Chapter 14: The Red Cloak

1115 Words
Nicole Dark POV Apat na oras na ang lumipas noong tumalon kami sa bangin at totoo ang mga sinabi ni professor Jaie na magkakahiwalay kami pagkapasok namin dito sa black dimension at apat na oras na din ako tumatakbo sa madilim na lugar na ito. Kahit pagod na pagod ako patuloy parin ako sa pagtakbo. Ilang oras na ang lumipas, nanghihina na ang katawan ko dahil sa pagtatakbo ko na may dalang mabibigat na bagay na nakakabit sa magkabilang paa at kamay ko. Hindi ko alam kung malapit na ba ako sa dulo ng black dimension pero may nakita akong isang puting liwanag. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko. Nakikita ko na ang dulo ng black dimension. Mga limang metro na ang distansya ko sa dulo ng black dimension ng biglang bumigay ang mga tuhod ko. Biglang kumabog ang dibdib ko na ngayon ko lang naranasan sa buong buhay ko. May biglang sumigaw sa likod ko. Sigaw ng isang agila. Tinakpan ko ang mga tenga ko kasi parang babasagin na ang eardrum ko dahil sa matinis na sigaw nito. Nang wala na ako marinig na sumigaw dahan-dahan akong lumingon sa likuran ko. Sa paglingin ko isang naka red cloak ang nasa harap ko ngayon. May agila na may gintong mga mata na nakapatong sa balikat niya. "Sino ka?" Lakas loob ko tanong sa nilalang na kaharap ko. Kung kanina ay kumabog ang dibdib ko pero ngayon ay ng makita ko ang naka red cloak biglang gumaan ang pakiramdam ko at biglang nawala ang pagod ko. Tumayo ako at tinignan ng mabuti ang naka red cloak. Naalala ko ang sinabi ni professor Jaie. ('Wag na wag kayong tumingin sa mga mata ng nilalang na yun). "Sino ka ba talaga?" Pag-uulit ko sa tanong ko sa kanya. Mga eight minutes bago siya nagsalita. "Malalaman mo sa tamang panahon." Sabi niya gamit ang malalim na boses. Bigla siyang nawala at sumulpot sa likuran ko. May sinabi siya pero hindi ko maintindihan. Biglang nanlalabo ang paningin ko. Pero bago ako mawalan ng malay may ibinulong siya sa tenga ko pero hindi ko narinig ng malinaw. Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa mukha ko. Bigla ko naalala ang mga nangyari kagabi. "Nasaan ako?" Tanong ko sa sarili ko at pinagmasdam ang paligid "Bakit ang daming patay na...HALIMAW?!" Sigaw ko dahil sa gulat. Kung ganun ay nandito na ako sa mundo ng mga HALIMAW? Pero paano? Nakaupo na ako ngayon ng may narinig ako ng ungol ng isang halimaw. "ROARRR!" Isang sigaw ng halimaw na nasasaktan ang narinig ko sa likuran ko. Lumingon ako sa likod at hindi ko inaasahan na may halimaw na muntikan na akong madaganan. Tinignan ko ang taong este user na may gawa nito. "Ikaw?" Nagulat ako dahil hindi ko maintindihan kung bakit nandito siya. Siya yung lalaki na may gawa nito sa mga halimaw at siya iyong lalaki na nakita ko sa black dimension. Tumalikod siya sa akin. Biglang naging usok ang agila na nakapatong sa balikat niya at pinalibutan siya nito. Tumayo ako at akmang hahabulin siya pero nadapa ako. Nang nawala ang usok nawala din siya. "Nakakainis naman oh! Nadapa pa talaga ako!" Sigaw ko at dahan-dahan na umupo sa lupa. Bakit? Sino nga ba talaga iyong naka red cloak na 'yon? Tinignan ko ulit ang paligid. Bakit niya pinatay ang mga halimaw? Biglang lumaki ang mga mata ko ng maintindihan ko kung bakit niya pinatay ang mga halimaw. "Niligtas niya ako? Pero bakit?" Nagtatakang tanong ko sa aking sarili. O baka mali lang ang pagkakaintindi ko? Tumayo ako mula sa pagkakaupo pero sa pagtayo ko bigla na lang ako nawalan ng balanse. Napahawak agad ako sa puno na katabi ko. Nang matignan ko ang mga kamay at paa ko doon ko napagtanto na wala na pala ang weightlet na nakakabit dito. Sinubukan ko ulit na tumayo ng dahan-dahan at nagawa ko naman. Kaya pala nawawalan ako ng balanse dahil hindi na ako sanay sa magaan na pakiramdam na ito. Naalala ko yung sinabi ni professor Jaie na sa pagtanggal ng mga weightlet namin ay doon din magsisimula ang technique 4. Ang technique 4 na kailangan namin controlin ang mga galaw namin. Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Nang sa tingin ko na handa na ako naglakad ako ng dahan-dahan at habang tumatagal bumibilis ang galaw ng mga paa ko hanggang sa namalayan ko na lang na tumatakbo na pala ako ng napakabilis. May nakita akong tatlong daan kaya huminto ako pero sa paghinto ko muntikan na ako madapa kasi hindi pa ako sanay sa paghinto galing sa napakabilis na pagtakbo. Maglalakad na sana ako ng may lumabas na red, blue at green na usok sa kaliwang kamay ko at alam ko na sina Alvin, Simon at Theodore ang lumabas doon. "Master na miss ka po namin!" Sigaw ni Theodore at yinakap nila ako. "Namiss ko din kayo." Tugon ko. "Bakit kayo lumabas?" Tanong ko sa kanila. "Kasi master kailangan niyo po ng tulong namin." Saad naman ni Theodore. "Hindi po kayo pwede basta-bastang pumasok sa isa sa mga daan diyan." Pagpapaliwanag ni Simon. "Kami muna ang papasok para tignan kung nasaan ang pinto para makalabas po tayo dito sa mundo ng mga halimaw." Wika din ni Alvin na nasa hyper mode. "Baka mapano kayo." Sabi ko. "Huwag po kayong mag-alala master kaya po namin ang mga sarili namin at dahil isa kami sa mga legendary guardians mo tungkulin namin na protektahan ka." Pangatwiran naman ni Alvin na sinang-ayonan naman ng dalawa niyang kapatid na sina Simon at Theodore. Pumayag nalang ako kasi wala na akong magagawa dahil sila na mismo ang nagpupumilit. "Simon diyan ka sa left side, Theodore sa gitna ka at ako naman ay sa right side." Pamumuno ni Alvin. "Let's go!!!" Sigaw nilang tatlo at biglang nawala. Limang minuto na akong pabalik-balik sa paglalakad at pitong minuto na rin mula ng umalis sila pero hindi parin sila bumabalik. Napahinto ako sa paglalakad ng makabalik sina Alvin at Simon pero si Theodore hindi pa. "Wala pong pinto sa leftight side master." Sabay nilang pagbabalita. Bigla nalang nag appear si Theodore at tumaas lahat ang balahibo niya. Para tuloy siyang bagong nakurente pero ang cute niya parin. "Ayos ka lang ba Theodore?" Tanong ko at kinarga siya. "O-okay lang po ako master. Nasa gitna po ang pinto master pero kailangan mong labanan ang three h-headed jungle monster na nagbabantay sa pinto para makalabas tayo." Nauutal niyang pagbabalita sa mga nakita niya. "Okay. Thank you talaga sa inyo." Pasasalamat ko. "You're always welcome master. Bye bye." Sabay nilang wika at hinalikan ako sa pisnge. Tulad ng dati naging usok sila at bumalik sa tattoo ko. Dumaan ako sa gitna na daan at tumakbo para mabilis ako makaalis dito sa mundo ng mga halimaw. Ayaw ko na ako ang mahuli baka iyong ibibigay na dare nila sa akin ay ang ipakita ko sa kanila kung ano ang magical powers ko. Eh hindi ko naman alam kung may magical power ba ako o ang mas malala ay wala naman talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD