BLESSY “ATE, hindi mo po ba nagustuhan ang mga pagkain? Kanina mo pa kasi iyang pagkain sa pinggan mo pero parang hindi naman nababawasan,” nagtatakang tanong sa akin ni Heaven habang nakatingin sa pinggan na nasa harapan ko. “Parang nabusog na kasi ang mga mata ko sa dami ng pagkain sa paligid, beh,” palusot ko. Pero ang totoo, hindi ako makakain nang maayos dahil abala ang mga mata ko sa paghahanap kay Kuya Dux. Kanina pa siya nagpaalam na aalis lang sandali dahil may kakausaping importante daw. Pero hanggang ngayon hindi pa rin siya bumabalik dito sa table namin. Naguguluhan nga ako sa sarili ko kung bakit big deal ang pagkawala ni Kuya. Dati naman, nag-e-enjoy ako sa party kahit kaming dalawa lang ni Heaven. Pero ngayon, kahit ako, ramdam ko ang pananamlay ko. “Sabagay. Ako rin na