuwi ka lang pala. Akala ko sa iba ka sumama. Gaga ka!”
Hindi ako sumagot dahil busy pa ako sa pagto-toothbrush kaya si Shan na lang yung sumagot para sa akin. “Sinabi na nga sa’yo na kapag hindi ‘yan nagpaalam, umuwi lang ‘yan. Paranoid niyo kasi nina Kuya Kurt.”
"Yeah, yeah. Whatever!" Sabay irap ni Jaja. "Anyways, nandito lang naman kami para ayain ka. Gym tayo.”
Natapos na akong mag toothbrush. Pagkatapos kong mag mumog ay sinagot ko si Jazee. "Fine! Hintayin niyo ‘ko diyan. Maliligo muna ako." Sinara ko ang banyo at naligo. Habang nasa shower, naalala ko naman ang lalaki kagabi. No, I'm not attracted to him. I’m just curious about him.
Pagkalabas ko ng banyo ay wala na silang dalawa. Nagbihis na lang ako ng sports bra at black leggings. Sinoot ko na rin ang rubber shoes ko. I ponytailed my hair. Pagkatapos ay bumaba ako ng sala at nakita ko silang nanonood ng tv. Dumiretso ako sa kitchen at naghanap ng makakain.
"Kakain ka pa? Alis na tayo!" Sabi ni Jaja.
"Sandali lang naman. Ginugutom ako eh. Cereals for breakfast. Mabilis lang 'to! Matutunaw naman ‘to bago tayo makarating ng gym." Sabi ko at kumuha ng fresh milk sa ref at cereals.
Kumakain ako ng dumating si Kuya Kurt kasama si Dexter at Lester. Kurt is Jaja and Shan's older brother. Dexter and Lester Mercado are twins. Kapatid nila si Kuya Raymund.
"Matagal pa kayo?" Tanong ni Kuya Kurt.
"Kakain pa daw si K." Sagot ni Shan.
"Hi Kara!" Sabay na sabi ni Dexter at Lester. Lumapit sila saakin at hinalikan ako sa noo. Lumapit din si Kuya Kurt at hinalikan ako sa pisngi.
Pinagpatuloy ko lang ang pagkain at pagkatapos ay lumabas na kami. Sumakay kami sa van na dala nina Lester. Si Lester ang nagdrive samantalang si Dexter sa shot gun seat. Sa likod nila ay ako at si Kuya Kurt. Sa likod namin ay si Jaja at Shan.
"Asan yung tatlo?" Tanong ko sa kanila.
"Andun na sa gym si Raymund at Raphael. Si Samuel papunta na din doon. Alam niyo na, babae ang inuuna." Sagot ni Dexter sa tanong ko nang natatawa.
"Si Kuya Raymund nga eh! Ayun, may susunduin daw na babae. Isasama daw niya sa gym. Naku!" Nanggigigil na sabi ni Jaja. Ayaw na ayaw talaga niya pag may babae si Kuya Raymund.
Paano kasi, napaaway na 'to nung nakaraan. Dahil maarte daw yung babae ni Kuya Raymund. Maarte na sa galaw, pati sa pagsasalita. Eh mabilis pa namang mairita 'tong Jazee na 'to. Kaya ayun, sinabunutan niya. Hay!
"May foam party mamaya. Sama kayo?" Tanong ni Dexter saamin.
"Game!" Sigaw ko. Baka Makita ko ‘yung mystery guy doon mamaya.
Napailing na lang si Lester. "Ikaw talaga baby K! Pag party, ambilis mo." Natatawa niyang sabi.
"Syempre. 'Yan pa. Party girl 'yan eh!" Kantyaw naman ni Kuya Kurt.
"Eh kung gumaya kaya kayo kay Shan!" Natatawang sabi ni Jaja.
"Oh shut up, Ja! Wag ako ang pagtripan nyo." Naiiling na sagot ni Shan.
"Tama naman ah." Sabi ko. "Kung sana ay magkatulad tayo, edi sana, truly happy ako ngayon." Sabi ko.
Natahimik naman sila. Nagkatinginan pa sila. "Heh! Tumigil na kayo. Tanggap ko na 'yan. Wala eh. Ganito talaga ang buhay!" Sabi ko at tumawa para mapagaan ang sitwasyon. Pero nanatili silang tahimik hanggang sa nakarating kami sa Gym.
Pagkadating namin ay sinalubong kami ng pawisang mga pinsan namin. Raphael, Samuel and Kuya Raymund. Niyakap nila akong tatlo kahit na pawisan sila. "Ewww! Umalis nga kayo!" Sabi ko sabay tulak sa kanila. Pawisan kaya sila. Kahit mabango sila, malagkit parin ang pawis nila.
"Eto namang babaeng 'to! Arte-arte!" Sabi ni Samuel at kinurot ako sa pisngi. Mabilis niya rin itong hinalikan. Hinalikan din ako ni Raymund.
"Ah guys, si Ericka nga pala." Sabi ni Kuya Raymund saamin sabay pakilala sa katabing babae niya.
"Nice to meet you!" Sabi ko at ngumiti naman ang lahat at kumaway sa kanya. Lahat, except kay Jaja. She can read people. She knows your personality even when you wear your mask.
Nahihiya pang ngumiti ang babae. "Nice to meet you too!"
"Oh siya, sige na. Bihis muna kami." Sabi ni Jaja sabay kuha ng gym bag sa kamay ni Kuya Kurt.
Hinintay ko lang na matapos magbihis sina Jaja dahil nakapagbihis naman na ako sa bahay. Pagkatapos nila ay pumunta na kami sa aming mga pwesto. Nag threadmill muna ako for 20 mins. Tahimik lang ang lahat ng biglang nagkagulo sa kabilang dako ng gym. Yun naman pala, si Jaja nakipag-away na naman kay Ericka, her Kuya's girl. Sinampal ni Jaja si Ericka. Mabilis namang lumapit sina Kuya Raymund at pinaalis niya si Ericka. Syempre, blood is thicker than water. Mas pipiliin niya si Jaja kesa kay Ericka. That's how Mercados are.
Kahit gaano pa nila kagusto ang isang babae, when one of our cousins don't agree, then kailangan nilang piliin ang pamilya kesa sa babae nila. That's what I love about them. That's how we roll.
Maya-maya ay bumalik na sa normal ang lahat. Nagpatuloy kami sa ginagawa namin.
Naubos ang oras namin sa pag g-gym. Nung tanghali na ay sabay-sabay kaming kumain sa restaurant na katapat ng gym. Umorder lang ako ng vegetable salad at naghintay.
"May tickets nga pala ako para sa foam party." Sabi ni Kuya Raymund sabay kuha ng tickets sa wallet niya. Ibinigay niya samin isa-isa ang mga ticket. "Punta kayo mamaya. Ako ang isa sa magd-dj." Sabay ngiti niya.
Kaya maraming nahuhumaling sa playboy na 'to eh. Di lang gwapo, macho at matalino. Talented pa! Aba, ano pa ang hahanapin mo?
"Naks naman Mundo, asensado tayo ah!" Kantyaw nina Nico sakanya.
"Lul! Kayo lang naman ang walang tiwala sakin. At isa pa, mabuti pa nga ako eh, may nagagawang matino, eh kayo? Anong alam niyo? Mambabae? Tss." Sabi ni Kuya Raymund ng naiiling.
Napatawa na lang kami sa sinabi niya.
Nung dumating ang order namin ay kumain lang kami habang nag-uusap. Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ng biglang bumukas ang pintuan ng resto. At pumasok doon ang lalaking di ko inaasahan.
"Liam..."
-
"Tama na yan! K! I said stop!" Malakas na sigaw ni Kuya Kurt.
"Hayaan mo na dude." Pagpipigil naman ni Dexter sa kanya.
Patuloy pa din ako sa pag inom ng Jack Daniels na tinutungga ko na sa bote. Hindi ako nagpapapigil sa kanila. Si Lester, Dexter, Raphael at Samuel ay nakatingin lang sa akin samantalang pinapagalitan ako ni Kuya Kurt.
Basa na nga kami dahil sa foam na sinasaboy saamin. Well, it's foam party anyway.
Sina Shan at Jaja ay sumasayaw sa dance floor. Ayaw sanang sumama ni Shan kaso ayun, hinigit ng magaling niyang kapatid. At si Kuya Raymund naman ay kasalukuyang nagd-dj sa harap.
"Hayaan? What the f**k! I am telling you Kara Ysobel, if you won't stop drinking, I swear, you won't like what I'm gonna do." Seryoso niyang sinabi. Napatigil naman ko sa pag inom. I know him. I know him too well. Kaya binaba ko ang bote nga JD at humilig sa sofa at pumikit.
Kung bakit ba kasi ako nagpapaapekto sa maliliit na bagay. Pero kung tutuusin, hindi na 'yon maliit. I had to give him up. Kahit una pa lang, alam ko na ang dahilan kung bakit kinailangan ko siyang pakisamahan, minahal ko pa rin siya.
Naramadaman kong may umakbay saakin. Minulat ko ang aking mga mata at nakita ko si Kuya Kurt. Ngumiti ako sa kanya. Naiintindihan ko kung bakit siya ganyan. He doesn't want to see me miserable because of Liam. They are that over protective.
"K, he’s not worth it." Bulong niya. “Alam mo umpisa pa lang-“
Tumango ako. "I know, Kuya."
"Then stop. Stop what you are doing. And stop thinking of what could have been. It is all useless. From the very beginning, this is what the plan is all about.”
"Alam ko naman ‘yon Kuya. Kaya lang mahal ko siya eh. Mahal din naman niya ako. Pero bakit hindi niya ako pinaglaban." Naiiyak na sabi ko at yumakap sa kanya. He's the older brother I'm dreaming of. Ako lang kasi ang only child sa pamilya ng Mercado. Nevertheless, thankful naman ako dahil they are treating me as their baby sister. I'm the youngest Mercado in our clan. That's why I'm the luckiest. They are giving me what I want and I need. Especially these boys, they're my ideal boyfriends eventhough they are playboys because they are sweet and caring. Or saakin lang talaga sila ganon? Well whatever.
“Kahit ipaglaban ka niya, mapapahamak lang siya sa huli. Mas mabuti nang sila ni Mandy. He’s safer with her dahil mahal siya ni Mandy at hindi noon hahayaan na masaktan si Liam. Pero ikaw, K, ikaw ang kawawa sa huli pag ipinaglaban ka niya. Mas mabuti na ang ganito.” Malungkot na sabi niya. Niyakap niya ako ng mahigpit.
Natahimik kami sandali sa kabila ng maingay na tunog ng bar. Unti-unting bumalik saakin ang nangyari kanina.
"Liam..."
"What the hell is he doing here? And with that girl?" Maang na tanong ni Jaja
Napatayo si Kurt kaya napatingin ako sa kanya. "Dude chill." Sabi ni Raphael. Si Raphael lang ang pinaka kalmado dahil lahat sila ay matalim na ang titig kay Liam.
Nagpatuloy sa paglalakad si Liam at ang babae niya, wait- that's her bestfriend. Her bestfriend who’s in love with him ever since. I know that. Magkaibigan din naman kami noon. But I have to do my part in our family’s plan. I have to provoke the princess.
Mabilis na tumayo si Raphael. Nabigla na lang kami nung sinuntok niya si Liam. Pumagitna agad ako sa kanila. Hinawakan ko ang dibdib ni Raphael. "Tama na." Sabi ko, nanghihina. Ayaw ko na nasasaktan si Liam pero mas ayaw ko na nagagalit ang mga pinsan ko. Lalo na si Raphael. He is always calm. Kalkulado lahat ng galaw at desisyon niya. Hindi siya ganitong tao.
"What the f**k?!" Malakas na sigaw ni Liam pagkatayo mula sa pagkakahiga.
Tumayo na din si Shan at Jaja kasama ang mga lalaki. Humakbang palapit si Raphael kay Liam katabi ang babae niya.
Sinuntok ulit ni Raphael si Liam at hinawakan sa kwelyo. “Pinagkatiwalaan ka namin Liam. Pinagkatiwala namin ang pinsan namin sayo. Tapos ipagpapalit mo lang?!" Sigaw niya at malakas na binitawan si Liam. Tinignan niya si Mandy na ngumingiti ng nakakaloko.
Napaiyak na ako. Hinawakan ko sa braso si Raphael. Hindi ko kaya na makita si Raphael na ganito. He can't be that mad. Nasasaktan ako pag nagagalit sila. Kahit na alam nila na parte ito ng plano, umasa din silang pipiliin ako ni Liam. Na masasagawa pa rin ang plano at mapo-protektahan si Liam laban kay Mandy.
"At ikaw namang babae ka!" Sigaw ni Jaja at sinampal si Mandy. Hinawakan naman ni Shan ang braso niya.
"Tama na Ja!" Sabi ni Shan sa kapatid.
"You slut! You’re using yo-" Sasabunutan niya sana si Mandy ngunit hinigit siya ni Kurt. "Don't make a scene."
"We are already making a scene." Sabat ni Shan.
"Tandaan mo Liam, oras na makita ko ulit ang pagmumukha mo, papatayin kita." Galit na sambit ni Raphael at hinigit ako palayo.
"Have fun baby K! Wag kang mag mukmok dyan!" Sabi ni Samuel at hinigit ako patayo. Dinala niya ako sa dance floor at sumayaw kami. Basang-basa na ang mga tao, including us, dahil sa pagpapaligo saamin ng tubig at foam.
Patuloy lang kami sa pagsasayaw ng biglang nawala si Samuel. Ayun naman pala at hinigit ng isang babae at sinayaw. I didn't mind. Palagi namang ganyan eh. I just danced with the beat of music. Ang galing talaga ni Raymund. The music is just... amazing!
Maya-maya ay naramdaman kong may humigit sa baywang ko. Pagtingin ko ay isang chinito guy na maputi ang bumungad sa akin.
"Hi Pretty!" Bati niya at hinalikan ako sa pisngi. Patuloy lang kami sa pagsasayaw. He's handsome.
Pinulupot ko ang braso ko sa leeg niya. Hinawakan naman niya ng mahigpit ang baywang ko. I danced and danced samantalang hinahalikan niya ang leeg ko. Infairness ang bango niya. Manly scent pero hindi masakit sa ilong.
Maya-maya ay hinawakan niya ang batok ko. He kissed me fiercely. I kissed him back. Naramdaman ko ang kamay niya sa pwet ko. Pataas sa likod ko at papunta sa dibdib ko. I moaned.
"Let's go to my place, babe." Sabi niya at hinigit ako.