Chapter 5: Princess Aya Miller

891 Words
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na nagmula sa bintana ng kwarto ko. Tinignan ko ang orasan na nasa side table ko. "Oh my! ten minutes na lang mahuhuli na ako sa class," binilisan ko ang pagligo at pagkatapos kong maligo agad ako nagbihis. Hindi na ako kumain at agad ko kinuha ang bag ko na kulay black at isinukbit sa kaliwang balikat ko. Tumakbo ako mula sa dorm ko hanggang sa makalabas ako sa building ng girls dorm. Grade twelve na ako at naka locate ang grade twelve sa sixth, kaya ang ginawa ko ay tumakbo ako mula first floor hanggang sixth floor. Nang nakarating ako sa sixth floor, tumakbo na naman ako papunta sa dulo kasi nandoon ang classroom ko. Nang nasa tapat na ako ng pinto pinakalma ko muna ang sarili ko. Nakalugay ang buhok ko at niluwagan ko ang pagkakatali ng necktie. Kulay itim ang skirt na uniform namin na nasa two inches above the knee at naka long sleeve ako na may blazer pero hindi ko sinuot ang blazer kasi nagmamadali nga ako. Narinig kong nag lecture si ma'am kaya kumatok ako sa pinto. Ngayon nakatulala siya nang mapalingon sa akin. Nag fake cough ako para matauhan siya. "Ikaw ba ang bagong estudyante?" tanong niya. Tumango lang ako. "Sandali lang," aniya ni professor at pumasok ulit siya. "Students may bago kayong classmate. Pumasok ka na miss," sabi ni professor. Pumasok ako at pumunta sa harap. Ngayon sila naman ang naka tulala. "Introduce yourself miss," aniya. "I'm Dark Gonzalez. Seventeen years old," tipid kong pagpapakilala. Hindi ko ginamit ang first name ko. Yung second name ko lang ang ginamit ko. Nang maka recover na sila nagbulung-bulungan naman sila pero hindi ako sigurado kung bulong ba talaga ang tawag dun kasi naririnig ko kasi ng malinaw. "Pare ang hot niya," pagkomento ni classmate boy one sa beauty ko. "Oo nga. Liligawan ko yan pare," pagsang-ayun din ni classmate boy two. "Huwag na pare ang panget mo. Ako na lang," sabat din ng isa ko pang classmate. "Manahimik kayo. Sigurado ako na wala siyang pipiliin sa atin," pagtatama ng isa ko pang classmate. Tama ka kuya dahil wala talaga akong pipiliin sa inyo. Nagpunta ako rito para makaalis sa mundong ito at hindi para lumandi. "Omg! Ang ganda niya," sabi ni classmate girl one. "Oo nga sana kasing ganda ko siya," sabi ni classmate girl two. "Che! Mas maganda ako sa kanya," sabat ni classmate girl three. "Tumahimik ka nga. Wala ka panga sa kalingkingan niya eh," sabi ni classmate girl four. "Tama. Kaya 'wag kang assumera," pagsang-ayon ni classmate girl five. "Class please keep quiet!" digaw ni professor. Tumahimik naman sila. "Ako si professor Jaie Kim. Ang advisor niyo at ako ang naka assign sa subject na Combat," wika ni prof. Jaie. Tumango na lang ako. Pinaupo na niya ako kaya naghanap ako ng bakanteng upuan. Maswerte ako dahil may bakante sa likod malapit sa may bintana. Pumunta ako agad doon at umupo. Nang makaupo ako ay isang babae ang nagtaas ng kamay. "Ano yun ms. Valdez?" tanong ni prof. Jaie "Ano po ba ang magic niya?" tanong ni Valdez ang pangalan sabay turo sa akin. Tumingin naman si prof. Jaie sa akin. "What is your magic ms. Gonzalez?" tanong ni prif. Jaie. "Secret," sagot ko kasi yun ang sinabi ni lola Rena sa akin kapag may magtanong sa akin. Atsaka may rules dito na 'wag pilitin mag tanong kung ano ang magical power mo kaya wala silang magagawa. "Okay ms. Gonzalez. Maghihintay na lang kami sa araw ng leveling sa buwan ng enero," wika ni prof. Jaie. Nag discuss lang ulit si prof. Jaie. Pagkatapos niyang mag discuss may sinabi siya sa amin. "Bukas, dumiretso kayo sa harap ng forest na nasa likod ng Academy. Magsuot kayo ng P.E uniform," sabi niya at nagbell na. Andito ako ngayon sa cafeteria. Habang kumakain ako biglang may nagsalita sa likod ko. "Hoy Babae humarap ka nga sa akin," sabi nito. Hindi ako lumingon. Marami naman ang babae dito e. Hindi lang ako ang babae dito. Tinapos ko ang pagkain ko tapos ay akmang aalis na ako sa pwesto ko ng may impokrita na marahas na humila sa braso ko. "Huwag kang bastos kinakausap pa kita!" galit na sigaw ng babaeng at hinigpitan ni ang pagkakahawak sa braso ko. "Galit ka na niyan?" pang-iinis ko sa kanya. Napa singhap naman ang mga tao dito. Bakit ganun na lang maka react ang mga tao rito? Tinignan ko ng seryoso ang babae na nasa harap ko. Trying hard ang pagka impokrita niya 'tsk'. "Bakit niya sinasagot si princess Aya?" rinig ko na saad ng isang babae. "Lagot siya. Baka mapatay siya ni princess Aya," sabi pa ng isa. "Dapat lang yan sa kanya kasi ang yabang niyang tignan," sabi pa ng isang babae. "Huwag mo akong sagot-sagutin!" sigaw niya sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Trying hard talaga. "At bakit?" tanong ko sa kanya habang nakataas ang kilay. "Because I am princess Aya Miller," sagot naman niya. "Ano naman ngayon kong isa kang princess? Wala akong pakiaalam," sabi ko at tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko. "I'm Dark Gonzalez and nice meeting you princess Aya," pagpapakilala ko habang naglalakad palabas ng cafeteria at bago ako tuluyang makalabas ay narinig ko siya na may binulong pero hindi ko maintindihan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD