Chapter 13: Run 'N Escape part 2

939 Words
Third Person P.O.V Habang tumatakbo si Dark pati narin ang mga kasamahan niya may nararamdaman siya na may nakatingin sa kanya. Lumingon siya sa direksyon kung saan may nakatingin sa kanya pero sa pagtingin niya wala naman siyang nakita. Nangunguna ang guro nila na si professor Jaie sa pagtakbo sunod ay sina Levi at Drake at ang huli ay si Dark. Hindi sila tumigil sa pagtakbo kahit na mabigat ang kanilang mga paa at kamay dahil sa weightlet na nakakabit sa magkabilang kamay at paa. Someone POV "Sino ka ba? Bakit noong una kitang nakita hindi ko mabasa ang nasa isip mo?" Bulong ko sa hangin habang tinitignan ang bagay na binato niya noong binangga ko siya. Tumingin ako sa babaeng tumatakbo. Ang babaeng nakakuha ng atensyon ko. Ang babaeng napakamesteryo para sa akin. Biglang lumingon siya dito kaya agad ako nagtago sa malaking puno. Bakit kaya siya lumingon dito? Naramdaman ba niya na may nakatingin sa kanya? Sino ka ba talaga...Dark? Napagpasyahan ko na umalis at bumalik sa ka grupo ko. Third Person POV Sa kabilang banda. Ang grupo nila HM ay nasa isang lugar na puno ng illusyon. "Nasaan na ba sina Light at Cloud?" Tanong ni HM sa mga kasama nito. "Hindi po namin alam HM baka po na huli ng gising." Tugon ni Aya sa tanong. "Oh, andiyan na pala sila HM." Wika naman ni Vincent na nakanguso sa mga paparating. "Saan kayo galing? Kanina pa kayo hinahanap ni HM." Tanong naman ni Eric sa dalawang bagong dating. "Diyan lang sa tabi-tabi." Sabay na tugon nila Light at Cloud. "Tsk." Pagsusungit ni Light at sinimulan ang ensayo. Sa grupo naman nila professor Lane. "Bakit ba ang tagal ng dalawang iyon?" Tanong ni professor Lane sa kanyang sarili. Mayamaya dumating ang isang binata at dalaga. "Bakit ba ang tagal niyo?" Tanong ni professor Lane sa bagong dating. "May nakalimutan po akong dalhin kaya bumalik ako sa bahay niyo professor Lane." Sagot ni Kennedy Smith pero hindi nakumbinsi ang guro. "Nahuli po ako ng gising." Sagot naman ni Tony Lim. "Dahil nahuli kayo dodoblehin ko ang training niyo." Saad ng professor nila sa kanila. Sa kabilang banda. Sa grupo ni Dark ay nakarating na sila sa entrance ng kagubatan. Sa pagpasok nila sa kagubatan may nakita silang dalawang mababangis na hayop na ang tawag ay Panmaklar. Ang hayop na ito ay may anyong panda at kasing bangis ng uso. Biglang lumingon sa kanilang direksyon ang isang Panmaklar. Sumugod sa kanilang direksyon ang Panmaklar at sinundan ito ng isa pang Panmaklar. "Sa mga sanga ng puno tayo dadaan!" Sigaw ng professor Jaie nila. Tumalon sila sa mga malalaking sanga ng mga puno. Habang tumatagal dumadami ang mga Panmaklar na sumusugod sa kanila. Nang malapit na silang makalabas sa kagubatan may isang Panmaklar ang sumugod sa susunod na puno na tatalonan ni Drake. "Ahhh!" Sigaw ni Drake dahil sa sakit na pagkaipit ng binte niya sa puno. "Drake!" Sigaw nila ng may Panmaklar na akmang kakagatin si Drake. Biglang sumigaw si Dark at may lumabas na usok sa kaliwang kamay niya. Biglang tumalon si Dark sa punong kinatatayuan niya patungo sa likod ng Panmaklar. Ang usok na si Simon ay naging isang katana. Hiniwa ni Dark na hugis ikis ang likod ng Panmaklar at pinugutan ito ng ulo. Bumalik sa pagiging usok ang katana at bumalik ito sa loob ng tatoo ni Dark. Gulat na expression ang makikita sa mga mukha ng mga kasama niya. Kahit gulat parin sila tinulungan nila si Drake na makaalis sa pagkakaipit sa puno. "Kaya mo pa bang maglakad Bro?" Nag-aalalang tanong ni Levi kay Drake. "Thanks Bro. Kaya ko pa. Tara na." Sagot niya. Nagpatuloy sila sa pagtalon sa mga sanga ng puno ng may narinig na naman silang ungol ng isang Panmaklar. "ROARRR!" "Bilisan natin!" Sigaw ng professor nila. Binilisan nila ang pagtatalon sa mga puno. Nang makalabas na sila ng gubat muntikan na silang mahulog sa malalim na bangin. "Tigil!" Sigaw ng professor nila. Binigyan sila ng professor nila ng tig-iisang sing-sing. "Kahit anong mangyari huwag ninyong huhubarin ang sing sing na iyan habang hindi pa natatapos ang laro." Pagpapaalala ni professor Jaie sa kanila. Kahit nagtataka sinunod nalang nila ang bilin ng guro nila. "Prof. Jaie saan na po yung black dimension.?" Tanong ni Drake habang pa linga-linga. Tinuro ng professor nila ang malalim na bangin. "Nandyan ang black dimension. Kailangan nating tumalon sa malalim na bangin na ito para makapasok sa black dimension." Sagot ng professor nila. "Seryoso po ba kayo? O nagbibiro lang kayo?" Tanong ni Levi habang pinagpapawisan. Napangisi naman si Dark at pasimpleng tinignan si Levi. Humarap naman sa kanya ang professor nila sa kaniya. "Mukha ba akong nagbibiro?" Pabalang na tanong ni professor nila habang tinuturo ang sarili. "Sabi ko nga po hindi." Wika ni Levi. "Duwag." Bulong ni Dark na narinig naman ni Levi. "SINONG DUWAG? AKO? BAKA IKAW KADILIMAN ANG DUWAG AT HINDI AKO!" Sigaw ni Levi sa harap ni Dark. Tinitigan ni Dark si Levi gamit ang bored expression niya. Kahit ganun ang ipinapakita niya ay sa kaloob-looban niya ay gusto niya matawa sa harap nila. "Narinig mo pala iyon? Paniki ka talaga. Diba hindi ka duwag? O ikaw na ang mauna." Nakangising sabi ni Dark at tinulak si Levi sa bangin. "Ahhh! Wala ka talagang puso kadiliman! Mamaaa! Help me!" Sigaw ni Levi habang si Drake ay tawa ng tawa at ang professor nila ay napapalmface nalang. "HAHAHAHA!" Halakhak ni Drake at bigla siyang tinulak ng professor nila sa bangin. "Bye! Bye!" Sigaw nito at nag wave pa ng kamay. "Weirdo alert." Bulong ni Dark. "Mauna na ako sayo." Saad ng professor nila kay Dark at tumalon sa bangin. Napabuntong hininga nalang si Dark ng siya nalang ang mag-isa. "Tatalon na naman ako sa bangin pero sa ibang sitwasyon nga lang." Bulong nito sa sarili at naalala ang mga senaryo na humahabol sa kanya bago siya nakarating sa lugar na kinaroroonan niya ngayon iwinaksi niya iyon at tumalon na sa bangin. To be continue...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD