BLESSY MABILIS na dumaan ang mga araw. Unti-unti ko nang nakasanayan ang pagiging parte ng pamilyang Reyes. Mas napalapit na rin kami ni Kuya Dux sa isa’t isa. Hindi na lang kapatid ang turing ko sa kaniya kundi kaibigan na rin. Kahit patuloy ang kakaibang damdamin na nararamdaman ko para sa kaniya, siya pa rin ang takbuhan ko sa tuwing may problema ako, maliban sa hindi magandang pagtrato sa akin ni Tita Virginia. Hindi ko na lang sinasabi kahit sa mga katulong dahil ayaw ko ng gulo. Katulad ngayong araw, nasampal na naman niya ako dahil nalaman niya na sa mamahaling university ako in-enroll ni Daddy. Gusto ko rin naman sana na kahit sa public school lang dahil may malapit naman dito. Pero sa Maynila pa talaga gusto ni Dad na pumasok ako ng kolehiyo. Dahil ayaw ko na makita ni Heaven a