Nicole POV
Habang nasa loob ng classroom iniisip ko kung bakit ako ang nagkaroon ng legendary guardian. Hindi ako taga rito kaya nagtataka ako kung bakit.
Nagtataka din ako kung bakit pumasok sa tattoo ko ang naging usok na Phoenix. Biglang tumunog ang speaker kaya natigil ang pagdidiscuss ni prof. Lane sa history.
"All students please proceed to the training ground. All students please proceed to the training ground." Pagtunog ng speaker.
Tumayo ako at lumabas na sa classroom. Hindi ko kasama ngayon si Aya kasi pinatawag sila ni HM kanina at yung tatlong chipmunks naman tulad ng nangyari sa Phoenix naging usok din sila at pumasok sila sa tatoo ko. Sabi nila matutulog muna daw sila. Saka lang sila lalabas kapag kinakailangan.
Pagdating ko sa training ground halos lahat ng students andito na. Nakita ko si HM na nakatayo sa gitna ng training ground. Biglang umangat ang lupang kinatatayuan niya kaya lahat ng mga students dito sa training ground nakikita siya.
"Pinapatawag ko kayong lahat kasi may importante akong sasabihin. Binago ng mga reyna at hari ang pwedeng masali sa top five. Imbes na top five ay magiging top ten na ang pwedeng makapasok na studyante. Ang top ten na ito ay pwedeng makalabas sa mundong ito at magiging malaya pagkatapos niya mag-aral sa paaralan na ito." Sabi ni HM na ikinasaya ng lahat ng mga students dito. Naging maingay ang paligid at may iba nais na makapasok sa top ten.
"Wahh! Gagawin ko ang lahat para makapasok sa top 10 at mapalapit sa mga princes!" Sigaw ng babae sa likod ko.
"Gusto ko din masali sa top ten para mapansin ako ni Prince Wencent!" Sigaw din ng kasama niya.
"Sisikapin ko na masali sa top ten para matupad ang pangarap ko na makapunta sa mundo ng mga tao." Wika ng babae na katabi ko kaya napatingin ako sa kanya. May mataas siyang violet na buhok na hanggang bewang. Matangkad din at maputi.
Tinaas ni HM ang kamay niya kaya tumahik ang lahat.
"May sasabihin pa ako sa inyong lahat. May gaganapin na paligsahan sa lahat ng paaralan. May tatlong kategorya ang paligsahan. Una ang elementalist, ang pangalawa ay ang non-elementalist at nabibilang dito ang sub-elemental. Ang pangatlo ay ang combat battle or CB." Pag-anunsyo ni HM.
"Para sa Elementalist may napili na ako. Ang mga royalties ang napili ko para sa Elementalist na category. Sa non-elementalist naman ay ang mga sub Elementalist na sina Tony Kim at Kennedy Smith. At sa CB naman ay sina Levi Grey, Drake Stone at Dark Gonzalez." Sabi ni HM.
Biglang umangat ang lupang kinatatayuan ko kasabay ng pag-angat ng lupa ng nasa katabi ko. Katulad ko may nakita din akong ilang studyante na umangat ang lupang kinatatayuan nila kasama narin ang mga royalties doon.
"All students listen, ang mga studyante na umangat ang lupang kinatatayuan nila ay sila ang mga representative ng school natin. At ngayong araw na ang simula ng training nila." Aniya.
"At para sa mga hindi napili na maging representative maaari kayong umuwi sa inyong lugar ngayong araw. Bumalik kayo dito sa academy next week. Makakaalis na kayong mga hindi napili at para sa mga napili magpaiwan muna kayo." Wika niya.
Umalis na ang lahat na mga studyante na hindi napili. Biglang bumaba ang lupang kinatatayuan namin at bumalik ito sa pagiging patag.
"Mayroon tayong isang linggo bago ang paligsahan sa main division. Bibigyan ko kayo ng limang araw para sa training niyo at ang dalawang araw na natitira ay ang rest day niyo. Ako ang magiging coach sa Elementalist ng mga royalties. Si Prof. Lane naman ang coach sa mga sub-elemental user. At si Prof. Jaie ang magiging coach sa CB. Ngayong araw magsisimula ang training niyo kaya pumunta na kayo sa mga coach niyo." Wika niya.
To be continue...