bc

The Last Oracle

book_age16+
423
FOLLOW
1.0K
READ
dark
forbidden
love-triangle
fated
brave
drama
comedy
bxg
mystery
betrayal
like
intro-logo
Blurb

He is my Light and I'm his Dark,

I'm in hell while he is in heaven,

Yet we have opposite personality that doesn't fit what God gave to us.

I'm good while he is bad.

We are meant to be rival but love interrupt the fate.

Love is forbidden for the both of us but love win and nothing can stop about it.

But love also our death.

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Her
Her POV Mabilis kong tinapos ang morning ritual ko at nang matapos ako ay agad akong bumaba at kinuha ang tinapay na hinanda ni manang Lea. "Anak kumain ka muna," sabi ni manang Lea. "Ito na lang po. Alis Na po ako," Sabi ko at umalis na. Palaging ganito ang eksena tuwing umaga. Parang sanay na nga ako na sila manang ang nakikita ko. I can't blame my parents because I'm only just their adopted child. Swerte na siguro ako dahil may kumupkop sa akin. Kung wala sila ay paano na ako ngayon? Kaya kahit palagi wala sila ay hindi na lang ako nagrereklamo na kailangan ko ang mga presensya nila. Sa tuwing iniisip ko kung bakit ako napunta sa pamilya na ito ay sumisikip ang dibdib ko. Bakit ginawa pa nila ako kung hindi naman nila ako kayang buhayin? Sumakay agad ako sa van at inihatid ako ni manong Miguel sa paaralan na papasukan ko. Agad akong bumaba at nagpaalam kay manong Miguel at ng tinignan ko ang relo ko ay 7:15 na. Kaya pa at 7:30am pa ang start ng klase namin. When I reached the door I open it and entered the room. Agad ako pumunta sa likod na malapit sa bintana. Every students here inside of this room has their own world. Nakatanggap ako ng text mula kay Claire. From Claire: Bess magkakaroon ng paligsahan mamaya. Kailangan ka namin mamaya. To Claire: I'm sorry bess. Hindi ako makakapunta mamaya. From Claire: Okay bess. If you have problem don't hesitate to call me. Mwuah. To Claire: Thank you bess. Mwuah. Mabuti na lang nag text siya sa akin. Medyo gumaan ang pakiramdam ko. Napatingin na lang ako sa bracelet na nasa kanang kamay ko. Napangiti na lang ako ng mapait ng maalala ko ang masaklap na nangyari sa kasintahan ko na si Henry. "Good morning class," agad akong napatingin sa harap at pilit na binaliwala ang sakit na naramdaman ko ngayon. "I am Isabel Cruz your advisor and your science teacher. Tawagin nyo na lang akong mrs. Cruz. Hindi muna ako magtuturo ngayon. Ang gagawin natin muna ngayon ay magpapakilala sa isa't-isa," sabi ni ginang Cruz. Itinago ko na lang ang bracelet sa bag ko at itinuon ang atensyon sa harap. "Rochelle Mendez" "Marvin Dante" "Gaby Santos," Tumayo ako ng ako na ang susunod. "I am Nicole Dark Gonzales." Pagpapakilala ko. Napabuntong hininga ako ng makaupo sa upuan ko. Hindi ko alam pero parang kinakabahan ako. Hindi ko mawari kung ano ang dahilan. After the introduction, Mrs. Cruz let us know each other. Some girls was approaching me, but I only smiled and turned my back from them. I'm not ready to have another friend beside Claire. Natapos ang aming buong maghapon pagpapakilala namin sa aming sarili sa isa't-isa, at iyon lang ang ginawa namin. Paglabas ko sa classroom ay agad ako pumunta sa parking lot dahil doon ako susunduin ni manong Miguel. Nang matanaw ko ang van agad akong pumasok doon. "Kumusta ang first day anak?" tanong ni manong Miguel sa akin ng makapasok ako sa sasakyan. Nginitian ko siya bago sumagot "Okay lang po," magalang na sagot ko sa tanong niya at kinuha ang headseat ko sa bag at nakinig ng music ni Dua Lipa na Homesick. Tumango lang si manong Miguel at nag drive na pauwi. Nang nakababa ako sa sasakyan agad akong pumasok sa mansion namin at unang bumungad sa akin ay si manang Leah. "Nandito na po ba sila mom?" tanong ko na ikinailing niya. "Pasensya na hija pero pinapasabi ng mama mo na hindi siya makakauwi ng maaga ngayon," malungkot na sagot ni manang Leah sa akin. Hindi na ako nabigla sa sagot ni manang Leah. Palagi naman ganun eh kapag umuuwi ako sa mansion wala sila mom at dad. Sana binigyan nila ako ng kapatid para may makausap man lang ako at makasama sa boring na mansion na ito. Pero kahit gusto ko magkaroon ng kapatid at magkaanak sila ay parang malabo rin dahil noong hindi pa nila ako nakita ay malabo na ang relasyon nila. Ang sabi pa ni mommy sa akin noon na ako daw ang naging dahilan kung bakit hindi pa sila nag d-divorce ngayon. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi sa sinabi ni mommy sa akin. They don't love each other. Iyon ang sabi ni daddy sa akin pero hindi iyon ang nakikita ko. Hindi ko alam kung bakit mataas ang mga pride nila at pinipigilan nila ang damdamin nila. "Akyat na po ako sa kwarto ko manang," Magalang na sabi ko at nagmamadaling pumasok sa kwarto. Nang makapasok ako ay agad ko itinapon sa kama ang bag ko at nagbihis ng panglakad na damit. Pupunta ako sa lugar kung saan masaya ako. Nang matapos ako magbihis agad akong bumaba at nakasalubong si manang Leah. "Saan ka pupunta hija? Madilim na sa labas," tanong ni manang Leah. "Mamamasyal lang po ako manang." Sagot ko sa kanya at lumabas na. Ipapahatid pa sana ako ni manang kay manong Miguel pero tumanggi ako. Kasalukuyang nagmamaneho ako patungo sa resort ng pamilya ko. Nang nakarating ako sa resort ay agad akong pumunta sa paboritong spot ko kung saan isang tagong area at malayo sa mga tao. Habang naglalakad ako patungo doon sa spot ko ay napuwing ako kaya huminto ako sa paglalakad at bigla na lang ako natumba ng may bumangga sa akin. Tumingin ako sa taong bumangga sa akin pero laking gulat ko na lang na walang tao sa paligid. Biglang tumayo ang mga balahibo ko sa katawan at nagmamadaling umalis sa area na yun. Nang makapasok ako sa paboritong spot ko o mas kilalang rest house ay agad akong humiga sa kama at nakatulog ako dahil sa pagod. Nagising ako ng hating gabi at napagpasyahan ko na lumabas at maglakad-lakad sa tabing dagat. Habang naglalakad-lakad ako ay may nakita akong isang anino ng tao sa mapunong bahagi ng silangan at dahil sa takot agad akong bumalik sa rest house at bumalik sa higaan. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang mga nangyari kanina na may bumunggo sa akin pero wala namang tao. Pangalawa yung anino ng tao na nakita ko kanina lang. Walang ibang tao ang nakakaalam sa lugar na pinagtatayuan ng rest house ko. Bumigat ang talukap ng mga mata ko at tuluyan ng nakatulog sa kakaisip sa mga weirdo na nangyayari sa araw ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Enchantasia: The Academy of Magic ✔

read
125.8K
bc

Mr. Childish

read
203.5K
bc

A Deal With Isaiah

read
2.9K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
189.2K
bc

My Master and I

read
134.2K
bc

Del Rio's Selfless Wife(Completed)

read
934.3K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook