Nicole POV
Andito kami ngayon sa harap ng gate ng M.A (Magical Academy) bago kami pumasok may sinabi sa akin si lola Rena.
"Dark kahit anong mangyari 'wag kang magtitiwala sa kahit na sino, kahit na sa akin pero maasahan mo ako sa maraming bagay. Pwede kang bumisita sa akin," wika ni Lola Rena.
"Opo lola Rena," tugon ko.
"Sige. Pasok na tayo," aniya.
Pagpasok namin sa loob ng M.A namangha ako dahil sa kagandahan ng paligid. Hindi ko lang pinapahalata na nagagandahan ako sa paligid. Naka poker face lang din ako kasi malaki ang porsyento na walang makikipagkaibigan sa akin kapag ganun. Iwan ko ba kung ano itong iniisip ko ngayon. Pasimple akong tumingin sa paligid. Ang ganda talaga. Wala ng mga estudyanteng nagtatambay sa paligid at sigurado nasa loob na sila ng classroom nila.
"Lola Rena paaralan po ba talaga ito? Para na kasing isang palasyo ito eh," tanong ko sa kanya na halata sa tono ko ang paninigurado.
"Oo, hija, paaralan nga ito. Hindi mo ba nabasa sa malaking gate na may nakasulat na Magical Academy?" tanong pabalik ni lola rena sa akin.
"Hindi po eh," sagot ko habang kinakamot ang batok ko.
Hindi na nagsalita si lola kaya hindi na rin ako nagsalita. Huminto kami ni lola Rena sa isang malaking double door. Tinignan ko ang nakasulat sa itaas ng pinto. Headmaster Office ang nakalagay doon. Kumatok si lola Rena sa pintuan pagkatapos may narinig akong boses ng isang lalaki. Isang familiar na boses.
"Come in," pagpasok namin nakita namin ang isang lalaki na nakatalikod sa amin at ito ay nasa middle 30s ang edad. Hindi ako sigurado pero iyon ang hula ko. Humarap ito sa amin at nagulat ako at pati ang headmaster ng makita namin ang isa't-isa.
"Mr. Cruz?"
"Ms. Gonzalez?" sabay namin tawag sa isa't-isa. Hindi ako makapaniwala na si Mr. Cruz na asawa ni Mrs. Isabel Cruz ang headmaster dito sa Magical Academy. So ganun may powers din siya tulad ni lola Rena?
"Ehem!" Napalingon kami ni headmaster ng nag umubo ng peke si lola Rena.
"Tita andyan po pala kayo," sabi ni headmaster ng mapansin niya si lola Rena. Nagtataka naman ako na tinignan si lola Rena at headmaster.
"Hija, pamangkin ko pala si Nathan Cruz ang headmaster dito sa Magical Academy," pagpapakilala ni Lola Rena kay HM. Tumango lang ako.
"Nathan. Nais ko sanang ipa-enroll dito si Dark na katulong ko sa bahay sa mundo ng mga mortal," wika ni lola Rena.
"Sige po tita pero pwede po bang malaman ang mga rason kung bakit niyo po pag-aaralin dito si Ms. Gonzalez?" tanong ni HM habang tinignan ang mga pekeng papeles ko na ibinigay ni lola.
"Malaki ang utang na loob ko sa batang ito Nathan kaya naisip ko na pag paaralin siya dito. Tsaka dito siya nababagay," pagsisinungaling ni lola.
Tumango naman si HM at ibinigay sa akin ang schedule ko at susi ng dorm. Hindi na rin ako nagulat sa mga pinagsasabi na mga kasinungalingan ni lola kasi napag-usapan na namin ito sa bahay niya.
Matapos kong tanggapin ang schedule at susi ko sa dorm nagpaalam na kami kay headmaster. Inihatid ako ni lola sa dorm ko at sinabi na rin niya na bukas na muna ako papasok para raw makapagpahinga ako. Nang makarating na kami sa dorm ko nagsalita ulit si lola.
"Tandaan mo ang bilin ko sayo hija. Wag tatanggalin ang… alam mo na iyon, yung kwin- basta iyon na 'yon. At huwag magtitiwala sa kahit sino para hindi ka mabuko." Tumango lang ako at nagpaalam na siya. Hindi ko alam pero ang gaan ng loob ko sa kanya.
Ang bait talaga ni lola Rena. Kahit hindi niya ako kaano-ano ay tinulungan niya rin ako. Pero ganun ba talaga siya? Tinutulungan ang kahit sinong nangangailangan? Iwinaksi ko na lang iyon sa isipan ko. Pumasok na ako sa loob ng dorm. Ako lang ang mag-isa sa dorm na ito.
Request ni lola Rena kay headmaster.
Inilagay ko na ang mga damit ko sa malaking closet. Ang mga damit ko na inilagay ko sa closet ay mga pinaglumaan na ni lola Rena at lahat ng damit ay kulay white. Pagkatapos ko ilagay ang mga damit ko sa closet inilibot ko ang paningin ko dito sa loob ng dorm.
Kumpleto lahat ang mga gamit dito. Habang pina familiarize ko ang laman ng dorm ko may kumatok sa pinto. Pinagbuksan ko naman ito.
"Ms. Gonzalez ito po yung uniform niyo. Kumpleto na po yan at may extra na rin po yan," sabi ng isang fairy. Wow! Ang lakas naman ng nilalang na ito. Sa liit niyang yan nadala niya ito ng mag-isa. Nagpasalamat ako sa kanya at akmang isasara ko na ang pinto ng pinigilan niya ako.
"Sandali lang po. Sabi ni headmaster na ipapasyal kita rito sa Magical Academy para makabisado mo ang lugar," tumango na lang ako. Inilagay ko ang mga uniform ko sa closet bago sumama sa cute na fairy na kasama ko ngayon.