Chapter 10: Scrub the Floor

1538 Words
Nicole POV Sabi ni prof. Jaie dito sa training room kami ngayon mag-eensayo at bukas sa ibang lugar naman. "Ngayon magsisimula tayo sa stretching para hindi mabigla ang katawan niyo. Bibigyan ko kayo ng 30 minutes. Time start now!" Sigaw ni prof. Jaie. Nagsimula na kami sa pag stretch ng mga katawan namin. Habang busy ako sa pag stretch biglang nagsalita si... Lava? Liva?... Levi? Tama Levi pala. "Hi! Alam ko na kilala muna ako pero magpapakilala ulit ako sa iyo. Ako nga pala si Levi Grey." Pagpapakilala niya na nakangiti. "Ako naman si Drake Stone." Pagpapakilala din ni Drake habang papunta sa direksyon namin. "Nicole Dark Gonzalez." Pagpapakilala ko gamit ang malamig kong boses. Hindi ko na sila pinansin at nagpatuloy sa ginagawa ko. Pero parang may lahing kabute ata tong si Levi. Dahil sa gulat na suntok ko siya sa mata. "Arayy! Bakit kaba nanununtok!?" Sigaw niya dahil sa sakit. "Eh bakit ka din nang gugulat?" Tanong ko din sa kanya. "Time's up!" Sigaw ni prof. Jaie. "May apat na technique akong ituturo sa inyo pero ang tuturuan ko lang ang mga user na karapatdapat at gagamitin ito sa malinis na pakikipaglaban. Ang technique na ito ay pinapasa lamang sa mga mabuti ang puso at deserving lamang." Pagpapaliwanag ni prof. Jaie sa amin. "Prof. Jaie paano niyo po malalaman kung mabuti at deserving ang isang user?" Tanong ni Drake na sinang-ayunan namin. May kinuha si prof. Jaie sa kanyang bulsa. Ipinakita niya sa amin ang isang capsule. "Ang capsule na ito kung titignan parang isang maliit lang na bagay pero ang capsule na ito ay napaka importante." Sagot niya habang ipinapakita ang capsule sa amin. Bigla niya itong pinindot at inihagis sa sahig. Ang dating capsule ay naging isang malaking incubator. "Ang sino man user ang pumasok dito ay malalaman natin na isang deserving para sa ipapasa na technique. Kapag naging kulay green ang ilaw ibig sabihin karapat dapat na mapasa ang technique sa isang user na pumasok dito sa loob ng incubator." Wika niya. "Paano naman po kung hindi deserving ang isang user?" Tanong ni Drake kay prof. Jaie. "kung hindi deserving ang isang user may lalabas na itim na usok sa incubator." Sagot niya at tinignan si Levi. "Mr. Grey, ikaw ang unang papasok sa incubator tapos ay si Mr. Drake at ang huling papasok ay ikaw Ms. Gonzalez." Sabi ni prof. Jaie habang nakatingin sa akin. Pumasok si Levi sa incubator at habang nasa loob siya ng incubator pinagpawisan siya. Halata sa mukha niya na kinakabahan siya. Biglang umilaw ng kulay berde ang incubator. Nang makalabas siya sa incubator napasigaw siya dahil sa saya. "Yes! Karapatdapat ako. Hooo!" Sigaw niya at sumuntok sa hangin na ikinailing ni professor. Sumunod naman ay si Drake. Kalmado lang siya hindi tulad ni Levi na parang natatae. Tulad ni Levi umilaw din ng kulay berde ang incubator. Nang makalabas si Drake binati siya ni Levi. "Congrats bro! Ngayon ikaw naman Kadiliman!" Panlalait ni Levi sa akin habang nakangiti ng nakakaasar sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin. Tingin na nakakapanindig ng balahibo. Naglakad ako patungo sa incubator. Nang makarating ako sa tapat ng incubator nagpakawala ako ng buntong hininga. What if hindi iilaw ng berde ang incubator? Hindi ako isang user. What if malalaman nila na isa akong tao? What if an-. Biglang nagsalita si prof. Jaie. "Ms. Gonzalez? May problema ba? Ba't hindi ka pa pumapasok sa incubator?" Tanong ni niya. "May iniisip lang po prof. Jaie." Tugon ko at pumasok sa incubator. Habang nasa loob ako ng incubator biglang umilaw ng kulay berde na may halong kulay puti. "Ano po bang ibig sabihin ng kulay na umilaw ngayon sa incubator prof. Jaie." Tanong ni Drake. "Hindi ko alam. Ngayon ko lang nakita na umilaw ang incubator na may halong kulay puti." Sagot ni prof. Jaie sa tanong ni Drake. Pinindot ni professor ang open button para makalabas ako. Tinignan ako ni prof. Jaie ng mabuti. "Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng kulay berde na may halong kulay puti pero huwag kang mag-alala pasado ka parin kasi umilaw ang incubator na kulay berde kahit na may kulay puti." Sabi ni prof. Jaie. May pinindot si prof. Jaie sa incubator. Pagkatapos niya pindutin ang kulay dilaw na button bumalik sa pagiging capsule ang incubator. Humarap siya sa amin at pinakita ang anim na bracelet na kulay silver. "Ang unang technique na ituturo ko ay ....SCRUB THE FLOOR." Sabi ni prof. Jaie na nagpangiwi sa amin. "Eh prof. Jaie bakit po SCRUB THE FLOOR? Akala ko po ba combat battle ang sasalihan namin eh parang maglilinis ata kami nito ng bahay eh." Pagmamaktol ni Levi habang nagkakamot ng ulo. "Oo nga po prof. Jaie. CB po ang sasalihan namin hindi cleaning drive." Pagmamaktol din ni Drake. Nagsmirk naman si prof. Jaie tapos tinaas niya ang anim na bracelet. "Nakikita niyo ba ang hawak ko? Ang tawag dito ay weightlet. Ang weightlet ay isang mabigat na bagay. Ang bigat nito ay aabot sa 1-200 kg. Nagtataka ba kayo kung bakit kaya ko iangat ang anim na weightlet na ito?" Tanong ni prof. Jaie. Tumango naman kami. "Kaya ko naiangat ang anim na weightlet na ito kasi hindi ko pa pinindot ang button nito so it means deactive pa ang weightlet pero kung pipindutin ko ang button nito saka lang bibigat ang weightlet. Isang pindot katumbas ang five kg kaya kung pipindutin ko ito ng tatlong beses katumbas nito ang  fifteen kilograms." Sabi ni prof. Jaie at naglakad papunta kay Levi. Ikinabit niya ang dalawang weightlet sa dalawang paa ni Levi. Sunod naman ay si Drake. Ikinabit din sa kanya ang dalawang weightlet sa paa. Pagkatapos ay sa akin naman. Tumingin muna siya sa akin bago ikinabit ang dalawang weightlet. "Ngayon balik tayo sa unang technique na ituturo ko sa inyo ang SCRUB THE FLOOR." Sabi ni prof. Jaie. "Ano pong connect dito sa weightlet at sa unang technique na ituturo niyo prof. Jaie?" Tanong ni Levi. "Kailangan niyong i-scrub ang sahig at anong connect? Simply lang una hindi ko muna pipindutin ang weightlet. Bibigyan ko muna kayo ng five minutes na i-scrub ang sahig na hindi pa naka active ang weightlet. Pagkatapos ng five minutes pipindutin ko na ang weightlet. Five minutes katumbas ang isang pindot. Ang ibig kong sabihin kapag tapos na ang five minutes pipindutin ko na naman ang button ng weightlet so madadagdagan ang bigat ng weightlet. Hindi kayo titigil sa pag scrub (lalampaso) ng sahig kung hindi pa kayo nakaabot sa 200kg." Sabi ni prof. Jaie. "Time starts now!" Sigaw ni prof. Jaie. Nagsimula na kaming tatlo sa pagscrub ng sahig. Nung una hindi ko alam kung paano i-scrub ang sahig wala namang dapat i-scrub doon sa amin eh kaya hindi ko alam kung paano pero habang tumatagal nagawa ko ng maayos ang pagscrub ng sahig. "Bakit ba kasi ito yung technique na ipapasa sa atin sana naging itim na usok na lang ang resulta nang pumasok ako sa incubator!" Pagmamaktol ni Levi habang naglalampaso sa sahig. Si Drake naman ayon tahimik na ginagawa ang paglalampaso hindi tulad ni Levi na parang pwet nang manok ang bibig. "Stop!" Sigaw ni prof. Jaie. Lumapit siya sa amin at pinindot ang button ng weightlet. "Go!" Sigaw ulit niya. Dahil ako ang reyna ng mga gangster nakaya kong igalaw ang paa ko kahit bumigat na ang weightlet ng five kilograms. Tulad ko naigalaw din nila Levi at Drake ang mga paa nila. Lumipas ang tatlong oras at dalawampong minuto nakahandusay na kami sa sahig dahil sa pagod. "Ayaw ko na! Suko na ako!" Sigaw ni Levi habang nakahiga sa sahig dahil sa pagod. Si Drake naman nakahiga din tulad ni Levi at naka nganga. Minsan ang weird niya kahit tahimik siya minsan. "Hoy! Kadiliman na ang tawag ko sayo hah kadiliman!" Sigaw ni Levi sa akin na parang bata. "Gusto mo putulin ko yang dila mo?" Pilosopo kong tanong sa kanya at pinakita ang kutsilyo ko na pinaikot ko sa daliri ko. "Sabi ko nga tatahimik na ako." Sagot niya habang bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Nakahiga din ako sa sahig at hindi ko inaasahan na humihina na pala ako. "Magsitayo kayong lahat!" Sigaw ni prof. Jaie. "Ano ba iyan professor Jaie kakatapos lang po namin eh atsaka nagpapahinga pa po kami." Pagmamaktol ni Levi nang makatayo siya. Si Drake naman humikab parang walang gana. "Ano ba kayo gusto niyo bang matalo? Ang lahat ng pinapagawa ko sa inyo ay para lumakas ang physical na lakas niyo. Kung ganyan kayo at madaling mapagod pinapakita niyo na mahihina kayo." Sabi ni prof. Jaie. "Ikaw Levi kakaumpisa palang natin sa training palaging paglilikramo ang naririnig ko sa iyo. Ikaw naman Drake alam ko na seryuso ka pero ilagay mo sa tamang lugar yang ka weirdohan mo." Sabi ni prof. Jaie. "May lugar po pala ang kaweirdohan ko. Saan pong lugar prof. Jaie?" Tanong ni Drake kaya sinamaan siya ng tingin ni prof. "Ikaw naman Dark pwede bang 'wag mo muna pairalin yang pagka malamig mo. Atsaka makisabay ka sa team mo. Tandaan mo isang TEAM kayo. Ang ibig kong sabihin kapag apiktado ang isang member apiktado ang lahat kaya please huwag ka muna maging cold sa panahong ng training. Magkaka wrinkles ako ng maaga dahil sa inyo eh. Okay let's start." Mahabang pagsesermon niya sa amin. "Ngayon sa technique one part two naman tayo. Kailangan niyong ikutin ang training room. Tatakbo kayo 100 times. Time starts now!" Sigaw ni prof. Jaie at sinimulan na namin ang pagtakbo kahit pagod pa kami. Isang napakalaking torture ang pinaggagawa niya sa amin. To be continue...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD