Andito kami ngayon sa lugar ng Curare. Yung kahapon ako ang maliit na nakapagsibak at ako din ang naghugas ng pinggan.
(Flashback)
"34...35...36...3-" natigil ako sa pagsibak ng may narinig ako na boses sa loob ng utak ko.
"Tumigil ka sa pagsisibak. Dapat hindi nila malaman ang iyong ibang kakayahan." Biglang sabi ng boses sa utak ko. Hindi ko alam kung babae o lalaki ang nagmamay-ari ng boses na iyon.
Noong hindi ko na narinig ang boses sa utak ko bigla nalang uminit ang tattoo ko.
"Ahhh!" Nabitawan ko ang palakol kaya napatingin sina Levi sa akin.
"Anong nangyari sayo Dark?" Tanong ni professor Jaie sa akin at hinawakan ako sa braso na may tattoo pero agad din niya nabitawan.
"Bakit ang init mo?" Tanong niya. Hindi ko nasagot ang tanong niya dahil bigla nalang ako nawalan ng malay.
Nagising ako ng hapon at nalaman ko na si Drake ang nagbuhat sa akin. Tinanong ni professor Jaie si Drake kung bakit hindi siya napaso. Hindi iyon sinagot ni Drake. Nalaman ko din na si Drake din ang may pinaka maraming nasibak. Nasa 54 ang nasibak niya. Si Levi naman ay nasa 52 at ako naman ang pinakamaliit na bilang na nasibak. Nasa 36 na kahoy lang ang nasibak ko.
"Gising kana pala kadiliman. Ikaw ang maghuhugas ngayon ng pinggan." Sabi niya at ang loko iniwan ako na iyon lang ang sinabi.
(Flashback End)
Napalingon ako kay professor Jaie ng magsalita siya.
"Andito tayo ngayon para sa isang laro. Run N' Escape." Sabi ni professor Jaie na may ngiti sa kanyang labi.
"Laro? Akala ko po ba training po ang pinuntahan natin dito?" Tanong ni Levi. Sa point na ito ay may point siya. Tinignan ko siya ng mabuti. Parang seryoso ata siya ngayon. Napadako ang tingin ko sa labi niya at napakagat na lang ako sa labi ng wala sa oras. Agad ako umiwas ng tingin doon. Ano ba itong pinag-iisip ko. Kulang ata ako ngayon sa tulog.
"Mag-isip ka nga Levi syempre parang training na rin iyong laro. Sa pangalan palang ng laro parang hindi ko na kakayanin." Sabi naman ni Drake habang nakalambitin pa sa malaking sanga ng puno.
"Tama si Drake. Ang larong ito ay isang training. Ito ay ang ikatlong technique na ituturo ko sa inyo. Kung sa una't pangalawang training niyo ay hinayaan ko kayo na hindi niyo naperpekto pwes ngayon hindi ko na hahayaan na hindi niyo maperpekto ang larong ito." Sabi ni prof. Jaie at pumunta sa may puting linya.
Sumunod kami sa kanya at bumaba naman si Drake sa puno para sumunod kay prof. Inabot ni prof. Jaie sa amin ang weightlet. Sinuot ko iyong weightlet sa mag kabilang kamay ko pati narin sa magkabilang paa. Ganun din ang ginawa nila Drake at Levi. Pagtingin ko kay prof. Jaie may nakakabit din na weightlet sa magkabilang kamay at paa niya.
"Huwag niyo pong sabihin na sasali din kayo?" Nagtatakang tanong ni Drake.
"Oo, syempre naman sasali din ako sa laro. Hindi pwede na kayo lang ang maglalaro. Atsaka matagal ko nang napapansin na pinu-po niyo ako. Kaya please wag niyo na akong pinu-po kasi nagmumukha akong matanda kapag pino po niyo ako. At isa pa 'wag niyo akong tawaging prof. kapag nasa labas tayo ng academy. Ate Jaie ang dapat niyong itawag sa akin. Kuha niyo?" Wika ni prof. Jaie at tinaasan kami ng kilay.
Ngayon masasabi ko na bipolar din si professor Jaie katulad ko.
"Makinig kayo. Nasabi ko na ang pangalan ng laro natin pero uulitin ko kasi baka nakalimutan niyo. Ang pangalan ng laro natin ay Run N' Escape. Nakikita niyo ba ang patag na ito? Kailangan natin tumakbo papunta sa dulo nito. Ang dulo kung saan makikita natin ang entrance ng gubat. Sa pagpasok natin sa kagubatan may mga hayop na mababangis na kailangan natin labanan para makatakas at makaalis sa kagubatan. Kapag nakaalis na tayo sa kagubatan papasok tayo sa black dimension. Kapag nakapasok na tayo sa black dimension huwag kayong titigil sa pagtakbo. Kapag tumigil kayo sa pagtakbo makakaharap niyo ang alagad ng dating reyna ng kadiliman. Kapag nakaharap niyo siya huwag na huwag kayong tumingin sa mga mata ng nilalang na iyon." Pagpapaliwanag ni professor sa mga detalye na kailangan namin gawin.
"Kapag nakalabas na kayo sa black dimension papasok tayo sa mundo ng mga halimaw. Ang mga halimaw na ito ay walang awang pumapatay ng mga kalaban nila kaya mag-iingat kayo. Sa pagpasok natin sa mundo nila ay automatic na matatanggal ang weightlet dahil sa spell na nilagay ko. Sa oras matanggal ang weightlet ay ang umpisa ng ikaapat na technique at magpapatuloy parin ang ikatlong technique hanggang sa matapos ang laro. Kailangan niyong hanapin ang pinto palabas sa mundo ng mga halimaw. Sa paglabas niyo sa mundo ng mga halimaw may pinto ulit na nag-aabang sa atin. Kailangan natin pasukin iyon dahil ang pintong iyon ang magdadala sa atin sa mundo ng Maze, ang last stage ng laro natin. Sa last stage ng laro natin kailangan gamitin natin ang physical na lakas, puso at isip. Tandaan niyo na dapat makalabas kayo ng buhay sa last stage para hindi masayang ang pag-t-training niyo. Sa lunes na ang paligsahan kaya dapat bago ang araw ng linggo dapat matapos na natin ang laro para makapagpahinga pa kayo. Ngayon ay araw ng miyerkules. Kapag naubusan kayo ng pagkain kayo na ang bahala na maghanap ng sarili niyong pagkain. Isa pa kapag nakapasok tayo sa black dimension ay automatic na maghihiwalay tayong lahat." Seryosong saad ni prof. Jaie.
"Kaya po pala na inutusan niyo kami na magdala ng mga sariling pagkain na aabot ng limang araw." Wika ni Levi.
"Tama ka Levi kaya dalhin niyo na ang mga bag pack niyo na may lamang pagkain at gamit niyo na kailangan niyo sa larong ito." Wika ni prof. Jaie.
Kinuha ko ang bag pack ko at pumwesto na sa puting linya. Ganun din ang ginawa nila Drake at Levi.
"Para mas exciting ang laro kung sino ang mahuli na matapos ang laro ay may dare na ibibigay sa kaniya." Wika ni prof. Jaie na ngayon ay nakangisi na.
"1, 2, 3, Let's go!" Sigaw namin at nagsimula ng tumakbo patungo sa ikauunlad este patungo sa kakambal ko na si kamatayan.
Huhuhu hindi ako mamamatay sa ganitong klaseng training pero kung isang halimaw na may pangit at mabahong hininga ang makakalaban ko, well good luck to me.
To be continue...