Chapter 6: The Three Prince

911 Words
One month had passed simula ng nakapasok ako rito. Andito ako ngayon sa cafeteria kasama si Aya Miller. Yung araw na gumawa siya ng eksena sa cafeteria, yung una naming pagkikita, yun din ang araw na palagi kami magkasama maliban na lang kapag gabi kasi nasa kanya-kanya kaming dorm. Yung araw na yun na buo ang pagkakaibigan namin. Sinusubukan lang niya raw na awayin ang newbie para malaman niya na isa bang bitchesa o hindi ang transferee which is ako. Napalingon ako kay Aya ng pinitik niya ang noo ko. "What's your problem?" tanong ko habang hinihimas ang noo ko na pinitik niya. "Ang problema ko ay hindi ka nakikinig sa akin. Kanina pa ako dada ng dada dito," agmamaktol niya. "Sorry, okay?" sabi ko. "I said a while ago, darating ngayon ang mga kapatid ko!" Excited niyang pagkwento sa akin. Hindi ko kilala ang mga kapatid niya. Hindi rin niya sinabi ang mga pangalan nila. Simula ng magkaibigan kami palagi niya ikinukwento sa akin ang mga kuya niya. Isang buwan na rin sila wala rito dahil sa binigay na mission sa kanila. Biglang umingay ang mga estudyante sa loob ng cafeteria dahil sa dalawang gwapong lalaki na pumasok dito. "Kyahh! Ang gwapo mo pa rin Prince Eric! Be my boyfriend!" sigaw ng isang babae. "Prince Vincent anakan mo ako," Sigaw din ng isa pa. Napangiwi naman ako sa sinabi niya. "Kadiri ka girl," panlalait naman ng kasama niya. "Wala kang paki," pagsusungit niya at inirapan ito. Pumunta sa table namin ang dalawang lalaki na prince raw. Ito namang kasama ko bigla na lang tumayo at dinambahan ng yakap ang dalawang lalaki. "Kuya namiss ko kayo!" sigaw ni Aya kaya napatakip ako sa tenga. Kailangan ba talagang ipagsigawan niya. Tsaka kuya niya pala itong dalawang nilalang nato. "Namiss ka rin namin bunso," tugon ng kapatid niya na may kulay brown na buhok. "Asan si kuya Light?" tanong ni Aya. Oo nga no, asan kaya yung isa niya pang kuya? Ang kwento ni Aya sa akin may tatlong kapatid na lalaki siya pero dalawa lang nandito ngayon. "Nag-usap sila ni HM," sabi ni blue hair. "Mga kuya may ipapakilala ako sa inyo yung new friend ko," sabi ni Aya at hinila ang mga kapatid niya patungo sa table namin at punaupo ang mga ito. "Lez ito pala ang mga kapatid ko," pagpapakilala ni Aya sa mga kapatid niya. "I'm Eric Miller, prince of earth," sabi ni brown hair at ngumiti sa akin na tinanguhan ko bilang tugon. "I'm Vincent Miller, prince of Earth. Pangalawa sa magkakapatid at itong si Eric ang pangatlo," sabi nito at ngumiti rin sa akin. "Dark Gonzalez," tipid na pagpapakilala ko. "Ano nga pala ang magical power mo?" tanong ni Eric sa akin kaya napatingin ako kay Aya. "Hay nako kuya wala kang makukuhang sagot kay Lez dahil kahit ako hindi ko alam. Malalaman lang natin kung ano ang magical power niya kapag nag leveling na tayo," sagot ni Aya sa tanong ni Eric para sa akin. Nag-usap lang kami tungkol sa gusto namin at hindi gusto namin. Nang nag bell na una silang umalis sa cafeteria. Ako naman dumiretso sa garden dito sa academy. Habang naglalakad ako patungo sa garden kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng bag. Huminto ako para makita ito ng maayos. Nang makita ko na at akmang kukunin ko na ang cellphone ko ng may bumangga sa akin at nilagpasan ako. Bigla akong nainis dahil hindi man lamang niya ako tinulungang makatayo at dahil sa inis kinuha ko ang unang bagay na nahawakan ko sa loob ng bag at ibinato sa kanya. HEADSHOT. Hindi niya inaasahan ang ginawa ko kaya natamaan siya sa ulo. Dali dali ko naman kinuha ang mga gamit ko at tumakbo ng mabilis bago pa niya ako makita. Hinihingal akong napaupo rito sa ilalim ng puno. Tinignan ko ang paligid ko at napagtanto ko na andito na pala ako dinala ng mga paa ko sa gubat. Kinapakapa ko ang cellphone ko sa loob ng bag ngunit wala akong nakapa ng sumagi sa isip ko ang bagay na binato ko. "Patay! Bakit yun pa?" napasabunot ako sa buhok dahil sa katangahan na ginawa ko. "Umaandar na naman ang katangahan mo Nicole," sabi ko sa aking sarili habang pinupukpok ang noo ko. Bumalik ako doon sa lugar kung saan ko ibinato yung cellphone ko. Linibot ko na ang buong lugar pero hindi ko pa rin nakikita ang cellphone ko. Sumuko na lang ako baka marahil kinuha na yun ng lalaking bumangga sa akin. Ngayon pumunta na lang ako sa susunod na subject namin. Habang naglalakad ako may bumangga na naman sa akin kaya nahulog na naman ang bag ko at natumba ako. Uso ba ang banggaan ngayon? Hay naku nakakastress na talaga sila. Pero this time tinulungan na ako ng naka bangga sa akin. Inilahad niya ang kamay nya sa harap ko kaya tinanggap ko ito. "Thank you. I'm Dark Gonzalez and you are?" Tinignan niya ako saglit. "Prince Light... Light Miller," sabi niya at nilagpasan ako. Napaisip ako saglit at ng mapagtanto ko na siya pala ang kapatid ni Aya. "And I don't accept thank you, stupud," sabi nita at nagpatuloy na sa paglalakad. Bago pa ako makapag react nawala na siya. "UGGHHH! Im not stupid," sigaw ko dito sa hallway. Hindi ako na inform na may kasungitan pala itong si Light. Sana hindi na magtagpo ang landas namin dahil naiinis ako sa kanya lalong-lalo na sa kanyang mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD