Chapter 8: Combat Battle Representative

1763 Words
Nicole POV Andito ako ngayon sa loob ng banyo at naliligo. Yung tatlong chipmunks gising na at sila na daw ang magluluto. Pumayag naman ako. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako. Sinuot ko ang long sleeve na white, black necktie, black skirt na 2 inches above the knee, white high knee socks and black shoes. Habang nagsusuklay ako may narinig akong may kumakanta. Pumunta ako sa kusina dahil doon nanggagaling yung kanta na narinig ko. [Alvin] Where is the moment we needed the most [Simon] You kick up the leaves and the magic is lost [Theodore] They tell me your blue skies fade to gray [Theodore & Simon] They tell me your passion's is gone away [Alvin, Simon and Theodore] And I don't need no carry on Cause you had a bad day your taking one down You sing a sad song just to turn it around You say you don't know You tell me don't lie You work at a smile and you go for a ride You had a bad day You've seen what you like And how does it feel for one more time You had a bad day Oh, you had a bad day. Nadatnan ko sina Alvin, Theodore and Simon na kumakanta. Sumandal ako sa pinto at pinagmamasdan sila. Tapos na sila magluto at hinahanda nalang nila ang mga pagkain sa lamesa. Habang ginagawa nila iyon kumakanta parin sila. Nakakatuwang isipin na totoo sila at ngayon sila pa ang second guardian ko. "Sa wakas! Tapos na din tayo!" Sigaw ni Theodore. "Alvin tawagan mo na si master para makakain na tayo." Sabi naman ni Simon. "Yes Brother!" Sigaw ni Alvin at nagsalute pa. "Hindi na kailangan." Sabi ko. Napatingin naman sila sa akin. "Oh! Master nandiyan na po pala kayo." Sabi ni Alvin ng makita niya ako. "Anong niluto niyo?" Tanong ko habang lumalapit sa lamesa na may pagkain na hinanda nila. "Apat na itlog at apat din na jumbo hotdog." Sabi ni Alvin. "Bakit apat lang?"Tanong ko. "Isa sa iyo at isa din sa amin. Diba apat lang tayo dito sa dorm mo Master?" Tanong ni Simon. "Yes, apat lang tayo and correction. Dorm NATIN." Ako "Talaga Master? Dorm na din namin ang dorm mo?" Tanong ni Theodore. "Yes, kaya kumain na tayo kasi gutom na ako." Sagot ko at kumain na kami. Pagkatapos namin kumain hinugasan ko na agad ang mga pinagkainan namin. "Master 7:30am na po! Late na kayo!" Sigaw ni Simon. "Ano?!" Agad ko kinuha ang bag pack ko at tumakbo palabas sa dorm. Tinawag pa nila ako pero hindi ko sila pinansin. Ang nasa isip ko lang ngayon late na ako at ayaw kong malate dahil isa na sa favorite subject ko ang combat subject. Nang makarating na ako sa 6th floor huminto ako at huminga muna ng malalim. Niluwagan ko ang pagkatali ng necktie ko at unbotton ko ang botones ng long sleeve ko. Hindi ko mapunasan ang pawis ko kasi nakalimutan ko magdala ng panyo. Maglalakad na sana ako pero huminto ako dahil sa gulat. Paanong nauna sila sa akin? Eh, ako iyong na unang umalis sa dorm ah? Lumapit naman sina Alvin sa akin. "Paano kayo ang nauna sa akin?" Tanong ko sa kanila. "Master nakalimutan mo na kaya naming magteleport." Sabi naman ni Simon. "Oo nga master, kanina pa po kami naghihintay sa iyo dito." Sabi din ni Theodore. "Kaya nga po tinawag ka namin kanina Master eh para sabay na tayo magteleport dito." Sa tono ng pananalita ni Alvin ay parang pinangangaralan niya ako habang naka pamewang. Napangiwi nalang ako sa mga pinagsasabi nila. Maglalakad na sana ako ng may nag bato ng panyo sa mukha ko. Isang lalaking naka eye patch sa left eye. "Huwag mo nang ibalik iyan." Sabi ng lalaking naka eye patch sa harap ko. Pagkatapos niyang sabihin iyon nagteleport siya sa harap mismo ng pinto ng classroom ko at pumasok siya. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at sinipa ang pinto ng classroom ng section ko. Nagulat na napatingin sa akin si prof. Jaie. Pumasok nalang ako at hindi ko siya pinansin. Sumunod naman ang tatlong chipmunks sa akin. "Good morning ms. Beautiful." Bati ni Alvin kay prof. Jaie. "Ahhhh!" Sigaw ng mga maarte kong classmates. "Please keep quiet class!" Sigaw ni prof. Jaie pero hindi parin sila tumahik. Nanuod lang ako sa mga kaartihan ng mga kaklase ko. Bigla silang natahimik at bakas sa mukha nila ang takot ng may sumigaw sa likuran. "SHUT UP!" Sigaw ng lalaking malamig ang boses na nanggagaling sa likuran. Hinanap ko ang may-ari ng boses na iyon. Nakita ko ang lalaking nagmamay-ari ng boses. Siya ang lalaking nagbigay I mean nagbato ng panyo sa pawis kong mukha kanina. "Okay ms. Gonzalez you may take your seat." Sabi ni prof. Jaie sa akin. Pagkasabi ni professor Jaie umupo agad ako sa upuan ko. "Congrats sayo ms. Gonzalez dahil ikaw lang ang kauna-unang nakapunta sa kweba ng mga legendary guardian." Pagbati sa akin ni prof. Jaie na nagpalagay ng question mark sa isip ko. "Tama!" Sabay na sigaw naman ng mga guardian ko. "Sino naman itong mga talking-squirrel ms. Gonzalez?" Tanong ni prof. Jaie sa akin. Sasagot na sana ako pero naunahan ako ni Alvin. "FYI ms. Beautiful, hindi kami squirrel. Chipmunks kami. CHIPMUNKS. Atsaka kami ang guardian ni master." Sabi ni Alvin na ikinagulat ni prof. Jaie. "Guardian? Kayo? Ang guardian ni ms. Gonzalez? Pero paano?" Tanong ni prof. jaie. Sasagot na sana si Alvin ng takpan ni Simon ang bibig niya. "Hindi namin alam at huwag niyo na din tanungin si master dahil hindi rin niya alam." Sagot ni Simon. Nagkibit balikat nalang si prof. Jaie at sinimulan ang klase. Pagkalipas ng tatlong oras na pagtuturo ni prof. Jaie tungkol sa mga offense and defense ay saktong pagtunog ng bell na senyales na ng recess na. "Okay class dismiss." Pagdismiss ni Prof. Jaie sa klase pero tumingin muna siya sa akin bago umalis sa classroom. Hinila ako ni Aya patungo sa cafeteria. Kami lang ang nandito sa cafeteria kasi ang mga ibang studyante nasa kanya-kanyang dorm na nila. Bigla kasi tumunog ang speaker pagkatapos magbell kanina. "Bakit iyong mga prince lang ang tinawag at pati yung may eye patch?" Tanong ko kay Aya. "Hindi ko alam. Nakakatampo nga eh." sabi niya. "Kilala mo ba iyong lalaking naka eye Patch?" Tanong ko. "Yes, kilala ko siya. Siya ay si Cloud Scheler. Actually magkababata kami. Isa din siya sa mga prince." Aniya. "Huwag na 'wag kang lalapit sa kanya pati kay kuya Light." Sabi niya. "Bakit naman?" Tanong ko. Inilabas ko ang panyo na binigay ni Cloud. "Kasi-" hindi natuloy ang sasabihin niya ng mapatingin siya sa hawak kong panyo at para siyang nagulat at namutla. "Paanong napunta iyan panyo sayo? Alam mo ba na ang pinaka ayaw niya iyong makikita niya ang gamit niya na hawak ng iba? Wala siyang sinasanto mapa matanda man o bata, mapalalaki man yan o babae. Gagawin niyang abo ito gamit ang kaliwang mata niya. Ibalik na natin yan bago pa niya makita na hawak mo ang panyong iyan lalo na bigay iyan ng kanyang namayapang ina niya." Taranta niyang sabi sa akin at akmang hihilain na naman ako ng pigilan ko siya. "Hep! Hep! Sandali lang!" Sigaw ko. "Tanong ka nang tanong eh hindi mo naman ako pinapasagot." Sabi ko at nag pout. "Una sa lahat binigay I mean binato niya ito sa aking mukha. At pangalawa sinabi niya 'wag ko na daw isuli sa kanya." Sabi ko sa kanya. "Ano binato niya yang panyo sa iyo at sinabi pa niya na 'wag nang isuli pa? Ang swerte mo naman. Ako nga na kababata niya hindi niya ako binibigyan ng regalo tuwing birthday ko. Paano? Bakit?!" Sigaw niya at nag drama pa ang loka. "Huwag ka ngang OA jan. Atsaka hindi kaba nag-alala sa akin kahapon?" Pagpapalit ko ng topic dahil nakita ko kasi iyong mga prince na palapit sa amin. "Syempre nag-aalala ako sayo. Atsaka ikaw lang ang nakapunta doon. Alam mo ba ang sabi sa book of prophecy na ang tanging makakapasok lang sa cave of LG  (legendary guardian) ay ang may dugong royal blood. At isa sa mga royal blood lang ang makakakuha ng legendary guardian. Kaya nagtataka ako kung bakit ikaw ang nakakuha ng legendary guardian. Baka ikaw ang nawawalang kapatid namin pero hindi lang sinabi ng mga magulang namin na may nawawalang kapatid kami?" Sabi ni Aya. "Impossible naman ata yang sinasabi mo Aya." Sabi ko sa kanya at tumawa. "Oo, ampon ako pero hindi naman siguro na magulang ko ang mga magulang mo." Sabi ko sa kanya. Magsasalita sana si Aya pero hindi na ito natuloy ng sumigaw si Wencent. "Ms. Hot MY LABSS!" Sigaw ni Wencent. Akmang yayakapin niya ako ng may apoy ang tumambad sa harap ng mukha niya. "Hoy! Ikaw Light 'wag mo naman sunugin ang napakagwapo kong mukha!" Sigaw ni Wencent kay Light at pinakita ang muscles niya sa braso. Hindi niya pinansin si Wencent at pumunta sa kinaroroonan ko at bigla akong hinila. Dahil mas malakas siya sa akin nahila niya ako ng walang kahirap-hirap. Nagteleport kami sa harap ng pinto sa office ni HM. "Ano bang problema mo? Bakit ba bigla ka nalang nanghihila?!" Sigaw ko sa kanya. "Tsk. Follow me." Sabi niya at pumasok sa loob ng office ni HM. Sumunod nalang ako kahit naiinis ako. Nakita ko si HM na nakaupo sa swivel chair. "Makakaalis kana Light." Sabi ni HM. "Tsk." "Maupo ka Ms. Gonzalez." Sabi ni HM. Umupo ako sa sofa na nasa side table ni HM. "So, Ms. Gonzalez naka pagdecide ka naba?" Tanong ni HM na nagpakunot ng noo ko. "Ano po ba ang pinagsasabi niyo HM?" Nagtataka ko na tanong. "Hindi pa ba sinabi sa iyo ni Light?" Tanong ni HM. Umiling ako. Napabuntong hininga naman siya. "May gaganapin kasing paligsahan. Dapat bawat paaralan may representative. May tatlong kategorya ang paligsahan. Una ang Elementalist. Ito ay para sa mga may kapangyarihang earth, wind, water, and fire. Pangalawa ay ang non-elementalist. Ito ay para sa mga hindi Elementalist. At ang huling kategorya ay ang CB (combat battle) ito ay para sa mga marunong makipaglaban na hindi ginagamit ang kapangyarihan." Pagpapaliwanag ni HM. "Ikaw ang pinili ko para sa ikatlong kategorya. Ang tanong tatanggapin mo ba?" Tanong ni HM sa akin. "Eh? Bakit po ako? Iba nalang po o kaya kayo na lang?" Tinatamad kong pagmamaktol. Napailing naman si HM sa inakto ko. "Ikaw ang pinili ko kasi nakita mismo ng dalawang mata ko na magaling kang makipaglaban sa physical na laban. Atsaka ikaw lang ang nakarating sa kweba ng legendary guardian." Sabi niya. "So, tatanggapin mo ba? Sana ay pumayag ka para sa school na ito at may pag-asa ka pang makapasok sa top five." Sabi niya. Napaisip naman ako sa sinabi niya. Kung sasali ako may pag-asa na ako na makarating sa top five at kapag nangyari iyon makakauwi na ako sa amin. Sa mundo ng mga tao. "Tatanggapin ko po." Pagpayag ko sa alok niya. "Mabuti naman at pumayag ka." Masayang wika ni HM. Nagpaalam na ako sa kanya at dumiretso sa dorm. To be continue...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD