Chapter 15: Kwentas

467 Words
Nicole POV Habang tumatakbo ako may nakita akong halimaw sa dulo ng daan na tinatahak ko. Mali pala hindi lang isang halimaw kundi may tatlong ulo ang halimaw. Ito ba na ba yung three headed jungle monster na sinasabi ni Theodore? Kung oo ang LAKIIIII NIYAAA! Biglang humarap ang halimaw na may tatlong ulo sa direksyon ko kaya agad akong nagtago sa malaking puno na malapit sa akin. "Hooohhh muntikan na ako dun hah." Bulong ko sa hangin at pinaypayan ang sarili ko gamit ang aking dalawang kamay. Sumilip ako sa malaking puno para tignan ang halimaw na may tatlong ulo. Wala akong balak makipaglaban. Sa laki niyang iyan hindi ko siya kaya. Hindi madaling mapapatumba ang halimaw na iyan lalong lalo na wala akong kapangyarihan at sako noon nasa mundo pa ako ng tao ay tao ang itinutumba ko hindi halimaw. Nakita ko na may kwentas na nakasabit sa leeg niya at kung titignan ito ng mabuti may pendant ito na hugis bilog na may hugis mata? Ang weird naman. Naglakad ako at nag tip toe para hindi ako makagawa ng ingay pero minamalas ata ako ngayon. Hindi ko sinasadya na maapakan ang tuyong dahon kaya nakagawa ito ng ingay na siyang nagpalingon ng halimaw sa akin. Tinignan ko ang halimaw at ngumisi sa kanya. "Hehehe, TAKBO!" Sigaw ko at tumakbo. "Roar!" Pagkatapos ng limang oras na laban-habulan portion namin ng halimaw na ito at sa wakas napatumba ko din siya at hawak ko ang kwentas na may pendant na bilog at may nakaukit na mata sa gitna. Nung nahawakan ko ang kwentas maraming weirdo ang nangyari sa sarili ko katulad nalang biglang pagflash ng mga imahe sa utak ko na nagamit ko sa pagpatumba sa halimaw na iyon. Hinanap ko ang pinto na sinasabi ni Theodore pero hindi ko nakita. May nagflash ulit na imahe sa utak ko, isang pader na may nakasulat. Nabalik ako sa realidad at hinanap ko ang pader. Nang nahanap ko na ang pader lumapit ako at nagulat ako. Bakit? Bakit magkatugma ang mga imaheng nagfaflash sa utak ko at sa realidad? Binasa ko ang nakasulat sa pader at bigla nalang lumiwanag ang buong paligid ko na nakakasilaw sa mata. Pagmulat ko sa mga mata ko wala na ako sa mundo ng mga halimaw. Tumambad sa harap ko ang entrance ng maze. Hindi ito basta bastang maze. Ito ay isang napakalaking maze na kulay berde na maganda sa paningin. Nilibot ko ang paningin ko at ang masasabi ko lang ay napakaganda ng paligid. May nag gagandahang bulaklak may mga paruparong lumilipad at iba't- ibang klaseng mga hayop. Pumasok ako sa entrance ng maze kasabay ng pagflash ulit ng hindi lang isa, dalawa, tatlo, apat, walo o siyam na larawan kundi labing-limang imahe ang nagflash sa utak ko. Sinundan ko lang ito dahil kampante ako at mabuti kung susundin ko ang mga imahe na nagfaflash sa utak ko. To be continue...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD