Chapter 7: The Legendary Guardians

1393 Words
Nicole POV Last month hindi natuloy ang combat training namin dahil sa emergency meeting ng mga teachers. "Pinapunta ko kayong lahat dito para sa isang actual combat training." Pag-aanunsyo ni professor Jaie. "Ngayon isuot niyo ang bracelet na ibibigay ko sa inyo. Ang bracelet na ibibigay ko sa inyo ay may life bar. Kapag naubos ang life bar niyo ay automatic na mapupunta kayo sa clinic. Atsaka ang bracelet na iyan ay may nullification. So it means hindi ninyo magagamit ang inyong magical powers." Pagpapaliwanag ni professor Jaie sa bracelet na ibinigay sa amin. "Kailangan ninyong makapunta sa dulo ng gubat na ito. Hanapin niyo ang ilog at kapag nahanap niyo na ang ilog hanapin niyo ang lagusan papunta sa kweba ng mga legendary guardian sa pamamagitan ng ilog. Kayo na ang bahala kung paano niyo mahahanap ang kweba na iyon." Sabi ni HM. "Mag-iingat kayo dahil makakalaban niyo ang mga clone ni HM. Kahit clone ang makakalaban nyo malakas parin ito." Pagpapaalala niya sa amin. Tinignan ko ng mabuti ang mukha ni professor Jaie at kapansin-pansin sa mukha niya na bata pa ito. "Ahmm. Pwede po bang magtanong ilang taon na po ba kayo professor Jaie?" Tanong ko dahil sa na-curious talaga ako at saka sabi ni Aya sa akin na bago lang si Professor Jaie sa pagiging Teacher. "21 years old. May tanong ka pa ba?" Sagot niya sa tanong ko. "Wala na po. Pasensya na po curious lang." Tugon ko sa kanya. "Tsk." Sabat ni Light kaya inirapan ko ito. "Okay kung wala kanang tanong magsisimula na tayo." Nang mag GO na si prof. Jaie tumakbo agad kami. Tumagos kami sa barrier na nakalagay sa forest. Takbo lang kami ng takbo hanggang sa mapunta kami sa gitna ng gubat. Kasama ko ngayon si Aya at Eric. Napahinto kami ng may apat na clone ni HM ang humarang sa dina-daanan namin. Sumugod ang isang clone ni HM kay Eric ganun din kay Aya. Yung dalawang clone na natira ay sumugod sa akin. Sinuntok ko sa mukha yung unang papuntang clone sa akin kaya ayun natumba. Sumunod naman yung pangalawang clone. Agad na sinuntok ko siya sa tiyan at sinipa ng pagkalakaslakas ang alaga niyang anaconda kaya ang resulta ay natumba siya at namimilipit sa sakit. Hinarap ko yung unang clone na sumugod sa akin pero sa pagharap ko pinalo niya ako ng kahoy sa ulo. Natumba ako at nadaganan ang pangalawang clone na sumugod sa akin. Nang maramdaman ko na papaluin na naman niya ako agad ako umalis sa pagkakadagan sa pangalawang clone kaya ang nangyari imbis ako ang mapalo yung alagang anaconda ni clone two ang napalo ni clone one. Ouch! Masakit siguro iyon. Nang may nakita ako na kahoy na pwedeng ipangpalo ay agad ko iyon kinuha. Sumugod ako kay clone one at pinalo ang ulo niya tapos sinipa ang tiyan niya. Nawala na siya kaya si clone two naman. Unang sumugod si clone two. Papaluin na sana niya ako sa ulo pero inunahan ko siya. Hinampas ko ang alaga niyang anaconda at hinampas ang kanyang ulo. Agad naman siyang naglaho. Siguro kung hindi clone ang mga iyon at si HM talaga ang nakalaban ko panigurado hindi na talaga iyon magkakaanak dahil baka na durog ang betlog niya. Tinignan ko ang paligid pero sa paglingon ko ay nawala din sila Aya at Eric kasabay ng pagkawala ng mga kalaban nila. Nagpatuloy nalang ako sa pagpunta sa dulo ng gubat. *Third person POV* Sa pagpasok ng mga estudyante sa loob ng gubat agad pinanood ni prof. Jaie ang hologram kung saan makikita ang bawat kilos ng mga estudyante. May mga estudyante madaling napunta sa clinic. Lumipas ang labing-limang minuto, ang mga natira nalang sa gubat ay ang apat na royalties at ang babaeng nagngangalan na Nicole Dark. Nakuha ng babaeng ito ang atensiyon ni prof. Jaie at ng HM nila. Lumipas ang limang minuto si Nicole nalang ang natira sa gubat. Kahit ang prinsepe na si Light ay agad na napunta sa clinic dahil naubos ang life bar niya sa pakikipagbakbakan dahil mahina siya sa physical combat. Tinignan lang nila si Nicole o mas kilalang Dark sa mundo ng Mahika. Tinignan nila ito na nakarating din sa ilog. Pero sa pagdating ni Nicole sa ilog ay kasabay din ng pagkawala ng signal ng hologram. "Anong nangyari? Bakit nawala ang signal?" Tanong ni prof. Jaie sa mga nagmamanipula ng mga hologram. Nicole Dark POV Hinanap ko ang kweba ng makarating ako dito sa ilog pero nang tinignan ko ang buong paligid wala parin akong nakikitang kweba. Inalala ko ang sinabi ni HM. "Ang sabi ni HM hanapin ang ilog. Ngayon nahanap ko na ang ilog tapos hanapin daw ang kweba pero wala naman akong mahanap na kweba." Sabi ko sa aking sarili. "Hmmm...sandali lang ang sabi ni HM hanapin ang kweba ng Legendary guardian sa pamamagitan ng ilog. ILOG?" Tumingin ako sa ilog. May nabuong ideya sa aking isip. Agad akong tumalon sa ilog at sumisid sa kailaliman nito ng may nakita akong isang lagusan kaya agad akong lumangoy patungo doon. Sinundan ko iyon hanggang sa tuluyan na akong naka-ahon sa tubig. Tinignan ko ang paligid. Siguro ito na yung kweba ng legendary guardian. Nagpatuloy ako sa paglalakad at may nakita akong tatlong itlog na kulay pula, asul, at berde. Kasing laki ito ng bola ng volleyball at may nakita din akong isang napakalaking itlog na kulay itim na kasing laki ng dalawang bola ng basketball. May naka sulat sa itim ng itlog at naka Italian ang pagkakasulat nito. Hindi ko alam kung bakit nababasa ko ang nakasulat dito. "Yo soy la princesa oscura, la princesa perdida de este guardian. Unseal." Pagkatapos ko bigkasin ang nakasulat sa itim na itlog bigla nalang itong lumiwanag kaya napapikit ako. Nang mawala na ang liwanag nakaramdam ako ng napakainit na enerhiya pero hindi ako napapaso. Idinilat ko ang mga mata ko at napatulala sa nakita. Isang malaking Phoenix na may kulay na black with white. Nag bow ito sa aking harapan at naging isang black with white na usok. Akala ko aatakihin ako ng usok ngunit pumunta ito sa kaliwang kamay ko at dumaloy sa tattoo ko sa kamay patungo sa braso ko hanggang sa makarating ito sa tattoo ng likod ko. Napasigaw ako dahil sa init na ibinibigay nito sa tattoo ko. Nanghihina na ako at lumalabo na din ang mata ko pero bago pa ako mawalan ng malay may narinig akong may nag c***k. Nagising ako dahil sa mga ingay na naririnig ko sa paligid. Binuksan ko ang mga mata ko. Sa pagbukas ng mata ko nakita ko ang isang squirrel. "Hi." Sabi nito. "Ahhhhhh!" Sigaw namin pareho ng squirrel at lumayo ako sa kanya. "Master tumahimik po kayo." Sabi naman ng isang squirrel na nakadamit na kulay blue. "Paano ako tatahimik kung may nagsasalitang squirrels sa harap ko!" Sigaw ko. Baliw na ba ako? Am I seeing things? Este animals? "Master Nicole. Huminahon po kayo. Kami po ang second guardian niyo at saka correction po hindi po kami squirrels, chipmunks po kami. Ako po si Theodore, ito naman pong naka kulay asul na damit si Simon at 'yong sumigaw naman po na naka kulay pula ang damit ay si Alvin." Sabi nong naka kulay berde ang damit na si Theodore. Sandali lang . . . chipmunks yung parang. "Kayo yung nasa TV? So totoo pala kayo?" Tanong ko. Tumango naman sila. "Atsaka, second guardian ko kayo? Ako ang master nyo?" Tanong ko ulit at tumango naman sila. "Kung second guardian ko kayo nasaan na iyong main guardian ko?" Tanong ko. "Iyong main guardian niyo po ay nasa tattoo niyo po master." Sagot ni Simon. "Sino iyong main guardian ko?" Tanong ko ulit. Napakamot naman si Alvin sa ulo niya. "Iyong phoenix po." Sagot ni Alvin. "Kung ganun, iyong Phoenix na nakita ko na naging usok na pumasok sa kamay ko na dumadaloy sa tattoo ko papunta sa likod ng tattoo ko ang main guardian ko? Cool!" Sigaw ko at nagtatalon sa tuwa. Nahagip ng mata ko ang apat na itlog na nabiyak na. Kung ganun doon sila galing. Napagpasyahan namin na umuwi na. Dadaan sana ako doon sa ilog pero pinigilan nila ako. Sabi nila na magteteleport nalang daw kami. Hindi nga ako makapaniwala na may power sila eh. Nang makarating kami sa dorm ko ginamot nila ako at gabi na ng makauwi ako kaya napagpasyahan namin na matulog na. Binigyan lang nila ako ng candy na nagpapabusog kaya no problem na ako sa pagkain ngayong gabi at mag katabi kaming apat sa pagtulog sa kama ko. "Good night Master." They said in unison. "Good night too Theodore, Simon and Alvin." To be continue...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD