Nicole POV
"Master! Gising! May sunog!" Agad akong napabalikwas dahil sa sumigaw malapit sa tenga ko.
"Saan!? Nasaan ang sunog!?" Sigaw ko habang lumilingon sa paligid ngunit wala akong nakitang sunog.
"Hahahah ang epic ng mukha mo master! Hahahah wala po sunog master." Natatawang sagot ni Simon at nag peace sign pa ang loko.
Kinuha ko ang unan ko at pinagbabato sila. Sila naman iwas lang ng iwas habang tumatawa.
"Bakit niyo ba ako ginising! At higit sa lahat bakit ka sumigaw Alvin at sa tenga ko pa talaga!" Sigaw ko habang nagpapalitan kami ng pagbato ng unan.
"Wahh master! Kasi diba may training pa kayo sa ibang lugar ngayon at 5:30am ang alis niyo!" Sigaw ni Alvin kaya napatigil ako sa pagbato ng unan sa kanila kaya ang resulta natamaan ang mukha ko ng unan dahil hindi ko nasalo ang unan na binato nila.
"Ouch! My face!" Sigaw ko at sinamaan sila.
"Atsaka 5:05am na po!" Sigaw ni Theodore.
"What!?" Nataranta ko sigaw.
Kumaripas ako ng takbo patungo sa banyo. Mabilis ko tinapos ang pagligo ko. Pagkatapos ko maligo sinuot ko ang PE uniform. Black jogging pants with white lining sa gilid at white t-shirt na may tatak sa likod ng pangalan ng academy at may tatak sa may bandang kaliwang dibdib na pangalan ko. Naka ponytail ang buhok ko. Pagkatapos ko ayusin ang sarili ko kinuha ko ang backpack ko na may lamang damit at mga importanting gamit. Umupo sa magkabilang balikat ko sina Simon at Theodore. Si Alvin naman ay nakapatong sa ulo ko.
"Okay, let's do the teleportation!" Hyper na sigaw ni Alvin.
Mayamaya nakarating kami sa ilalim ng puno na malapit sa gate ng academy.
"Bye bye master." Sabi nila ng sabay-sabay at naging usok. Napalingon ako sa harap ng gate ng marinig ko ang pangalan ko.
"Parang kulang ata kayo. Nasaan na si Dark, professor Jaie?" Tanong ni prof. Lane.
"Hindi ko alam prof. Lane pero dadating din iyon. Lalabas din ba kayo ng academy?" Tanong ni prof. Jaie kay prof. Lane.
"Ah oo, lalabas din kami." Sabi ni prof. Lane.
"Eh sina HM? Lalabas din ba sila?" Tanong ulit ni prof. Jaie.
"Sabi ni HM sa susunod na araw pa sila lalabas ng academy." Sagot ni prof. Lane.
Lumapit ako sa kanila at binati sila.
"Good morning." Wika ko habang nakangiti. Ngayon nakatulala sila sa harap ko.
"End of the world na ba kadiliman? O hindi ikaw si kadiliman?" Tanong ni Levi sa akin na unang nakarecover sa pagkatulala.
Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Nako 'wag mong pansinin si Levi. May gusto lang yan sayo." Pambubuking naman ni Drake. Parang tumayo naman ang balahibo ko at tumibok ng mabilis ang puso ko dahil sa sinabi ni Drake. Tinignan ko naman ng seryoso si Levi.
"Hoy ano iyan pinagsasabi mo na may gusto ako kay kadiliman? Mas gugustuhin ko pang gustuhin ang kabayo kesa kay kadiliman." Sabi ni Levi kaya na pa tsk ako na ikinalingon ni Drake sa akin at bahagyang tumaas ang gilid sa labi niya. Lumingon ulit siya kay Levi.
"Denial." Pang-aasar ni Drake..
Hindi ko nalang sila pinansin at tinanong si prof. Jaie.
"Prof. Jaie, aalis na po ba tayo?" Tanong ko sa kanya.
"Ngayon andito kana makaaalis na tayo." Sabi ni prof. Jaie at nagpaalam na kay prof. Lane.
Sumakay kami ng kalesa. Ang kalesa na gagamitin namin ay hindi pang karaniwan. Ang kalesa na ito ay may kulay silver na pakpak sa magkabilang gilid. Saka lang lalabas ang pakpak ng kalesa kapag nasa ere at nakatiklop ang mga pakpak ng kalesa kapag nasa lupa.
"Saan po ba tayo pupunta prof. Jaie?" Tanong ko.
"Mabuti naman at nagsasalita ka na ms. Dark kahit parang walang kabuhay-buhay ang iyong pananalita. Sermon lang pala ang katapat mo. Sa tanong mo ngayon ay pupunta tayo sa lugar ko kung saan ako isinilang at lumaki." Sabi niya.
"Okay. And don't call me ms. Dark. Dark nalang po." Sabi ko at humikab dahil sa inaantok pa ako.
"Masakit pa ba ang mga katawan niyo?" Tanong ni prof. Jaie sa amin. Tumango lang ako.
"Opo prof. Jaie ang sakit pa ng katawan ko. Wala po bang something na magpapawala ng sakit sa katawan?" Tanong ni Levi.
"Meron." Sagot ni prof. Jaie.
"Ano po iyon?" Magalang na tanong din ni Drake.
"Mamaya ko na sasabihin sa inyo kapag nakarating na tayo sa lugar na pupuntahan natin." Sagot naman ni professor.
"Bago tayo makarating sa lugar na pupuntahan natin tatawid muna tayo sa asul na dagat." Wika ni professor Jaie sa amin habang nakatingin sa labas ng bintana ng kalesa.
Tumingin din kami sa labas at pinagmamasdan ang mga paligid na madadaanan namin. Matataas na mga puno namay kulay pink na mga dahon. May mga bulaklak din na iba't-iba ang kulay.
First time ko lumabas sa academy. Hindi ko inakala na mas maganda dito kesa loob ng academy.
"Ang tawag sa lugar na ito ay siete forest. Kaya tinawag na siete forest ang lugar na ito dahil sa pitong kulay na dahon ng puno na meron ang kagubatan na ito. Nakita niyo naman siguro ang kulay ng mga puno na nadadaanan natin. Ang pink, sunod naman ay yellow, orange, blue, red, green at ang huling kulay ay ang kulay ginto." Pag-d-describe ni prof. Jaie.
After 25 minutes na paglalakbay namin nalampasan namin ang siete forest.
Sabi ni prof. Jaie kapag nakatawid kami sa siete forest ang susunod na tatawirin namin ay ang asul na karagatan.
Nang nakarating na kami sa dulo ng siete forest natanaw namin ang blue sea. Bigla nalang lumabas ang dalawang pakpak ng kalesa na sinasakyan namin.
"WOW!" Iyan ang unang lumabas sa bibig ko ng makita ko ang blue sea.
Kumikinang ito na parang diamante dahil sa sikat ng araw na tumatama rito. Habang tumatawid kami tumingin ako sa baba at pinagmamasdan ang magandang tanawin sa baba.
After 30 minutes nakarating kami ng ligtas sa lugar na sinasabi ni prof. Isa itong malaking isla na may kunting population na umaabot sa 2,004 na user.
"Andito na tayo." Sabi ni prof. Jaie at siya ang unang lumabas sa kalesa sunod ay si Levi, Drake at ang huli ay ako.
"Andito tayo sa pinakatoktok ng bundok ng isla Delta. Mula dito makikita natin ang kabuuan ng isla." Sabi ni prof. Jaie. Bigla nalang may sumigaw na batang lalaki papunta sa amin.
"Ate Jaiiiiiiiee!" Sigaw ng bata na lalaki. Naalala ko sa kanya si Gelo.
"Oh bunso kamusta kana? Ang laki muna." Sabi niya at kinarga niya ang batang lalaki.
"Okay lang po ako ate Jaie." Sagot ng batang lalaki.
"Ipapakilala ko sayo ang mga students ko. Ito si Levi ang mahilig magreklamo. Ito naman si Drake ang weirdo. At ito naman si Dark ang moody minsan at pepe din minsan. Say hello to them bunso." Sabi ni prof. Jaie sa kanyang bunso.
"Hello mga kuya at ate." Pagbati niya sabay ngiti.
"Ako po pala si Aki ang bunso na kapatid ni ate Jaie." Sabi ni Aki habang naka ngiti parin.
"Hello din Aki." Sabi ko din at nginitian siya.
Katulad kanina ng ngumiti ako, nakatulala ulit sila na nakatingin sa akin ngayon.
"Nasaan si lolo Aki?" Tanong ni prof. Jaie kay Aki.
"Andoon po sa likod ng bahay dahil hinahanda niya ang mga pinutol na kahoy kanina." Sagot ni Aki at bumaba sa pagkarga pagkatapos bumaba pumunta kami sa likod ng bahay ng lolo niya.
Binaba naman niya si Aki at pumunta sa likod ng bahay ng lolo niya. Habang papunta sa lolo niya ay hindi ko maiwasan na lingunin si Levi. Nahuli ko siya na nakatingin sa akin kaya agad ko siya tinaasan ng kilay.
"Why are you looking at me?" Tanong ko sa kanya. Inirapan niya lang ako at si Drake naman ay pasipol-sipol lang.
"Lolo kumusta na po kayo?" Tanong ni professor sa lolo niya ng nakarating kami sa harap ng lolo niya.
"Okay lang ako apo. Sila na ba iyong mga studyante na sinasabi mo?" Tanong ni lolo kay prof. Tumango naman si professor Jaie.
"Opo lolo. Maaari na po ba kami magsimula?" Tanong ulit ni professor sa lolo niya.
"Oo, pwede na kayo magsimula apo." Sagot ni lolo sa tanong ni prof.
Lumapit sa amin ang lolo ni professor at nagpakilala.
"Ako pala si Dante. Tawagin niyo nalang akong lolo Dan." Pagpapakilala ni lolo Dan sa amin.
"Okay po lolo Dan." Sabay namin pagsang-ayun.
"Oh sige na. Pumunta na kayo sa professor niyo. GOOD LUCK sa inyo." Makahulugan na sabi ni lolo Dan sa amin.
Pumunta kami sa kinaroroonan ni prof. Jaie at tinignan ang mga tinitignan niya.
"Ngayon magsisimula ang pangalawang training natin. Technique two part one the Ax N' Wood." Pagsisimula ni professor Jaie.
"Ax N' Wood?" What do you mean professor?" Tanong ni Levi.
"Obviously, magsisibak tayo ng kahoy." Bulong ko at inirapan siya.
"Hoy! Narinig ko iyon!" Sigaw niya.
"Edi congrats sayo. Kahit slow ka may ipagmamalaki ka pa. Katulad ng tenga mo na kasing talas ng paniki." Pang-iinis ko sa kanya.
"Aba!" Sigaw niya at ginulo niya ang buhok niya. Napangiti naman ako. Hehehe gwapo sana parang bakla lang.
"Enough!" Sigaw ni professor.
"Well congrats din sayo Dark. Nag improved kana. Noon kunti lang ang words na lumalabas sayong bibig pero ngayon nag-improve kana." Mapang-asar na wika naman ni prof sa akin kaya nag pout ako.
Tinignan ko sila at ayan na naman sila sa pagkatulala. Hay buhay. Ano ba ang meron sa akin?
"Let's start." Sabi ni prof. Jaie na unang naka recover sa pagkatulala.
Ikinabit niya sa amin ang weightlet sa magkabilang paa pati sa magkabilang kamay. Pinindot ni prof. Jaie ang button ng weightlet hanggang umabot ito sa 200kg kaya bumagsak kami sa lupa.
Ito ba yung sinasabi ni lolo Dan na GOOD LUCK? Well good luck talaga sa amin.
"Ngayon nakikita niyo ba ang palakol na nasa harap niyo? Yan ang gagamitin niyo sa pagsisibak ng isang daang piraso na kahoy." Saad ni professor kaya napasigaw si Levi.
"What? 100? Ang dami naman po niyan professor." Pagmamaktol ni Levi.
"Levi?" Pagbabanta ni prof kay Levi kaya agad siyang napatahimik.
"Kailangan din po ba gawin din ni Dark ito? Babae po siya." Tanong ni Drake na may pag-alala.
"Tandaan niyo sa training na ito walang exception. Mapababae man o lalaki. Lahat ay pantay-pantay. Naiintindihan niyo ba?" Tanong ni prof sa amin.
"Opo" sabay naming sagot.
"Okay! Time starts now!"
Nakadapa parin kami sa lupa. Iginalaw ko ang dalawa kong paa at ipinosition ang katawan ko. Ganun din ang ginawa ng dalawa kong kasamahan. Dahan dahan ko inangat ang kamay ko na may hawak na palakol ngunit nabigo ako sa pagpapaangat ng kamay ko.
"Alam mo kadiliman sumuko ka na lang. Hindi mo kaya ang pagsisibak sa kalagayan mo na 'yan." Panlalait ni Levi sa akin habang nakangisi. Napa tsk naman ako at ini-headbat siya sa ulo. Napadaing kami pareho.
"Wala ka talagang puso kadiliman." Sabi niya habang nasa harap ko siya at hinihimas ang ulo niya.
"Gusto mo naman." Sabat ni Drake kay Levi. Hindi ko nalang sila pinansin at nag pukos sa ensayo ko.
Ngayon ginamit ko ang buong lakas ko. Natuwa ako dahil naangat ko ang palakol pero hindi nagtagal bumagsak ulit ang kamay ko.
"Habang tumatagal nahihirapan ako na iangat ang palakol. Paano natin matatapos ang pagsibak ng 100 na kahoy kung hindi man lang natin maiangat ang palakol?" Tanong ni Drake at parang nawawalan ng pag-asa.
"Oo nga, tama ka bro." Pagsang-ayon naman Levi kay Drake.
"Sang-ayon din ako sayo Drake." Pagsang-ayon ko.
"Bakit nakatunganga lang kayo jan. Mag sikilos naman kayo. Alam niyo ba na part sa training ang pagiging positive thinking? Kaya kumilos na kayo. Hindi ko papakain ang hindi makakasibak ng kahoy at ang maliit na bilang ng maisibak na kahoy ang maghuhugas ng mga pinggan kaya kumilos na kayo!" Sigaw ni professor at aalis na sana.
"Ahm prof tungkol po sa tanong niyo kanina. Hindi po namin alam noon pero ngayon alam na po namin." Sabi naman ni Drake kay prof.
"Drake the weirdo alert." Bulong ko.
"Argh! Magsimula na kayo! Magkaka wrinkles ako nito eh." Sabi ni prof at hinawakan pa niya ang face niya.
"Let's start." I said and start doing this hell.
To be continue...