K’s POV
Nawala din ang usapan namin tungkol kay Jake noong dumating ang iba naming mga pinsan. Although I can sense na gusto akong kausapin ni Kuya Raymund at Kuya Kurt, hindi din nila pinilit dahil alam nilang umiiwas ako.
Kinagabihan ay lumabas kaming lahat para kumain. Hindi kami nagkita ni Jake ngayong araw. He texted me at nagreply naman ako. Busy siya ngayon sa kumpanya nila. Ako naman, I am stuck with my cousins.
Akala ko uuwi din sila pagkatapos pero mali pala ako. Hinatid pa nila ako sa bahay at pumasok din sila sa loob.
“Hi, Mama.” Yumakap ako sa Mama ko. “Sorry hindi ako nakapag paalam ng maayos kagabi.”
Niyakap naman niya ako pabalik. Pagkatapos ay kumalas siya sa yakap at hinalikan ako sa psingi. “It’s okay, darling. Sinabihan naman ako ng Papa mo.” Sabi niya.
“Where’s Papa po?” tanong ko at luminga sa paligid. Nag-iingay ang mga pinsan ko sa sala. Nag-aagawan ng remote. Hindi ko nakita si Papa.
“Wala pa siya. May meeting pa. Hindi padaw tapos.” Sagot naman ni Mama.
Tumango lang ako at umakyat na muna ng kwarto. I took a bath and changed into my PJs. If I know, dito na din matutulog ang iba sa kanila.
Bumaba ako ng sala at naabutan ko silang nanood ng Korean movie about zombies who know how to open the door.
Umupo ako sa gitna ni Jaja at Lester. Nasaa couch sila samantalang nasa sahig si Shan na nakaupo at nakahiga sa lap ni si Dexter. Si Kuya Kurt ay naglatag ng higaan sa sahig. Katabi niya si Kuya Raymund, Raphael at Samuel.
Napaisip ako. May theater room naman kami. Bakit nandito kaming lahat sa sala?
Natapos ang movie ng tensed na tensed si Jaja. Nagliligpit na sina Shan ng kalat nang bumukas ang front door. Pumasok doon si Papa na niluluwagan na ang necktie niya at mukhang antok na antok.
Napatingin siya sa magugulo kong pinsan. Lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi niya. “Good evening, Papa.” Bati ko sa kanya.
“Good evening, anak.” Lumapit din sa kanya isa-isa ang mga pinsan ko at nagmano. “Dito ba kayo matutulog?” tanong niya.
“Kami lang po ni Shan, Tito.” Sabi ni Jaja. “Uuwi po sina Kuya mamaya.”
Napatango si Papa. “K, wag magpuyat may pasok pa bukas.” Paalala niya. Ngumiti lang ako at tumango. Hindi niya alam ni hindi nga ako pumasok ngayong araw. Gusto kong tumawa. “Aakyat na ako. Lock the door pag umalis na mga pinsan mo.” Dugtong pa niya.
Tumango lang ulit ako. Noong nakaakyat na si Papa ay pumuntang bar counter sina Kuya Kurt. Umupo ako at tumabi sa akin si Kuya Raymund.
“Why didn’t you answer our calls last night?” biglang tanong niya. Uminom ako sa bote ng beer na hawak ko.
“I turned off my phone.” Simpleng sabi ko without looking at him.
“Why?” tanong pa niya.
Napatingin na ako sa kanya. “I want to do things my way, Kuya.”
Napabuntong hininga naman siya. “K, I know you’re big enough para hindi ipahamak ang sarili mo. Pero mag-ingat ka pa din.” Sabi niya at inakbayan ako. Hinilig ko ang ulo ko sa balikat niya. “Pinsan pa din ni Mandy ‘yon. Hindi natin alam kung alam niya baa ng issue niyo ni Mandy. Who knows, baka magkasabwat talaga sila.”
Napatango ako. “I’m taking precautions naman Kuya. I always bring my gun whenever I go.” Napatawa ako at umayos ng upo. “Isa pa, isang beses pa lang naman kami nagkita.”
“Just please be careful.” He held my hand and squeezed it. “Nakapag-usap na kami ni Kurt. Ayaw man niya, hahayaan ka namin sa plano mo. You just need to promise us na hindi mo paaabutin sa puntong wala ka ng laban. And please, K, just please inform us kung saan ka man pupunta. Lalo na kung kasama mo ‘yung Jacob na ‘yon.” Sabi pa niya.
Tumango ako at ngumiti sa kanya. “Thank you for trusting me Kuya. Please tell Kuya Kurt too. I’ll take care of myself.”
It was 11 pm nang maisipan nilang umuwi. Shan and Jaja slept in my room. Nakahiga na ako nang Makita ko ang text ni Jake.
From: Jake
Hey.
From: Jake
I’m sorry ngayon lang nakapag text. Madaming trabaho kasi.
Napangiti ako at nag reply.
To: Jake
Hey. It’s fine. I was busy din. I was with my cousins the whole day. Pahinga ka na. I know you’re tired. Good night, Jake.
Nag reply naman siya agad.
From
From: Jake
Yeah. You should sleep now, too. It’s late. Good night, Kara.
Pagkatapos noon ay hindi na ako nag reply. Nakatulog ako agad ng hindi pa natatapos maligo si Jaja sa bathroom.
Kinaumagahan ay nagising ako ng 7 am. 9 am pa naman ang klase ko. Tulog pa si Jaja at Shan kaya naligo na lang ako. Nakapagbihis na ako pero hindi pa din sila nagigising. Hinayaan ko na lang silang matulog. Hindi din naman sila mag tatrabaho ngayon. Wala naman silang gagawin buong araw. Hay. Sana all.
Bumaba na ako para kumain. Hindi ko na naabutan si Papa. Si Mama ay sumama daw kay Papa sabi ni Manang Lucy, aming kasambahay.
“Anak, ipaghahanda muna kita ng agahan.” Sabi ni Manang.
Umiling ako. “Wag na po. Sina Jaja at Shan na lang ipaghanda niyo mamaya. Sa school na lang po ako kakain.” Sabi ko at ngumiti sa kanya.
I went to our garage. I took my keys from my bag. Pumasok ako ng sasakyan at nag-drive papuntang school.
I attended my classes. My classes on Wednesdays end at 3 pm. Tumawag si Kuya Kurt kanina. He informed me na may bodyguards na ako ngayon. Hindi ko sila nakikita pero nasa paligid lang daw sila. Ayaw ko sana pero sabi ni Kuya baka daw umiba ng araw ang pagkidnap sa akin. Lalo na at may nakita silang note sa sasakyan ni Kuya Raymund noong nakaraang araw. They are worried na baka anytime daw ipadampot ako ni Mandy.
After school, I went to the mall. I was about to get inside a boutique ng may naramdaman akong sumusunod sa akin. I texted Kuya Kurt to alert his men. Nagpatuloy lang ako sa pagshopping.
After shopping, I ate dinner at a restaurant. I saw the man sitting at the far corner hiding his face with the menu. I pretended that I didn’t see him. I ordered and waited for my food. Noong dumating ay nagsimula na akong kumain.
I was going to the parking lot noong nawala na ang pakiramdam ko na may sumusunod sa akin. I saw Kuya Kurt’s text saying na bigla na lang nawala ‘yung lalaki. Hindi din naman inutusan ni Kuya ang mga tauhan niya na dakipin kung sino man ‘yon.
The plan was to wait for them to make a move before kami gumalaw. To avoid violence as much as possible lalo na sa public place.
I got inside my car and went home straight. I was bombarded by text messages from my cousins. I replied them all with the same message.
I’m fine. I got home safe.
Hindi ko alam kung sinabi nina Kuya kay Papa ang nangyari. Ayaw ko din naman na malaman nila. Alam naman nila ni Mama ang plano una pa lang.
After taking a bath ay humiga na ako sa kama. Nagpatawag na naman ng meeting si Kuya Kurt para bukas. Mag ru-run through na naman kami sa plano. Isa kasi ito sa ine-expect na mangyayari kaya napag planuhan na agad. Pag-uusapan na lang ulit ang mga gagawin.
Natulog ako ng maaga. Kinaumagahan ay absent na naman ako. Hindi din pumasok sina Jaja sa mga trabaho nila. Sinamahan nila ako sa bahay.
“Ready ka na ba bukas?” tanong ni Shan.
Ngumiti ako. “I guess so. Wala naman akong choice. Ready man ako o hindi, mangyayari pa rin ang mga mangyayari.”
Ngumiti naman ng malungkot si Jaja. “You can do it, K.” cheer pa niya at niyakap ako. Nakiyakap din si Shan. Napangiti na lang ako.
Kumain lang kami sa bahay bago umalis. 1 pm nang makarating kami sa headquarters. Dumiretso na kami sa conference room. Nahuli si Kuya Kurt dahil galing pa siya ng opisina.
When we were completed, nagsimula na ang meeting. Kasama namin ang ibang tauhan dito. They will play a big part in the plan. Lalo na si Sofia. Sofia is older than me, pero magkasing tangkad lang kami. We have the same body built and same hair length.
Hindi pa namin alam kung anong oras magaganap ang k********g. Pero malakas ang kutob namin na sa gabi ito mangyayari. Pag nag confirm na ang mga tauhan ni Kuya Kurt na nasa bar na ang mga kidnapper bukas, magpapanggap si Sofia na ako. Of course, they would know kung saan kami palagi tumatambay ng mga pinsan ko during Friday night. Mandy knows me too well. Si Sofia ay magpapanggap na ako. I would lure the kidnappers to the parking lot. Lalabas ako pag marami nang tao ang papasok sa bar. That’s where the switching will take place. Kukunin ako nina Lester at Dexter at si Sofia ay mag-aabang sa labas.
Pag nakuha na ako nina Lester at Dexter, saka lang magpapanggap si Sofia na ako. Doon lang siya makikihalo sa crowd na parang nanggaling siya sa loob so that the kidnappers would think na ako ‘yon dahil galing ako sa loob.
The purpose of this plan is to capture my kidnappers. Get informations from them about the underground businesses their boss is into. The negotiation of smuggled firearms, the schedule and the venue. We have to make this work. Kahit na natatakot sina Jaja para sa akin bukas, Kuya Kurt and Kuya Raymund want me to go on with this plan. Without me, wala silang chance na makadakip ni isang tauhan nina Mandy. Their men are very well-trained. They are very cautious. Maingat sa mga galaw. Ni isa wala kaming kilala sa kanila. Kaya ang k********g na lang ang pag-asa name kung gusto naming malaman ang lahat ng tungkol sa underground businesses ng ama ni Mandy.
Naisip na din nila last time na si Sofia na lang para maiwas ako sa ano mang kapahamakan. Pero hindi tanga ang mga tauhan nila Mandy. Makikilala nila si Sofia. Mas mabuting makita nila ako ng personal bago ako palitan ni Sofia. In that case, they would really think na ako ang sinusundan nila sa parking lot.
Pagkatapos ng meeting ay umalis na ang mga tauhan. Kaming magpipinsan na lang ang naiwan. Nag-uusap sina Lester, Dexter at Samuel. Sina Raphael, Kuya Kurt at Kuya Raymund naman ang magkausap. Nakisali sa kanila sina Jaja at Shan. Ako naman ay tahimik na lang. Iniisip ko ang lahat ng pwedeng mangyari. Pag nagkamali kami bukas, maaaring wala kaming mahuhuling ni isang tauhan ng mga Amato o makikidnap ako ng tuluyan.
Pagkatapos nilang mag-usap ay nag-aya na akong umuwi. Tinawagan ko si Mama at sinabing sa condo muna ako ngayong gabi. Pumayag naman siya at pinaalalahanan lang ako na mag lock ng pinto.
Nagpahatid ako kay Kuya Kurt sa condo. Hindi kami nag-usap ni Kuya. Nag-iisip siya ng malalim samantalang nakatulala lang ako.
“K,” biglang tawag niya. Napalingon ako sa kanya. “I want you to remember how important this operation is.”
Tumango ako. “Alam ko, Kuya.” Bulong ko. Alam ko. I have risked my heart for this. Iniwan ko si Liam para mangyari ito.
“I want this to be perfect as we planned. Hindi tayo pwedeng magkamali sa ganitong bagay, K. Isang mali lang natin, maaring mawala sa atin ang chance na madakip ang ni isa sa kanila, o ikaw ang mawawala sa amin.”
“I’ll do my best Kuya.” Sabi ko at ngumiti sa kanya. I can sense how scared he is. Not for himself, but for me.
Nang makarating kami sa entrance ng tower ay nagpaalam na ako sa kanya. “Good night, Kuya.” Humalik ako sa pisngi niya.
“Good night, K.” ginulo niya ang buhok ko. Ngumiti ako sa kanya at bumaba na ng sasakyan.
Papasok na ako ng elevator ng tumunog ang phone ko. Nakitang kong tumatawag si Jake. Sinagot ko agad ‘yon.
“Hey.” Masiglang sabi ko. Pinindot ko ang 11th floor.
“Hey, you.” He replied.
Napangiti ako. “Bakit ka napatawag?” tanong ko.
“I want to see you.” Biglang sabi niya. “Pero sa bahay niyo ka umuwi ngayon?” tanong niya.
Natigilan ako. I want to think clearly tonight. I will have a big day tomorrow. Pero hindi ko siya matanggihan. “Actually, kakarating ko lg ng tower.” Sabi ko ng nakangiti.
“Talaga?!” malakas na sabi niya.
“Uh, yeah. Nasa floor na nga ako.” Sabi ko nung tumunog ang elevator.
Paagkalabas ko ay saktong bumukas ang pinto niya at lumabas siya. He’s only wearing a gray sweatshorts and a white shirt. He’s also wearing a slipper. Napatigil siya nang makita ako.
Pinatay ko ang tawag at naglakad papalapit sa kanya. Binaba niya din ang phone niya at naglakad. He stopped in front of my unit. I got my keys from my bag.
I was hesistant to ask at first but I did, anyway. “You want to come inside?”
He looked down and scratched his head. “Is it okay with you?” tanong naman niya.
Oh, he looked shy. Parang hindi pa kami naghalikan, ah?
Nakangiting tumango ako sa kanya. “Of course. Aayain ba kita kung hindi pwede?” natatawang sabi ko.